"Bakit lutang ka ngayon? Naging happy ka ba sa debut mo? Kasi naman, dapat ang life maging happy lang. Walang ending!", sabi sa akin ni Ivory.
"Masaya."
"Wow! Ramdam ko yung saya mo sa pagkakasabi mo ng 'masaya'", bulyaw ni Ivory.
"Alam mo ang ingay mo!", sigaw ko sa kanya.
Nagmake-face lang siya kaya sinampal ko siya ng mahina.
"Kamusta kayo?", tanong sa amin ni Elison.
"Ako, great. Ewan ko lang sa dalagitang ito.", sabay turo sa akin ni Ivory.
"Masaya.", ulit ko sa sinabi ko kanina.
Tumango-tango naman si Ivory na para bang sumasang-ayon siya pero dahil sa talent niya, mararamdaman at makikita mo ang pagiging sarkastiko niya sa pagtitig palang sa mata niya.
"Alam ko na. Para maging masaya ka talaga Vienna, mag-bar tayo. But, no hard drinks. Milkshake only.", sabi ni Elison at yumamot naman ang mukha ni Ivory. "My treat?", dagdag ni Elison para makumbinsi pa si Ivory.
"Tara.", sabi ko at kinaladkad ko na si Ivory sa parking lot kung nasaan ang kotse ni Elison.
~~~~~
"Woooooh!", sigaw ni Ivory habang naghe-headbang. May dala lamang siyang 5% alcoholic drink.
Nasa dancefloor siya at nakikipagsayaw sa kung sinu-sino. Nandoon naman si Elison at inaalalayan siya. Nakatayo lamang at walang ginagawa.
Kaya mukha siyang tanga sa dancefloor na may binabantayang mukhang tangang babaeng nagsasayaw.
Haaay! Buti pa ako, mukha akong matalino mula sa kinauupuan ko.
Milkshake lang talaga ang iniinom ko. Ayokong uminom ng mga alcoholic drinks. Dangerous.
Lumilingon-lingon lang ako sa paligid habang naghahanap ng gwapo o di kaya'y namimintas. Wala akong magawa e. Kaya mantitrip nalang ako.
Ilang minuto ang lumipas, nakaramdam ako ng kilig. Kilig kasi naiihi na ako. Ihi nalang ang nagpapakilig sa akin. Tumungo ako sa lady's room at pumasok sa isa sa mga cubicle.
"Yung lalaking beastmode, yung tinuturo ko sayo, nakita mo ba?", may narinig akong tsismisan sa labas ng cubicle.
"Oo. Kay gwapo! Mukhang mabait pero ang bad! Nagwawala? Bakit kaya?", sagot sa kanya ng katsismisan niya.
Nag-flush ako ng bowl at lumabas ng cubicle. Naghugas ako ng kamay, binabagalan ko talaga dahil gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila na tungkol sa gwapong beastmode.
"Ang ugali pang-beast pero ang mukha, pang-anghel! Waaah! Dream boy! Tangos ng ilong, ang ganda ng mata at ang ganda ng panga. Ang ang messy hair, kulay gray! Bongga-licious! Kulang nalang talaga magka-pakpak at halo siya para maging anghel na siya na lumalaban sa mga demonyo! Ang ganda ng katawan!"
Natulala ako sa kamay ko habang umaagos ang tubig dito. Ang mukha, pang-anghel!
Pinatay ko ang gripo at agad na lumabas ng banyo. Paglabas ko, nakita kong nagliligpit na ang mga janitor ng mga nabasag at natapon. Sa di kalayuan, sa may bandang exit, isang lalaki ang hawak-hawak ng dalawang bouncer na namataan ko.
Ang built ng katawan niya kahit nakatalikod ay sobrang pamilyar para sa akin.
Ang buhok niyang kulay abo.
Nakita ko na siya at hinding-hindi ko siya malilimutan.
Siya ba ang lalaking dalawang taon ko nang hinihintay?
BINABASA MO ANG
The Devil was Once an Angel
RomanceNarinig niyo na siguro ang tungkol kay Lucifer, diba? Ngunit hindi tungkol kay Lucifer ang istoryang ito. Ito ay tungkol kay Vienna Addilyn Chan at sa kanyang guardian angel. Ang kanyang guardian angel na hindi niya tiyak kung tunay o gawa lamang ng...