Chapter 16: You're Drunk

14 1 0
                                    

Halos maibuga ni Ivory ang iniinom niyang juice. Nagulat siya sa pagkekwento ko tungkol sa away amin ni Thaddeus. Duh! Ano bang bago? Lagi naman kaming nag-aaway.

"Hay! Kahit na gwapo si Elison, hindi ako papayag na sirain niya ang ThadDilyn!", aniya.

"Anong ThadDilyn?", tanong ko.

"Thaddeus and Addilyn.", sagot niya.

"Tch. Ang dami mong alam."

"Talagang marami akong--", napahinto siya at tumingin sa pintuan. "Speaking of the devil."

Napatingin din ako doon at may demonyito ngang nakatayo doon. Tumingin lang din siya sa akin pero walang ekspresyon ang mga mata niya. Ngayon, sigurado akong babalewalain na naman niya ako.

"Hello, Thadds!", nag-wave pa si Ivory sa kanya. Tinanguan lamang siya ni Thaddeus. Umupo siya sa tabi ko pero wala kaming kibuan.

"Oh, ang cold.", sabi ni Ivory at niyakap pa ang sarili na parang nilalamig at nanginig pa.

"Good morning class!", umayos ng pagkakaupo si Ivory. Nandiyan na si prof Yummy.

"It's been two months but still, meron pa ring nagtatransfer sa UP at sa course ninyo. So here he is. Please come in.", sabi ni prof Yummy at may minuwestrahan na pumasok.

It's the good-looking nerd again! Why is he here?

Narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni Thaddeus. Napatingin ako sa kanya pero hindi niya ako binalingan. Nakayuko lang siya at nakakunot ang noo.

"Please introduce yourself."

"Good morning, I'm Elison Trevas. Age 17. I'm from Bulacan. I-I...", nanlaki ang mga mata ni Elison ng napatingin sa akin. Agad naman siyang nakabawi at nagsalitang muli. "I hope that we'll be all friends."

"Ang lamya. Bakla ata. Boring.", narinig kong side comment ni Thaddeus at humikab pa. Hindi ko siya tinignan pero nainis ako bigla. Bakit ba siya nagkakaganyan?

"Please take a seat.", sabi ni prof. Sumunod naman si Elison at tumango sa akin nang madaanan niya ang pwesto ko. Sa likod ko siya umupo. Iyon nalang ang bakanteng pwesto sa last row.

Narinig ko ulit ang malalim na pagbuntong hininga ni Thaddeus pagkatapos kong lingunin at batiin si Elison.

~~~~~

Class dismissed na kami. Inaayos ko nalang ang gamit ko at naghahanda nalang ako sa pag-alis.

"Vienna, p-pwede bang sabay na t-tayong umuwi? Ah, kung... gusto mo lang. Ihahatid na sana kita. Pero... hindi kita--"

"Sige na, Elison. Okay lang. Hatid mo na ako.", pinutol ko na ang sinasabi ni Elison. Para bang hiyang-hiya siya sa akin at hindi niya maideretso ang dila niya.

"Ah ganun. Paano ko?", tanong naman ni Ivory. Tinaasan niya ng kilay si Elison dahilan para yumuko ito. Hindi ko na alam kung anong paandar ng babaeng to.

"A-ah, isasabay ka na namin.", sabi ni Elison.

"Ay sige, wag na. Tutal parang napipilitan ka lang kasi gusto mong pumorma kay--"

"Ivory!", saway ko sa kanya.

"Ano?", tanong ni Ivory sa akin.

"Tch. Paano kung sabihin kong gusto kong pumunta ng bar. Sasamahan niyo ba ko? As in, sama talaga hindi hatid.", humalukipkip siya sa harap ni Elison. It's obviously a trap. She's being a bitch now and I don't know what's her good reason for this! She needs to give me a good reason for this!

"Ano? Papainumin mo kami?", hindi makapaniwalang tanong ko kay Ivory. Ano na namang pakulo to? Halata naman sa itsura at kilos ni Elison na hindi siya umiinom.

"Hindi kasi ako--"

"Hindi ka umiinom, Elison? Hay! Buti pa si Thaddeus. Don't worry, sa gilid ka na lang. May mga milkshake naman dun e. Habang kami ni Vienna, sumasaway sa dancefloor at umiinom ng liquor.", sabi niya at inirapan si Elison. "Let's go!", sabi niya at nauna ng lumabas.

Nagkatinginan kami ni Elison.

"Maybe, she's going through a big bad problem. I guess she needs a friend. Babantayan ko pa ang ikikilos niya mamaya. Maybe, she's mad or upset.", sabi niya. He's very understanding. Napatulala ako ng ilang saglit at binigyan ko siya ng 'paano mo naman nasabi'-look.

"I'm reading books, remember? My tito's a psychologist. That's why. He gave me his old books.", paliwanag niya. Tumango naman ako at napangiti.

Nakita namin si Ivory sa gilid ng pintuan ng lumabas kami. Iritado siyang nakatingin sa kanyang cellphone. Nang nagtama ang mga paningin namin ay ngumiti siyang muli at nagyaya na sa kotse ni Elison.

~~~~~

"Alam mo, jackpot ka lagi sa mga boylet mo Vienna. Si Thaddeus... mala-anghel ang kagwapuhan, macho, hot... cool. Isa rin siya sa pinakamasipag na student councelor. At higit sa lahat, possessive sayo kasi mahal ka niya. Nagseselos kasi mahal ka.", may lumandas na mga luha sa pisngi ni Ivory. Isang oras na kami dito sa bar at lasing na siya.

Tama ang naging desiyon namin ni Elison na wag maglasing. Si Elison, milkshake lang nga ang ininom kahit iniinsulto siya ni Ivory. Ako, uminom ako ng konti pero hindi pa naman ako tinatamaan.

Iisipin ko sanang baka may gusto pa si Ivory kay Thaddeus kung hindi lang siya umiyak at nagsalitang muli. "Si Elison, gwapo kahit nerdy look. Ang dami ring alam. Halata namang masipag at matiyaga. Ang yaman din dahil naka-kotse pa. Napaka-understanding, masunurin at mabuti siyang tao. Sinusuyo ka pa lang niya Vienna pero kahit ako nakikita ko ang sinseridad niya. Wala lang siyang abs at hindi lang maputok ang muscles niya hindi katulad ng kay Thaddeus pero hindi naman patpatin at hindi rin naman sobrang taba. But you need to choose wisely sa kanilang dalawa.", natawa siya sa sinabi niya at nilagok ang natitirang laman ng bote niya.

Nandito lang kami ni Elison at nakikinig sa lahat ng sinasabi niya. Wala kaming kibo. Si Elison, iling lang ng iling at para bang napapatunayan niyang totoo yung mga nasa utak niya na may kinalaman sa mga nabasa niya.

"Eh ako? Si Simon, I like him kung ugali ang pag-uusapan. Si Hendrix, sobrang gwapo kaya I also like him. Nanliligaw sila sa akin and I can't choose. Si Hendrix ang pinili ko pero sobra namang possessive at para bang obsessed siya sa akin kaya masyado akong nasasakal. Nagkagalit kami kaya ayun, masyado namang lumuwag. Yung parang wala na siyang pakialam. So, nakipagkita ako kay Simon and I lied to him that I liked him. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang gawin yun. Siguro kasi inis na inis ako kay Hendrix. I like Simon but I love Hendrix. Ginamit ko si Simon para pagselosin si Hendrix. Then, nasawa na si Hendrix sa akin. He broke up with me. And now, I'm left with Simon. Si Simon na hindi ko naman mahal at walang halaga sa akin. Sinalo ako ni Simon at nagpapasalamat ako dun. Thinking that maybe, I can learn how to love him back. But when he found out na ginamit ko siya to make Hendrix jealous. Iniwan niya rin ako. Kung kailan naa-appreciate ko na lahat ng efforts niya."

"Let's go home, Ivory. You're drunk.", sabi ko sa humahagulgol na si Ivory habang inaalo ko siya sa balikat ko.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon