Chapter 14: Coffee

7 0 0
                                    

"Wala pa ring ganap? Friends pa rin kayo hanggang ngayon kahit pa mutual na ang feelings niyo? Nanliligaw na diba? Oo nalang te!", sabi ni Ivory habang ngumunguya ng fries. Nandito kami sa canteen dahil break time na. Si Thadds? Nasa student council na naman. May meeting daw para sa buwan ng wika. Astig no? May pacontest daw every course. Student Councelors ang magiging punong-abala para don. It's been two months. August na ngayon.

Oo nga pala. Pagkagising ko kaninang umaga ay isang itim na pakpak na naman ang nakita ko sa bintana. Tinago ko ulit iyon. Pang-apat na. Pero simula kanina, kinikilabutan na ako at nagtataka dahil sa uwak na lagi nalang nasa bintana ko tuwing umaga at nag-iiwan ng pakpak niya. Remembrance ba yun at thanksgiving dahil sa pagpapatambay ko sa kanya sa bintana ko tuwing gabi?

"Oo. Friends pa rin. Tsaka kahit pa MU kami at nanliligaw siya, hindi ko ramdam. Ang hilig niyang gumawa ng mga bagay na madaling nakakapagpa-inis sa akin. And, oo nalang? Duh! Hindi ako cheap no.", sabi ko sa kanya at napapa-irap na lang ako.

"Yeah. Ang bagal niya. Kung masasawa ka man agad sa kanya dahil sa kupad niyang taglay, di na ako magtataka kung ibasted mo nalang siya bigla.", sabi niya ulit at uminom naman sa coke niya. Tumutunog na ito, yung parang sumisinghot ng sipon, pero ayaw pa rin niyang tigilan. Sinisimot niya pa kahit wala ng laman.

"Stop that!", sabi ko sa kanya at hinawi ang kamay niya.

"Hahaha! What's your problem?", tumatawa niyang tanong sa akin.

Hindi ko siya pinansin at niyaya ko nalang siyang pumasok na susunod naming subject. Tumayo na ako doon at nagsimulang maglakad.

"Uh, excuse me miss.", napahinto ako sa pagharang sa akin ng isang lalaki. May malaking siyang glasses sa mata. Yung pang-nerd talaga but it doesn't change the fact that he's damn good-looking. Maraming babae sa gilid ko ang nakatitig sa kanya at pinagpapantasyahan siya. "I'm a transferee, I think I'm lost. Can you help me find where this place is?", sabi niya sabay turo sa picture ng Sampaguita Library. Marami kasing libraries dito at yung library na hinahanap niya ay nasa bandang dulo ng university.

"Yeah. Do you want me to accompany you?", I asked him. Haay! Ang hirap makipag-communicate sa geniuses.

"W-will you? I mean, if you have time. Kung hindi ako makakaabala. Okay lang?"

"Malamang may time ako. Kaya nga tinatanong kita e.", woah! Sumisilip na ang sarcastic side ko.

"Okay then. Sige. Thank you. Saan nga ba?", tanong niya at nginitian ako. Nakita ko kung gaano kaperpekto ang ngiti niya dahil sa pagkakapantay-pantay at pagkaputi ng ngipin niya. Iniwas ko ang tingin ko at minuwestrahan ko siyang sumunod sa akin. Tuluy-tuloy akong naglalakad papunta doon sa library na yun.

"By the way, I'm Elison. You are?", tanong niya habang naglalakad kami.

"I'm Vienna.", sagot ko sa kanya.

"Woah! What a beautiful name"

Really? Ganun ba kaganda ang pangalan ko para sa kanya? Nginitian ko lang siya at hindi na namansin.

"Here it is.", sabi ko sabay turo sa pintuan ng library.

"Do you want to join me inside? I mean, if you like to. Do you like books?", tanong niya.

"Actually, nagbabasa ako pero may klase pa kasi ako.", paliwanag ko.

"Oh really? I guess inabala talaga kita. Well, thank you again.", sabi niya at bahagyang nag-bow. Tumango ako at naglakad na naman papuntang room.

~~~~~

"Kamusta lovelife?", tanong kaagad sa akin ni Ivory.

"Bakit hindi ka sumunod?", imbis na sumagot e tinanong ko pa siya.

"Wala lang. Ayokong maging hadlang sa incoming love of your life.", sagot niya.

"Gusto mong tuktukan kita sa lungs? Nagpatulong lang, hinatid ko lang, love na? Ano to!", sabi ko trying to imitate Babalu's voice.

Nagkwentuhan pa kami ni Ivory at ineechos niya ako tungkol dun kay Ericson. Diba? Ericson ang pangalan niya.

"Good morning.", napatigil kami sa pagbati ng prof namin.

~~~~~

Natapos ang klase at nagliligpit na kami ng gamit.

"Uy, magle-late daw ng uwi si Thadds. Mauna na daw ako. Tayo? But he uses 'ka' sa text niya. Does it mean na mauna na ako at maiwan ka for you to wait for him? Look.", sabi ni Ivory sabay pakita sa akin ng text ni Thaddeus.

~
Thadds:

Ivory, mauna ka ng umuwi. Gumagawa na kami ng props para sa Buwan ng Wika.
~

Nagkibit-balikat ako at kinapa ang cellphone ko sa bulsa. Baka sa akin magpapahintay. Binuksan ko ito ngunit wala itong text mula kay Thaddeus. Para bang may pagkukulang akong naramdaman at nainis ako sa kanya. Bakit si Ivory lang ang tinext niya? Kalma Vienna, he's not you're boyfriend.

Hindi ako nagpakita na naaapektuhan o nag-iisip ng kung anong kapraningan kay Ivory. I shrug my shoulders.

"Walang text e. Sabay na ako sayo.", I won't wait for him. Not again. Hindi ako maghihintay kasi wala naman siyang sinabi. I'm not waiting for nothing again. Tapos makikita ko nalang ang sarili kong umiiyak? No way!

"Hmm. Hindi tayo pwedeng magsabay kasi pupunta ako sa bar. Martini's there and he is crying. He said that he's a mess! I don't know what's happening but thank God, Ebony's already there.", sabi niya habang may nirereplyan sa text. Si Ebony siguro. I'm sure that Martini's now drunk. I'm also aware that he is having a boyfriend. Pero kapag nakikipag-break siya ay hindi siya umiiyak dahil may bago na naman.

"Okay. Bye.", sabi ko. Nag-wave lang siya at tumatakbong umalis.

Naglalakad na ako sa kalawakan ng university. Bakit hindi man lang ako tinext ni Thaddeus? At ang pinakanakakainis ay yung pag-iisip ko sa kanya ngayon! Napapraning ako at wala namang dahilan para mapraning ako. What if naisipan ko na namang hintayin siya but I don't know na mag-oovertime pala siya.

"Vienna?"

I like him. Iyon ang malinaw sa akin. At alam kong pwede pang lumalim yun. Hindi ko pa siya love. Like and love are very different.

"Vienna! Hey!"

But he drives me crazy! Pinapalaki ko yung issue na hindi niya pagtetext sa akin.

"Vienna!"

"Waah!", halos mapatalon ako ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Lumingon ako sa kanya and I saw the same handsome nerd that I helped a while ago.

"Oh, sorry! Do you remember me? I'm sorry to freak you out. Ang bilis mong maglakad at sa tingin ko hindi mo ako naririnig kaya hinabol talaga kita. But I guess, you're just trying to ignore me. Haha! Sorry.", wika niya habang nakangti ngunit hindi niya naitago sa akin ang pait at pag-aalinlangan ng ngiti niya.

"Hindi. Marami lang akong naiisip at medyo lutang lang habang naglalakad but I'm not trying to ignore you. I'm also sorry.", sabi ko dahil nakonsensya naman agad ako sa pag-isnob sa kanya kanina.

"Well, may lakad ka ba? I mean, are you a coffee addict? Do you want to have a coffee with me? My treat."

Nagulat ako sa pag-anyaya niya sa akin. Hindi ako manhid pero ayokong mag-assume. Alam kong merong something pero ayoko siyang pangunahan. Baka naman may kailangan lang siya sa akin. Transferee siya at wala siyang kaibigan and I guess, he needs one.

Dala na rin siguro ng inis kay Thaddeus at hindi ko pa naman feel na umuwi...

"Sige.", there's nothing wrong with a cup of coffee with a new friend. I guess, he's being a friend.

Nagliwanag ang mukha niya.

"Really? Thank you!", sabi niya at niyaya na ako sa malapit na coffee shop na malapit sa school.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon