Chapter 8: Big Help

25 1 0
                                    

"Ako at si Naddi ay---"

"Sorry Ivory. Kami yung kumain ng chocolate mo noong nakaraang araw. Hershey's yun e. Masarap yun at paborito ko yun. Kaya sorry talaga.", pagpapalusot ko kay Ivory. Nakatunganga lang siya at binigyan niya ako ng nakakalitong tingin.

"Grabe kayo! Alam niyo bang ninakaw ko pa yun sa ref ng kakambal kong si Ebony nung bumalik ako sa bahay noong nakaraang Linggo? Tapos tinago ko sa sulok ng ref ng condo namin nila Martini at sinabihan ko pa kayo Thaddeus na wag niyong kainin yon! Tapos... tapos... kakainin niyo lang. Alam niyo bang umiyak ako noon? Nakakahiya kasi nagmukha akong tanga pero, oo na! Umiyak ako noon. Yung efforts ko kasi nasayang tapos hindi naman pala siya pupunta. Tapos makikita ko siyang may kasamang iba. Yung efforts ko na gawing memorable yung pagsagot sa kanya pagkatapos ng panliligaw niya pero... hindi lang pala ako nag-iisa. Sinasabay-sabay niya pala kami.", napahagulgol na sa iyak si Ivory at yumakap sa akin.

May hindi siya sinasabi. Yung tungkol siguro sa manliligaw niyang sina Simon o Hendrix. Kung kanina nakokonsensya ako kasi nagsisingungaling ako pero ngayon naiinis ako. Kung sino man sa dalawang yun ang pinag-effortan niya. Punyatera siya.

"Ivory. Sorry na. Kung sino man yung lalaking yun. Punyatera siya!", sabi ko habang hinihimas ang likod niya. Mas sanay kasi siya na siya yung heart-breaker. Baka nga first time niya tong heart break e.

Napatingin naman ako kay Thaddeus na naka-poker face lang pero ngumiti agad siya nung nagkasalubong ang mga tingin namin kaya inirapan ko siya. Tsk. Pa-fall. Sabagay, M.U naman kami e.

"Bakit kasi nagsinungaling ka? Akala ko tuloy dahil talaga sa chocolate kaya siya umiiyak. Hahahahahahahahaha!!!"

Halos mamatay-matay na siya roon kakatawa. Tinitigan ko siya ng matalim pero mas nilakasan at nilutungan pa niya yung tawa niya.

"Nagsinungaling ka?", tanong ni Ivory. "Ano ba kasi talaga yun Vienna?".

"Wala. Tsaka mo na intindihin. Umiyak ka na lang hangga't wala na yung sakit.", niyakap ko siya at hinimas ko ulit ang likod niya. "Feel the pain until it hurts no more. Wait for the right guy because...", tumingin ako kay Thaddeus at sinuklian ko ang ngiti niya. "...he's worth it."

~~~~~

"Thaddeus."

"Nadi."

"Kailangan nating mag-usap.", sabi ko. Kaming dalawa na lang ang nasa room. Nag-aayos siya ng bag at ako ay naghihintay (na naman) na matapos siya.

"Tungkol kanino?", tanong niya.

"Kay Ivory.", sagot ko naman.

"Ano namang tungkol kay Ivory?"

"Thaddeus, gusto ka niya. Gusto ka rin niya!", diretsahan kong sagot sa kanya. Ngumiti na naman siya at napupunyatera na naman ako.

"Ano naman?", sabi niya at nagkibit-balikat.

"Ano? Ganun nalang yun sayo? Thaddeus, tinulungan ka niya! Noong nawawala ka, noong sugatan at nagugutom ka. Tinulungan ka ni Ivory at wala lang sayo na masaktan siya?", sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Paano mo nalaman?"

"Baka tinanong ko. Paano pa nga ba? Wag ka ngang tanga Thaddeus! At please lang, maging sensitive ka naman. Isipin mo naman yung mararamdaman niya."

"Hindi totoo yun.", sabi niya at nilagpasan ako.

"Ang alin?", huminto siya at sumagot.

"Na gusto niya ako?", sabi niya at nag-kibit balikat at naglakad na ulit.

Hinila ko siya at iniharap sa akin. Nakangiti na naman siya ng nakakapunyatera.

"Seryosohin mo naman yung usapan kasi totoong problema to Thaddeus! Paano natin sasabihin kay Ivory na may gusto tayo sa isa't-isa?"

"Hindi pa tayo pero may LQ na tayo. Hahaha! Ganito lang yan Naddi. 'Ivory, sorry friend huh. Pero mahal ako ni Thaddeus at mahal ko rin siya. Minamahal namin ang isa't-isa at pangarap namin ang magkaroon ng sariling pamilya at mabuhay ng masaya. Pangarap rin namin ang tumanda ng magkasama at 'til death do us part.'", sabi niya habang magkadikit pa ang dalawa niyang kamay na para bang humihiling siya sa Diyos. Ginagaya pa niya ang boses ko. Ang trying hard niya.

"Ang OA mo Thaddeus. You're not helping at all.", sabi ko at inirapan ko na naman siya mula sa kaibuturan ng aking pagkatao at iniwan ko na siya.

~~~~~

"O 'nak, bakit bad mood ka ata.", tanong ni Papa. Tinabihan niya ako sa sofa habang sinusuri ako. Pinapakiramdaman na naman niya ako.

"Wala naman po Pa.", sagot ko.

"Hmmm. May problema ka. Alam mo, may isheshare ako na tungkol sa Mama mo pero wag mong sasabihin na sinabi ko sayo. Secret lang natin. Pero, kailangan sabihin mo muna yung problema mo.", sabi niya ng pabulong.

"Haaay Pa. Kilala mo po talaga ako. Ito po kasi yun. Kasi po yung Thaddeus na sinasabi ko po sa inyo na kalaro ko sa Laguna, totoo po siya. Hindi po ako nakikipaglaro sa hangin noon Pa. Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy Pa, gusto namin ang isa't-isa kaso si Ivory, yung taong tumulong sa kanya noong sugatan, gutom at giniginaw siya, may gusto rin sa kanya. Paano naman po namin sasabihin ng maayos kay Ivory e kakagaling lang po sa heart break nung tao?"

"Anak, gaano ka naman nakakasiguro na yung Thaddeus na yan is the same Thaddeus noong nasa Laguna pa tayo.", tanong ni Papa.

"Sabi niya po galing po siya sa Laguna. Tapos tinawag niya po akong Naddi. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun Pa."

"Haaay nako! Tamang-tama yung ikekwento ko tungkol sa Mama mo. Ang Mama mo kasi noong may gusto pa yan sa akin, ganyan din daw siya. Wala sa mood, lagi akong iniisip."

"Wow Pa huh? Baka naman baliktarin mo yung kwento na si Mama ang nanligaw katulad ng lagi mong ginagawa."

"Hahahaha! Hindi, ako talaga yung nanligaw pero may gusto na rin sa akin ang Mama mo noon. Kaso pakipot.", tumawa kaming dalawa at nagpatuloy siya sa pagkekwento. "Alam mo anak, walang problema sa pag-amin. Nakakahiya, nakakakaba, nakakatakot yung magiging reaksyon niya. Pero isipin mo, kung hindi mo ba sasabihin may mangyayari? Paano mo malalaman yung magiging reaksyon niya kung hindi mo sasabihin? Kaya noong naka-ipon ako ng lakas ng loob at sinabi ko na sa Mama mo na mahal ko siya, sinabi niya rin sa akin ang 'I love you too' at napakasarap pakinggan noon Addilyn. At masarap ring marinig mula sa kaibigan mo na 'Okay lang Vienna, napatawad ko na kayo. Nagmahal lang naman kayo e. Alam ko namang nahirapan din kayong umamin dahil pinapahalagahan niyo naman ako bilang kaibigan. Pero salamat kasi sinabi niyo ng maaga, maaga rin akong makakapag-move on.' Paano kung ganun ang sasabihin niya? Edi worth it yung lakas ng loob na inipon niyo. Naging honest din kayo sa kanya."

"Wow Pa! Ikaw ba yan? Ang galing mo palang makipag-heart to heart talk! You helped a lot!", sabi ko at niyakap ko siya.

"Malalagpasan mo rin yan Addi.", nagulat naman ako ng nagsalita si Mama na nasa gilid ko na pala. Naki-group hug din siya sa amin ni Papa.

Haaay! My family! I love them. Hindi sila pumapalyang pasayahin at pagaanin ang loob ko. Lagi nila akong tinutulungan. Right now, Papa is a big help! Nalinawan ako. Alam ko na ang dapat kong gawin. Thank you God for letting me have them.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon