Tahimik kaming kumakain. Si Ivory, Elison, ako at si Thaddeus.
Kung normal siguro si Ivory ngayon ay maingay pa rin siya pero nanibago siya sa presensya ni Thaddeus. Nakatulala siya kay Thaddeus na kaharap niya ngayon sa upuan habang kumakain. Nasa canteen kami ngayon.
"Ivory, okay ka lang ba?", tanong ni Elison. Alam na ni Thaddeus ang tungkol kila Elison at Ivory pero ayaw pa rin talaga niya kay Elison. Sinubukan pa rin daw akong pormahan ng tutubi na yon. May malaki daw kasi itong nerdy glasses kaya't tutubi ang tawag niya dito.
"Thaddeus?", pang-ilang tanong na ito ni Ivory at pang-ilang tango na rin ang ginawa ni Thaddeus.
"Ikaw nga.", sabi ni Ivory. Tumayo siya at niyakap si Thaddeus. Napailing kaming tatlo at si Thaddeus ay sinuklian na lamang ang yakap ni Ivory.
"Halaaaa! Akala ko talaga patay ka na! Pero syempre sabi ko kay Papa God, wag po. Kasi kawawa ang ka-heart-heart mong si Vienna kapag nawala ka na at hindi na bumalik!", take note: kapag umingay na si Ivory, ibig sabihin normal na siya at nahimasmasan.
Nagkibit-balikat si Thaddeus, bumuntong hininga at umiling-iling kay Ivory.
~~~~~
"Sige, mag-date muna kayo ni Thaddeus.", tukso sa amin ni Ivory. Aalis kasi sila ni Elison. They we're already dating.
"Tsk. Uuwi na kami.", sabi ko.
"Hmm. Talaga lang huh? Whatevs! Babush!", sabi lang sa akin ni Ivory at nag-wave.
Naglakad na sila palayo. Kami nalang ni Thaddeus ang naiwan dito.
"Tara na.", pag-anyaya ko sa kanya.
Pero imbis na sumagot ay hinila niya lang ako papunta sa sakayan ng jeep. Sumakay kami sa lagi naming sinasakyan na lugar na pupuntahan ng jeep pero lumagpas kami sa dapat kong babaan.
"Thaddeus, lagpas na tayo sa kanto namin.", sabi ko.
"Hindi. Medyo malayo pa.", sabi niya.
"Anong malayo--"
"Ssshh. Trust me.", sabi niya at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.
Huminto kami sa isang barangay na medyo pamilyar sa akin.
Barangay Ginto.
"Dito ako nakatira, Naddi.", untag niya.
Tumango lamang ako at nagpatianod na naman sa paghatak niya. Sumakay kami sa isang tricycle at sinabi niya ang lugar na pupuntahan namin. Hindi ko alam kung saan ito.
Huminto kami sa isang puting bungalo. Pula ang bubong nito. Napaka-common lang ng itsura. Pumasok kami sa loob at namangha ako sa nakita ko. Kahit simple ang disenyo at kulay na asul at puti ng bahay, napakaganda at nakakarelax tignan. Pinaalala lang sa akin ni Thaddeus ang paborito kong kulay.
"Alam kong maliit ito para sa atin..."
Napatingin ako sa kanya at ang buong atensyon ko ay nasa kanya lamang.
"Pero, pagtutulungan nating palakihin ito para sa kinabukasan natin at para na rin sa magiging mga anak natin. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kung hindi lang din ikaw ang makakasama ko habang-buhay, mas pipiliin ko pang mamatay. Dahil ganon din naman kasakit yun. Ang dalawang taong paghihintay ay ayos lang kung panghabang-buhay kitang makakasama.", sabi niya at hinalikan ako sa pisngi ng matagal. Tuwing hahalikan niya ako ay napapapikit nalang ako sa init ng pagmamahal na nararamdaman ko.
"Ako man, Thaddeus. Mahal na mahal kita. Pangako kong hindi rin ako magsasawang hintayin ka. Kung hindi lang din ikaw ang makakasama ko habang-buhay, pipiliin ko pang maging matandang dalaga at mamatay na virgin kung hindi lang din ikaw.", sabay kaming napatawa dahil sa sinabi ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Mariin akong napapikit ngunit dinilat ko rin agad ang mata ko para magtama ang titig namin.
"Mommy...", sabi niya. Noong una ay nagtaka ako pero naalala ko yung nangyari sa ice cream parlor. Kung saan nabuo ang endearment namin.
"Baby..."
Muli niya akong hinalikan sa labi ng mabilisan.
Lumayo siya sa akin ngunit hindi pa rin niya inaalis ang titig sa mata ko. Hinawakan niya ako sa kamay.
"Kumain na tayo. Iiinit ko nalang yung niluto ko kaninang umaga.", sabi niya. Tumango ako at sumunod sa kanya sa kusina.
Kumain kami roon. Kahit pa naaalala ko ang mga katanungan ko sa kanya. Ayoko pang magtanong. Ayokong sirain ang moment na to.
"Thaddeus, ano ba tayo?", tanong ko.
"Tao? Anong tayo?", tanong niyang muli.
"Punyatera. Yung relationship status natin! Ano tayo? Ano ba talagang meron tayo?", tanong ko sa kanya. Medyo napataas ang boses ko. Kinabahan kasi ako. Baka pinapaasa lang ako ng isang to.
"Tayo. Nagmamahalan tayo. At nangako tayo sa isa't-isa na magsasama tayo habang buhay. Alam ko na ang iniisip mo...", sabi niya at tumayo. Dumiretso siya sa isang pinto na sa tingin ko ay kwarto. Lumabas din siya roon. Wala naman ata siyang kinuha.
Nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko.
"To make this formal. At para hindi ka na malito at magduda pa sakin.", kinuha niya ang isang maliit na pulang box at binuksan ito. "Will you be my girlfriend and soon to be wife?"
Napaluha ako habang tumatango ng paulit-ulit. Isinuot niya ang singsing sa daliri ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
Maya-maya pa ay niyaya niya na ulit akong kumain. Umiiyak ako habang sumusubo ng pagkain. Siya naman ay nakatitig lang sa akin at pinupunasan ang mga luha ko.
"I love you. Thank you for saving me. You're my angel.", sabi niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo, sa pisngi at sa labi.
"I love you too.", iyan nalang ang nasabi ko.
Matapos kumain ay nagligpit na kami pero ayaw niya akong patulungin. Siya na rin ang nag-urong habang ako, nanunood lang sa ginagawa niya.
Magkahiwalay kami ng kwartong tutulugan. Dalawa kasi ang kwarto ng bungalo. Nang matapos siya sa pag-uurong ay hinatid niya ako sa harap ng magiging pansamantala kong kwarto. Hinalikan niya muli ako sa noo.
"I love you.", banggit niya.
"I love you too."
Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga agad ako at pumikit. Dumaan lamang ang ilang minuto ay humimbing na rin ang tulog ko.
~~~~~
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa malawak na hardin. Tila walang katapusan na damo, halaman at mga puno ang narito.
Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at may hanggang balikat na kulot na buhok. Lumapit ako sa Kanya at kinalabit Siya upang tanungin kung nasaan ako. Ngunit bago pa man ako makapagsalita, sa pagharap Niya ay napapikit ako dahil sa pagkasilaw. Napayuko at napaluhod ako sa harap Niya. Batid sa aking kaalaman na masyado Siyang makapangyarihan.
"Vienna Addilyn.", tawag Niya sa pangalan ko.
Hindi ako sumagot at nanatili lamang ako sa posisyon ko.
"Ikaw ang babaeng pinakamamahal ni Thaddeus, hindi ba?", tanong Niya. Marahan akong tumango.
"Alam kong wagas ang inyong pagmamahalan. Malinis ito at totoo. Humahanga ako sa pagmamahalan niyo ngunit ito ay isang kasalanan. Lalo na para kay Thaddeus na isang anghel. Ang misyon lamang niya ay ang bantayan ka ngunit labis pa roon ang ginawa niya, minahal ka niya Vienna Addilyn. Matagal na niya itong nararamdaman at pinilit kong pigilan siya ngunit hindi ko nagawa. Ang kaparusahan para sa isang anghel na nagmahal ng mortal ay kamatayan at pagkasunog sa impyerno. Ngunit ngayon, gusto ko kayong iligtas. Isa lamang ang paraan at siguradong masakit ito para sayo. Ngunit kailangan mo itong gawin para sa ikaliligtas ng lalaking mahal mo..."
"Ano po iyon Ama?", tanong ko sa Kanya. Pumapatak na ang luha ko dahil na rin siguro sa kagalakan na makausap Siya.
"Kailangan mo siyang saksakin sa puso. Ang puso niyang tumitibok para sa iyo.", bahagya akong napatunghay ngunit hindi ko pa rin magawang tumingin ng diretso sa kanya. Isang gintong punyal ang inilapag Niya sa harap ko.
BINABASA MO ANG
The Devil was Once an Angel
RomanceNarinig niyo na siguro ang tungkol kay Lucifer, diba? Ngunit hindi tungkol kay Lucifer ang istoryang ito. Ito ay tungkol kay Vienna Addilyn Chan at sa kanyang guardian angel. Ang kanyang guardian angel na hindi niya tiyak kung tunay o gawa lamang ng...