Chapter 18: Eighteen

14 0 1
                                    

Two years past...

[Everything on your debut is ready.] Sabi sa akin ng hinire na coordinator nila Mama para sa debut ko mula sa kabilang linya. Bukas na yun. Tomorrow, 18 na ko!

"Okay! Thank you. See you tomorrow!", sabi ko at inend na ang call.

Pinagmasdan ko ang gown na isusuot ko bukas. Ako lang ang naka-gown at ang iba ay naka-dress lang.

It is a backless, off-shoulder, heart-tubed red gown. Hanggang tuhod lang ang tela sa harap nito at sumasayad naman sa sahig ang lace nitong tela sa likod. Meron din akong isusuot na black gloves na hanggang siko. Kulay white 2-inch stilleto naman ang ipapartner ko bilang sapatos.

Lahat ng tao sa venue ay magsusuot ng maskara na kulay itim. Ako lang ang may maskarang kulay pula.

Red is now my favorite color. Kung dati ay blue, dahil mapayapa akong tao. I love peace. Ngayon naman, red na ang paborito ko dahil naging matapang ako. Simula noong umalis siya.

It's been two years. Third year college na ko. He's probably 20 now. Malaki na siya at maaaring nakalimutan na niya ako. Maybe, he is with his family at masaya na siya. Ang tagal na e. Baka nga masaya na siya. Hindi ko mabubura ang taong iyon sa isip ko. He will always carry a part of me.

I hate to admit it, but, I'm still waiting.

Kahit pa sabi niya sa letter niya ay maaaring kalimutan ko na siya, I told you, I can't. I love him.

Nagising lamang ang diwa ko ng tumunog ang cellphone ko dahil sa pagtawag ni Ivory.

[Waaaaah! Viena, I'm so excited for tomorrow.] Tili ni Ivory mula sa kabilang linya.

"Luka! Lalo naman ako! Ako kaya ang magde-debut. Baka talbugan mo ko ha? Papaalisin kita. Give me that night!", sabi ko sa kanya.

Natawa lamang siya mula sa kabilang linya. Nag-usap kami hanggang sa sinabi niyang pagod na siya sa akin at kailangan na muna niya akong iwan para makapag-isip isip. Cool off daw muna. Hahaha! Ganoon lang talaga siya magba-bye.

~~~~~

"Inaanyayahan na po namin ang debutant natin. Our one and only, Vienna Addilyn Chan!"

Lumabas ako sa curtains at rumampa sa red carpet. Umikot-ikot pa ako habang naglalakad. Tumawa ang mga tao dahil sa ginawa ko.

Nakitawa rin ako at nag-bow habang nagsasabi ng 'Thank You'.

Nakamaskara pa rin ako. Meron ng ibang nagtanggal ng mga maskara nila tulad nalang ni Ivory at Elison. Sa loob ng dalawang taon, nagka-developan ang dalawa. Ang alam ko, isang taon nang matiyagang nanliligaw si Elison kay Ivory.

"Let's proceed to the 18 gifts.", sabi ng host.

"Hoy, beh. Happy 18th birthday. Ito gift ko sayo. Bagay yan sayo kasi Dyosa ka! Yiee! Ngayon lang to. Hahaha! Happy birthday ulit.", inabot niya sa akin ang pa-kwadrado niyang regalo. Siguro 15 inches ang width at 12 inches ang height.

"Ano to? Flatscreen?", pagbibiro ko.

"Oo, kaso puro palabas lang ni Liza Soberano ang makikita mo.", sabi niya. Sinira ko na ang wrapper at nakita ko na ang nasa loob. Portrait ito ng mukha ko. Ang ganda!

"Wow! Thank you so much!", sabi ko at niyakap siya.

Sumunod na nagbigay si Elison.

"Para to sayo kasi sabi mo ito ang hilig mo." Isang malaking kahon ang ibinigay niya sa akin na pinabuhat pa niya.

"Ano to? Oven? Mahilig akong kumain e. Hahaha!", natawa siya sa sinabi ko habang umiiling-iling.

"Buksan mo.", sabi niya.

Binuksan ko ito at nakita ko ang maraming painbrushes, sketchpads, pencils, pangkulay, iba't-ibang uri ng papel, ballpen at kung anu-ano pa na pang-drawing, pang-paint at pang-sculpture.

"Pasensya na walang pang-tapestry at cross stitch. Sabi mo naman kasi wala kang passion dun.", sabi niya.

Umiling ako. "No. It's okay. Thank you very much!", sabi ko at niyakap siya.

Marami na ring nagbigay sa akin ng regalo at nagustuhan ko itong lahat. Si Papa, laptop ang bigay sa akin. Si Mama naman, microwave oven dahil ang hilig ko daw kumain. Sobrang ganda at mahal ng mga regalo nila sa akin. I don't even think that I deserve these.

"Thank you for the 18 gifts and 18K. Now, let's start the 18 dances."

Tumugtog ang isang mabagal na kanta. Dahil wala naman akong boyfriend, si daddy ang last dance ko. Siya naman kasi ang great love ko e.

Ang first dance ko ay yung mga kaibigan ko, sila Elison at mga kaklase ko. Pati na rin mga tito't ninong ko. Sinayaw din ako ng pamangkin kong six years old na may crush daw sa akin. He is second to last.

How I wish that Thaddeus will be here.

Pero parang milagro naman yung hinihiling ko.

Natapos ang debut ko. It was the greatest day ever! Masayang-masaya talaga ako dahil sa kinalabasan ng birthday ko. Napaka-blessed ko. For the people around me, for the gifts, for everything!

Hindi pa rin ako makatulog kaya naglakad-lakad muna ako sa may garden ng venue. Gabi na at malamig.

Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nahilo. Ngunit habang pumipikit ang aking mata ay lalo lang akong nasisilaw.

Naramdaman kong bumagsak ako sa malamig na damuhan at nawalan ng malay. Ngunit bago ko tuluyang maipikit ang mata ko, isang pigura ng lalaki ang nakita ko.

~~~~~

"Ang paraan upang mailigtas ang inyong pagmamahalan ay ang pagsasakripisyo ng isa sa inyo ng buo ang loob at walang halong pag-aalinlangan. Mamimili ka kung pasasamahin mo siya sa mundo mo o sasama ka sa mundo niya."

Isang kulot na lalaki na nakatalikod ang nagsasalita.

"Ikaw ba ay mananatiling anghel sa piling ng iyong minamahal o ikaw ay magiging mortal?", tanong Niya sa lalaking may itim na pakpak.

"Kahit saan, Ama. Basta't kasama ko siya.", sagot ng lalaking may itim na pakpak.

"Alam mo ang tanging paraan, Thaddeus."

~~~~~

Agad akong napabangon noong nagmulat ang aking mata. Hinahabol ko ang aking hininga ay para bang kakabagsak ko lang mula sa napakataas na lugar.

Isang itim na pakpak ang kinuha ko na nakapatong sa aking tiyan. Panglima na.

Thaddeus? Nasaan ba siya? Ano na naman ang panaginip na yun?

Ano ang tanging paraan para makasama ko si Thaddeus?

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon