Chapter 24

17 1 0
                                    

Third Person's POV:

Maligayang naglalaro ang batang si Vienna at Thaddeus. Alam ni Thaddeus na ito na ang huli nilang pagkikita. Sa pagsapit kasi ng ikapitong kaarawan ni Vienna ay kailangan ng mamaalam at magtago ni Thaddeus upang lumaki at tumayo sa sariling paa si Vienna. Siya lamang ang nakakakita sa batang anghel na inakala niyang tunay na tao at kalaro.

Si Thaddeus ay magsisilbi pa rin niyang tagabantay at tagasundo sa pagsapit ng takdang panahon ni Vienna.

Ngunit sa sobrang pagkakalapit ng dalawa. Hindi maiwan ng lubusan ng binata ang diwa ng dalaga kaya't nagpapakita ito sa panaginip niya at nag-iiwan ng pakpak. Ito ay isang kasalanan kaya't nagiging itim ang naiiwan niya.

Pito. Pitong taong gulang si Thaddeus noong naramdaman niyang may kakaiba sa nararamdaman niya para sa dalaga.

At pagkatapos ng anim na panaginip, sa pangpito ay paniguradong nagawa na ni Vienna ang misyon niyang pagpaslang kay Thaddeus upang mailigtas ito mula sa impyerno.

Habang lumalaki si Vienna ay ganoon din si Thaddeus. Likas sa mga anghel na tagabantay na maging mas matanda ng dalawang taon sa batang kanilang babantayan.

Sila ay isang taong ineensayo at isang taong babatayan ang bata sa sinapupunan ng kaniyang ina.

Nagdalaga si Vienna at nagbinata rin naman si Thaddeus. Habang binabantayan ang dalaga, nakakaramdam siya ng kakaiba at hindi normal na pagtibok ng puso niya.

"Thaddeus, batid sa aking kaalaman na minamahal mo na ang dalagang iyong binabantayan. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal. Bawal kang makaramdam ng kahit na anong emosyon, lalo na ang pagmamahal. Ito ay makakaapekto sa iyong misyon at sa pagiging tapat mo sa akin."

"Naiintidihan ko po Ama. Ngunit sadyang huli na ang lahat.", wika ni Thaddeus.

"Bibigyan kita ng mahabang panahon upang ituwid ang iyong kamalian."

Iniwan siya ni Ama na nakatayo roon upang makapag-isip-isip.

Isa ito sa pinagbabawal sa Batas-Anghel.

~~~~~

Noong panahon na nagmamaneho ng sasakyan si Vienna, hindi batid sa kanyang kaalaman na ito na rin ang araw para hukuman siya sa langit.

"So give me one more chance. To save me from this road I'm on", kumakanta pa ang dalaga habang nagmamaneho. Ngunit ang lalaking nagkamali sa kanyang linya ay paliko na at masasalubong na niya ng hindi niya napapansin. At sa isang iglap, pagkatapos ng malakas na ingay, ito na ang hudyat na patay na ang dalaga. Patay na dapat siya. Naroon si Thaddeus at pinapanood siya.

Nasasaktan ang binata sa nakita. Ang makitang wala ng buhay ang iyong minamahal ay napakasakit para sa kanya. Paano na lang din ba ang magulang nito na siya lamang ang tanging anak. Kaya't nilapitan niya ito at ginawa ang isa pang kasalanan. Gumawa siya ng desisyon na hindi dapat gawin ng mga anghel. Ang Diyos lamang ang magdedesisyon sa buhay ng tao.

Binuhay niya ang dalaga sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Nasa oras naman ang mga ambulansya upang iligtas ang dalaga at ang lalaking nakabangga sa kanya.

Ngunit bago pa man makaalis ang ambulasya dala ang katawang tao ni Vienna, nakita pa ng kaluluwa ng dalaga kung paanong umitim ang puting pakpak ni Thaddeus. Kung paano ito ngumiti sa kanya habang nilalamon ito ng liwanag.

"Kasalanan ang ginawa mo. Hindi mo siya dapat niligtas. Oras na ng paghahatol sa babaeng iyon. Siya ay dapat na pumarito na kung hindi mo siya niligtas!", mariin na sigaw ni Ama.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon