Chapter 5: Ivory

36 2 0
                                    

"Ma, may gusto lang akong itanong sa'yo."

Nakaligo na ako at kumakain na kami ng almusal. Papasok na naman kasi ako. Bale, fourth day ko na talagang pumapasok ngayon pero ngayon ko nalang naalala na may itatanong nga pala ako kay Mama at Papa.

"Noong six years old po ako, noong nasa Laguna pa po tayo. Yung lagi ako naglalaro sa ilalim ng puno tapos tinatanong niyo sa akin kung sino yung kalaro ko. Sino nga po ba yun?", nag-isip si Mama saglit pero si Papa...

"Diba sabi mo kami ang nagtatanong sayo kung sino ang kalaro mo, bakit mo sa amin tinatanong yan e ikaw lang naman ang nakakaalam."

Sinimangutan ko lang siya. "Pa, ang ibig kong sabihin, may naaalala po ba talaga kayong may kalaro ako? May kalaro po ba talaga ako?", pagklaro ko sa tanong ko.

"Sabi mo meron pero wala kaming nakikita. Akala nga namin may imaginary friend ka e. Tapos tinanong ka namin kung sino yung kalaro mo ang sabi mo ipapakilala mo siya sa araw ng birthday mo. Si....", nag-isip naman si Mama. Haaay! Oo, si Thaddeus. Di na siya bumalik.

"Si Marcus ba? Yung kalaro mo?", tanong ni Mama.

"Hindi Ma, si Thaddeus po.", nagkibit-balikat ako at tumayo na. "Sige po. Baka nga hindi siya totoo. Alis na po ako.", sabi ko tapos naglakad na palabas.

"Teka, akala ko ba ihahatid kita?", tanong ni Papa.

"Wag na po. Baka ma-late pa po ako.", sabi ko tapos sumakay na sa tricycle.

~~~~~

"Vienna!", bati sa akin ni Ivory.

New friend ko si Ivory. Madaldal siya at kalog na hindi mo aakalain dahil sa pananamit at pagkilos niya kapag unang pagkikita niyo palang. Maamo kasi ang mukha niya at kulay puti lang lagi ang isinusuot niyang damit. Para talaga siyang anghel kaso, yun nga, ang kalog pala! Siya nga ang tinatawag na Amor Powers sa room e.

"Hello Ivory!", bati ko rin sa kanya.

"Alam mo ba, may bago na naman akong manliligaw. Tatlo. Yung dalawa gwapo yung isa, no comment kaya ayun I dumped him na. Yung dalawa, sina Simon at Hendrix. Si Simon, gwapo talaga kaso parang tipikal na gwapo lang. Si Hendrix naman, may lahing Koreano pero sanay magtagalog kaya hindi na ako mahihirapan. Diba? Saan ka pa? Sa imported ka na! Fresh from Korea pa yun! Aayaw pa ba?", sabi niya tsaka siya tumawa ng ubod ng lakas na hindi mo aakalaing kaya niyang ilabas sa bunganga niya.

Natawa nalang din ako. "E sino ba ang mang-jojowa, diba ikaw? Sino makikinabang, ikaw din diba? Kaya wag mo ng itanong sa akin. Kung gusto mo pagsabay-sabayin mo!", sabi ko at sinabayan ko siyang tumawa.

"Hahaha! Sabagay! Teka, ang ganda nung idea mo no? Pagsabay-sabayin ko nga kaya?"

"Punyaters ka! Sineryoso mo naman."

"Punyaters ka rin. Para namang gagawin ko yun. Dalagang Pilipina ako no.", sabi pa niya tapos nagtakip ng bibig. Baliw talaga. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating ang prof.

BTW, kung hinahanap niyo si Thaddeus, nandoon siya sa Student Council Room. May meeting daw sila. Mamaya pang vacant ang tapos kaya mamaya niyo pa mararamdaman ang presensya niyang mala-demonyo.

At dahil tungkol kay Ivory ang chapter na ito, sa kanya tayo magfofocus hangga't makakaya ko.

"Ivory, diba sabi mo, matagal mo nang kakilala si Thaddeus?", tanong ko kay Ivory. Tapos na yung unang klase namin. Pero hindi pa talaga ito yung vacant namin kaya mamaya pa talaga si Thaddeus. Wala lang yung next prof kaya vacant.

"Ah si Thadds. Hindi naman. Pero naging kaibigan ko kaagad siya.", sagot niya.

"Paano ba kayo nagkakilala?", tanong ko uli.

"Isang gabi. Nakita ko lang siya sa daan. Sugatan. Gutom. Walang mapuntahan. Pinalayas daw siya sa tirahan niya at wala na siyang malapitan at dahil mabait ako, pinatuloy ko siya sa condo ko. Tuwang-tuwa naman yung kasama kong bakla dahil may papa daw akong inuwi.", sabi niya tapos tumawa na naman.

Kung si Thaddeus may nakakapunyaterang ngiti, siya may nakakapunyaterang tawa. Ang punyatera ng mga kaibigan ko ano?

"Si Martin ba yung bakla?", tanong ko.

"Hindi na siya si Martin. Siya na si Maria Clara Martini Margarita. But you can call her Martini tutal iyon naman daw ang pinakamalapit sa real name niya."

"Puro pangalan ng alak?"

"Oo, mahilig ngang uminom yun e. Pero mga wine lang ang iniinom niya."

Sandali kaming tumahimik. Ito na... itatanong ko na talaga.

"Wala bang ikinekwento sa iyo si Thaddeus tungkol sa past niya?", tanong ko.

"Hmm. Wala naman. Tinanong ko na rin e kung sino ba magulang niya, saan siya galing, kung anong nangyari kaya siya pinalayas pero sabi niya ayaw daw niyang pag-usapan at hindi daw niya gaanong maalala.", nagkibit-balikat siya at bumuntong hininga. "Siguro ayaw lang niya talagang pag-usapan."

"Eh, ano pa bang ibang impormasyon ang alam mo tungkol sa kanya? Birthday? Birthplace? Noong nasa Laguna pa siya.", tanong ko pa ulit.

"Wala talaga e. Teka, bakit ba tanong ka ng tanong? May gusto ka kay Thadds ano? At saka anong nasa Laguna pa siya? May past ba kayo?", humarap siya sa akin habang dinuduro-duro ako with matching 'umamin ka, kukutusan kita!'-look.

"Uy, hindi naman. H-hindi naman sa... wala akong gusto...", pag-eexplain ko na sa sobrang palpak e baka pagkamalan pa akong defensive.

"Ano? Sige nga! Mag-explain ka! May gusto ka ba kay Thadds? May past kayo?"

"Hindi. Hindi ako sure. Alam mo yun? Yung parang may connection kami. Parang siya yung kaibigan ko dati sa Laguna pero hindi talaga ako sure. Kasi bata pa talaga kami nun! Tsaka, hindi ko siya gusto!", pag-explain ko sa kanya.

"Okay. Means kung bata pa kayo nun, wala namang nadevelop na feelings? O baka naman nangako kayong magpapakasal kayo sa isa't-isa?"

"Siraulo nito! Wala pa sa utak ko noon ang pagpapakasal! Wala pa akong kilig na nararamdaman noon! Bata pa ako e.

"Okay. Kung ganun, bata pa kayo, walang love. Curious ka lang. May connect-connect chu chu lang. At kahit ngayon, wala kang gusto sa kanya. Buti naman. Alam mo kasi, first time ko pa lang siyang makita, may connection din akong naramdaman e. Yung parang-iiiiiiiiiiiiiiiihh! Love na to no? Destiny naman iiiiiiiiiiih! Ang gwapo niya talaga! Yung kahit ang dumi-dumi niya at nakakaturn-off yung pagkain niya kasi gutom na gutom na siya, nangibabaw pa rin yung hotness at gwaponess niya! Para siyang hulog ng langit!", ngumiti siya ng malaki at tumingin sa akin. "Siya rin ang dahilan kung bakit wala pa talaga akong sinasagot na manliligaw. I'm waiting for him. In short, I like him, Ms. Vienna Addilyn Chan and I mean it."

Sincere siya. Nakatulala na lang ako sa kanya. Ewan ko ba. Nagulat ako e. At dinedeny ng sistema ko na hindi totoo yun at mamaya lang ay idudugtong niya ang salitang joke sa lahat ng sinabi niya.

Malinaw sa akin na hindi ko gusto si Thaddeus pero, may kurot sa puso ko na hindi ko talaga maintindihan. Nagulat lang talaga siguro ako. Tama, nagulat lang ako. Tsaka, bagay naman silang dalawa e. Pareho silang mukhang anghel.

"Talaga! Nakakatuwa naman. Bagay kayo! Makakaasa ka sa suporta ko.", sabi ko pagkabawi ko ng emosyon na dapat ay kanina ko pa pinakita, dahil iyon ang dapat. Ito ang dapat kong maramdaman diba?

"Waaaaaaaaaah! Thank you! True friend talaga kita. Kasama ka na sa truepa ko, si Martini, ako, ikaw at si Thadds my dahlin'. Don't worry, I'll do my best para makakuha ng information sa kanya at sa past niya para malaman nga natin kung siya yung childhood friend mo, malalaman din natin yan lalo na kapag naging kami naaaa!"

"Sige. Thank you."

At iyon na nga siguro ang pinakaplastik na sinabi at ginawa ko sa harap ng mga naging kaibigan at kasalukuyan kong kaibigan. Ang insincere ko sa sarili ko. At sa sinabi niya.

Pero ngayon.....

Alam ko na.

Tanggap ko na.

Nasasaktan ako.

Bakit?

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon