Chapter 23: I am Death

12 2 0
                                    

Kinabukasan, plinano ko na kung paano ang gagawin ko. Kinausap ko rin sina Ivory at Elison para maghanda ng surprise dinner para kay Thaddeus. Kailangan maging masaya kami sa piling ng isa't-isa bago ko wasakin ang lahat.

Sa pagwasak ko sa lahat ng pinaghirapan niya, alam kong maiiwan ako na sobrang wasak din.

"Handa na ang lahat, beh! Nakakakilig na ha! Ikaw na ang nag-eeffort. Ganyan! Tama yan! Be fair. Hindi pwedeng puro siya lang. Nafi-feel ko talaga na forever na kayo! Team ThadDilyn!", sigaw ni Ivory habang inaalog-alog ako.

"Kayo na?", tanong ni Elison.

"Oo naman! Obvious naman diba? Are you with us? Look, may ring na silaaaa!", sabi ni Ivory at hinatak ang kamay ko para ipakita kay Elison ang ring na isinuot sa akin ni Thaddeus.

"Totoo to ah! Mayaman na pala si Thaddeus?", tanong ni Elison.

"Hala teh! Baka nakaw! Sabi mo bungalo lang ang bahay ni Thaddeus mo?", nanlalaki ang mga mata na tanong ni Ivory.

"Hindi niya yun magagawa! Hindi ko alam? Basta, alam kong hindi ito nakaw.", sigurado akong hindi ito nakaw ni Thaddeus. Siguro... bigay? Pamana? Napulot? O baka pagkagising niya meron ng ganito sa tabi niya? Katulad ng nangyari sa akin.

"Hoy! Sabaw moments na naman? May tinatanong ako!", sigaw ni Ivory na nagpagising sa diwa ko.

"Ha? A-ano yun?", tanong ko. Napairap siya pero inulit niya rin ang tanong niya.

"Anong oras darating ang Thaddeus mo?"

"Mamaya pang seven. Six-thirty palang naman e.", sabi ko habang nakatingin sa relo ko.

Namasuot ako ng kulay asul na dress na alam kong mamaya lang ay madudungisan ng kulay pula.

"Ang ganda ng garden na to ah? Kanino ba to?", tanong ko. Ito yung garden na puro bermuda grass at puno sa paligid. Marami ring mga bulaklak. Katulad ng nasa panaginip ko. Ang pagkakaiba lang, may katapusan ang mga halaman dito.

"Sa tita ko. Landscape Architecture din kasi ang natapos nun. Siya mismo ang nagdesign nito.", sabi ni Elison.

"Ge Nadds, alis na kami. Baka magkaabutan pa kami ni Thaddeus, mahalata pang kami ang nag-effort.", sabi niya at nag-peace sign. "Joke, na-excite lang talaga kami kaya kami na ang naging abala sa venue. Pero ikaw naman ang nagluto kaya ikaw ang mamahalin niya. At ikaw ang makakadate. At tsaka mahal ka na niya talaga.", sabi niya at nag-wave na. Tinanguan ko lang siya at pilit na nginitian. Hindi ko maitago ang pagkakaba at pagkataranta ko. Malapit na.

"Naddi? Kanina ka pa?", tanong niya sa akin noong nakita niya na ako. "Pasensya na ha? Hinanap ko pa kasi e.", pagpapaliwanag niya.

"Shut up. Just kiss me.", sabi ko sa kanya. Natawa siya pero lumapit din naman agad. Hinawakan niya ang batok ko at hinalikan ako.

Pinipigil ko ang mga luhang gusto ng tumulo mula sa mga mata ko. Sumasakit na ang lalamunan ko dahil sa pagpigil.

"Thaddeus, I love you.", nanginig ang boses ko at tumulo ang mga traydor kong luha. Hindi ko mapigilan.

Pinunasan niya ito at siniil muli ako ng halik.

"I love you too. Wag ka nang umiyak. Kumain na tayo.", sabi ni Thaddeus sa akin.

Umupo na kami sa na-prepare naming dinner date. Kumain kami doon. Habang kumakain ay nagpipigil ako ng luha. Ngayon, naaalala ko na halos kakakilala ko palang kay Thaddeus. Tapos nawala siya ng dalawang taon. At pagbalik niya, hindi na namin inintindi ang pagpapakilala sa isa't-isa, mas inentertain namin ang pagmamahal sa isa't-isa. Hindi ko man lang alam ang mga paborito niya.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon