Chapter 1: Saved

36 6 0
                                    

"Hihintayin ulit kita dito bukas!"

Tumango lang ang isang batang lalaki sa akin kasabay ang pag-oo niya.

"Oo naman. Intayin mo ko Nadi."

Kung hindi ako nagkakamali, siya ang aking kalaro. Ang kaisa-isa kong kaibigan.

"Vienna! Gabi na nasa labas ka pa! May multo dyan. Mag-isa ka pa naman.", sigaw ni Mama kaya tumayo ako mula sa pagkakasandal ko sa puno at nagpagpag ng damit.

"Naku! Nandiyan ka na naman sa punong yan! Pag ikaw natuklaw ng ahas!", sabi pa ni Mama sa akin noong nakalapit na ako sa kanila.

"Hindi po ako matutuklaw ng ahas o malalapitan ng multo. Ipagtatanggol po ako ni Thaddeus!"

"Sino ba yang Thaddeus na yan? Wala naman kaming nakikitang may kalaro kang lalaki.", sabi ni Papa.

"Ipapakilala ko po siya sa inyo. Inimbita ko po siya rito bukas dahil birthday ko na. May handa po diba?"

"Oo naman. Kapag talaga 7th birthday dapat pinaghahanda.", sabi ni Papa habang tumatawa

"Buti pa nga at ipakilala mo yang Thaddeus na yan sa amin.", sabi ni Mama.

~~~~~

Pero pagbalik ko, wala ka na. Hindi ka dumating. Naghintay ako sa wala. Noong nagsimula at natapos ang selebrasyon ng kaarawan ko, wala ka at hindi ka nagparamdam. Kaya, napapaisip ako ngayon Thaddeus.

Totoo ka ba?

Pero totoo ka man o hindi, salamat sa pagiging isang kaibigan.

"Vienna! Kakain na! Lagi ka nalang nakakulong sa kwarto mo! Ipapagiba ko yan!", sigaw ni Mama mula sa ibaba kaya napatawa nalang ako.

"Bababa na Ma!", itinago ko ang isang itim na feather sa aking drawer. Pagkagising ko kaninang umaga ay may nadatnan akong ganito sa may binatana ko pagkatapos kong bulasin ang isang uwak.

"Ang tagal mo. Beastmode na tuloy ang Mama mo. Hahaha!", sabi ni Papa pagkababa ko. Natawa rin ako sa sinabi niya.

"Pag-uuntugin ko kayong dalawa! Sige, wag nyo kong tantanan at hindi kayo makakakain.", pagbabanta ni Mama.

"Okay lang pag-untugin, wag lang di pakainin.", sabi ni Papa.

"May bago na tayong motto Pa. Hahaha!"

Hindi nagtagal, natawa na rin si Mama.

"Ang dami niyong kalokohan, magsikain na nga kayo.", sabi ni Mama.

Sila ang magulang ko. Ang pamilya ko. Unica ija nila ako. Naibibigay nila ang lahat ng gusto at pangangailangan ko. Masaya naman kami kahit kaming tatlo lang. Bumibisita naman kami minsan sa lolo at lola ko pati na rin sa mga pinsan ko.

"Nakapagdecide ka na ba kung saan ka mag-aaral ngayong pasukan?", tanong ni Papa.

"Hindi pa po e.", sagot ko naman.

"U.P. nalang. Kakayanin naman dun ng anak natin. Tapos nakapasa na siya dun sa scholarship na pinasukan niya.", sabi ni Mama.

"Sige. Dun ka nalang 'nak?", sabi ni Papa.  Tumango lang ako kay Papa bilang pagsang-ayon.

~~~~~

"Pa! Peram ako ng kotse wah!", paalam ko kay Papa.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon