Chapter 20: Ako...

16 2 0
                                    

Masaya. Iyan lang ang maaari kong gamiting salita para masabi ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit alam kong hindi ito sapat. Sobra-sobra ang kasiyahang nararamdaman ko.

Nakaupo kami sa damuhan habang nakatingala sa buwan at mga bituin. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at ang ulo naman niya ay nakadantay sa ulo ko. Hinihimas niya ang pisngi ko at naghahatid ito ng init sa akin. Nakaakbay din siya sa akin na naghahatid ng init para sa akin.

"Salamat sa paghihintay sa akin, Naddi.", sabi niya.

Bumuntong hininga ako. "Salamat sa pagbalik.", sabi ko naman.

"Mahal na mahal kita.", sabay na sabi naming dalawa. Natawa kami sa isa't isa.

Kung siguro ay single ako at may makikita akong mag-syotang naglalampungan sa ilalim ng buwan, mandidiri ako at malalandian sa kanila.

Pero, ang saya pala. Mahal mo ang kasama mo at wala ka ng iisipin at hihilingin pang iba.
"Thaddeus, anong oras na?", tanong ko.

"Eleven. Gabing-gabi na. Hindi ka pa ba uuwi? Baka nag-aalala na sila tito Rick at tita Cynthia?", tanong niya sa akin.

"Hindi siguro. Nasa Laguna na kasi sila. Simula noong nag-eighteen ako, umuwi na sila doon. Ako naman, naiwan sa bahay namin dito sa Manila. Ako rin naman kasi ang nag-suggest na gusto kong maging independent.", paliwanag ko sa kanya. Kahapon lang umuwi sila Mama dahil kahapon lang naman ang birthday ko.

Tumango-tanngo siya. Alam kong marami siyang hindi alam na nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon. Marami kaming dapat pagkwentuhan. Marami siyang hindi nasubaybayan at gusto kong ikwento iyon sa kanya. Sana naman ngayon, ready na siyang maging open at magkwento na siya tungkol sa nangyari sa kanya o sa past niya.

"Ihahatid na kita, Naddi. Maaga pa ba ang pasok mo?"

"Bukas, 10am pa naman. Saan ka ba nakatira ngayon?", natahimik siya sandali sa tanong ko.

"M-may maliit akong bahay.", sabi niya.

"Gusto mo, doon ka muna matulog sa akin?", tanong ko.

"A-ayos lang? Baka bawal."

"Matutulog lang naman e. Tsaka dalawa ang kwarto dun. Doon ka nalang sa isang kwarto.", sabi ko sa kanya. Wala talaga akong iniisip na masama. Malinis ang pagmamahalan namin ni Thaddeus.

~~~~~

Nakarating na kami sa bahay namin. Nagpalit ako ng damit at naghanap ng pwede kong maipahiram sa kanya. May nakita akong jersey kaya iyon na ang pinasuot ko sa kanya. Kay Papa kasi yon, hiniram ko lang tapos hindi ko na binalik.

"Naddi, matutulog lang tayo ha?"

"Ano ka ba naman, Thaddeus? Sa tingin mo ba papayag ako? Syempre, matutulog lang tayo.", sabi ko sa kanya. Hindi na kami kumain dahil kapwa nalipasan na kaming dalawa. Nasa tapat lang kami ng kwarto ko.

"Doon ka na sa kwarto mong punyatera ka. Bakit ba hinatid mo pa ko?", tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya at nagpigil ng tawa. Pinagtaasan ko siya ng kilay habang naghihintay ng sasabihin niya.

"Diba madalas kang maligaw? Baka maligaw ka naman.", bahagya siyang tumawa kaya hinampas ko siya sa braso

Woah! Ang tigas ng braso niya. Muscles!

"Ewan ko sayo. Matulog ka na.", pigil na pigil ang ngiti ko. Naaalala pa niya. Totoong alaala ko lang ang dala niya sa pag-alis niya. At hindi niya ako kinalimutan.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon