Chapter 3: Mr. Brecken

23 1 1
                                    

"Kung ayaw mong sumunod sa sinasabi ko, dadaanin kita sa dahas. So you better watch your words and actions, Miss Vienna Addilyn Chan."

Nagsisimula na ang klase pero tulala pa rin ako. Paano niya ako nakilala?

Vienna naman! President siya e. Malay mo, may class record siya?

Pero kahit na! Updated na ba yun? Kapapasok ko lang e.

Yung ID! Baka nakita niya lang yung pangalan mo Vienna!

Wala ka pang ID! Kukunin mo palang mamaya!

Baka kaya may kapangyarihan siyang basahin ang pagkatao mo! Waaaaah! Creepy!

"Miss Chan. Please introduce yourself.", nagising naman ako sa kapraningan ko. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad sa harap. Hindi ako pabebe. Nahihiya ako!

Kanina pa kasi ako bangag e! Naku naman Vienna! May tao bang kayang basahin ang pagkatao mo? Mag-isip ka nga Vienna! Wag bobo! Naka-graduate ka na ng high school pero ang isip-bata mo pa rin! Iyang utak mo, Vienna ginagamit yan! Hindi yan display!

Haaay! Kung nandito siguro si Mama, ganun ang sasabihin niya.

"I am Vienna Addilyn Chan. You can call me anything you like. I'm 16 years old and I graduated at *insert school here*. I hope that we'll all be friends.", maiksing introduction ko sa sarili ko.

"Welcome to U.P Ms. Chan. I know that you're aware how big this university is. So, Mr. Brecken, be Ms. Chan's tourguide for today.", sabi ng prof namin.

"Yes sir."

Napatingin naman ako sa sumagot at nakita ko na naman ang lalaking pinalabas ako ng room. Ay hindi pala. KINALADKAD AKO HABANG HAWAK NIYA NG MAHIGPIT ANG BRASO KO PALABAS NG ROOM!

DAHIL GUSTO NIYA!!!!

"Ms. Chan, this is Mr. Brecken. He is the president of your class.", sabi ng prof.

"Nice to meet you.", sabi niya habang nakangiti sa akin at nilahad niya ang kamay niya. Napairap nalang ako ng very very light at kinamayan siya. Ang plastik!

"Nice to meet you too, Mr. Brecken."

~~~~~

Natapos na ang klase at break na namin. It means, vacant time namin at ngayon na ako sasamahan ng tourguide kong plastik na punyatera.

"Anything.", sabi niya. Napatingin naman ako at inirapan siya. May mas weird pa pala sa akin. Bigla nalang nagsasalita ng walang sense.

"Hey! Anything!", sabi niya at this time, kinakalabit na niya ako.

"Tsk! Ano ba?", sabi ko at iniwas ko ang balikat ko.

"Anything, kain muna tayo?", tanong niya. "Sa canteen muna kita itutour, tutal sa pangangatawan mo naman, mukhang mahilig kang kumain.", sabi niya at binigyan niya ako ng nakakapunyaterang ngiti.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Nangayayat nga ako dahil sa pagkaka-comatose ko e!", sabi ko.

Tumango-tango naman siya. Para bang hindi siya nabigla na na-comatose ako. Syempre naman! Wala namang pakialam sayo yang Mr. Brecken na yan Vienna! Wala siyang sinabi kasi wala siyang pake!

"So, kailangan nga talaga nating pumunta sa canteen para magpataba ka na.", sabi niya. Nauna siya sa paglalakad kaya sinundan ko siya. Hindi ko pa naman kabisado ang pasikot-sikot sa university na ito!

"Anything, what do you want? I'll order for us.", sabi ni Mr. Brecken.

"Anong anything? Anything ang tawag mo sa akin?", tanong ko.

"Yeah. Sabi mo e.", sagot naman niya habang nakasuot na naman sa pagmumukha niya ang nakakapunyaterang ngiti niya.

Kumunot naman ang noo ko. It means, I'm really confused. What the heck is he saying? Naks! English yun! Ganun talaga. College na e.

Yun na nga, nahalata naman niyang naguguluhan ako sa mga sinasabi niya dahil, ginagamit niya ang utak niya sa mga oras na ito.

He cleared his throat and he speak using a feminine voice.

"I am Vienna Addilyn Chan. You can call me anything. Blah blah blah. I hope that we'll all be friends.", sabi niya. Ginagaya niya talaga ako!

"Ang sabi ko kanina: I am Vienna Addilyn Chan. You can call me anything YOU LIKE. I'm 16 years old and I graduated at *insert school here*. I hope that we'll all be friends. Anything you like! Hindi anything.", sabi ko naman.

"Sorry, hindi kasi ako nakikinig kanina nung nagsasalita ka e. Kaya di ko gaanong na-recall. Nakakawalang gana ka kasing pakinggan.", sabi niya wearing his nakakapunterang smile again. Konting-konti nalang talaga. Babangasan ko na to.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Watch your words Mr. Brecken, or else...", sabi ko ng may halong pagbabanta.

"Okay. Kunyari natatakot ako. At sa sobrang takot ko, lalo akong nagutom kaya kain muna tayo okay?", sabi niya tapos nginitian na naman niya ako. Yung mga ngiti niya talaga sa akin ang sarap burahin sa pagmumukha niya e. Ang sarap rin niyang burahin sa mapa!

After a few minutes nakapag-order na si Mr. Brecken at kumain na kami.

Wala akong maisip na topic. Ayoko talagang makipag-usap sa kanya kaso hindi ako sanay ng walang kausap. Alam nyo yun, kahit sino nalang maka-chikahan mo.

Nag-iisip ako ng may kwentang topic tapos may tanong na pumasok sa utak ko.

"Oo nga pala Mr. Brecken, paano mo nalaman ang pangalan ko?", tanong ko sa kanya.

Napahinto siya sa pagkain niya at napatingin sa akin. Hindi ko maintindihan. Hindi ko mabasa ang mga mata niya.

"Kasi magaling ako.", napakawalang kwentang sagot niya sa matino kong tanong na magpapakulo na naman ng dugo ko sa kanya na magiging dahilan ng pagka-beastmode ko at ng gera naming dalawa. Pero magtitimpi ako. Strike 1.

"Paano nga kasi?", tanong ko uli.

"Kasi gusto ko.", Strike 2. Kapag ito nakastrike 3 sa akin, ilulublob ko yung mukha niya sa lomi.

"Last question. Paano mo nalaman ang pangalan ko?", mahinahon ngunit puno ng diin ang pagbanggit ko sa bawat salita. Pinagbabantaan ko na siya pero nakapunyaterang ngiti na naman siya.

"Hula lang.", sabi niya at nagkibit-balikat. Napupuno na talaga ako sa lalaking to! Napaka-asungot niya! May tao bang ganito kapunyatera ang ugali?

Kaya bago ko pa nga ilublob ang mukha niya sa lomi, hangga't nakakapagpigil pa ako, tumayo ako at lumabas ng canteen. Pero napahinto ako. Hindi ko nga pala kabisado ang school na to.

Okay. Hinto. Chill. Wag pahalatang walang alam sa lugar kung nasaan ka ngayon Vienna. Ang poise at posture wag kalimutan. Kung ano yung mood mo kanina dapat ganun pa rin ang mood mo ngayon. Galit ka! Kunyari hindi ka nawawala. Okay, hindi naman talaga. Alam mo naman kung nasaan ang room 407. Kaso room 301 ang next room niyo.

Kalma. Kalma. Kalma.

Okay balik! Balik ng canteen! Hanapin si Mr. Brecken at lamunin ang pride.

Bumalik ako sa upuan namin kanina. Pero...

Ubos na yung lomi niya at...

Punyatera!

Wala na siya!

Ang saya!

Happy First Day of School Vienna!!!

Ano ng gagawin koooooo??

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon