Nararamdaman ko na ang unti-unting pagbagsak ng mga mata ko. Pero bago ko tuluyang maipikit ang mga mata ko, may nakita akong puting liwanag at pigura ng isang tao.
~~~~~
"Anak? Anak! Doc! Gising na si Vienna!"
May mga ginawa ang mga doktor sa akin na hindi ko alam kung ano. Nasa likod naman nila ang magulang ko na nag-aalala.
Pagkatapos ng mga ginawa ng doktor, tumabi sa akin si Mama at Papa.
"Anak kamusta ka na?", tanong ni Mama.
"Ayos na po ako Ma. Ano po bang nangyari? Naaksidente po ako tapos...", inisip ko pa ang mga nangyari sa akin. Parang ang tagal na. Hindi ko gaanong maalala.
"Na-comatose ka Vienna.", sagot ni Papa.
Nagulat ako sa nalaman ko ngunit hindi ko gaanong maigalaw ang katawan ko. Masakit pa ito sa mga mununting sugat na natamo ko sa aksidente.
"Gaano katagal?", nag-aalangan kong tanong sa kanila.
"Mag-iisang buwan na, anak. Mga tatlong linggo na. Isang linggo ka na ngang hindi nakakapasok. Pero magagawan natin yan ng paraan.", sabi ni Papa at ngumiti sa akin.
"Buti nga at na-comatose ka lang anak e. Yung nabangga mo ngang kotse, namatay yung driver. Pero kasalan yun ng nakabangga sayo dahil wrong lane siya, kaya wag kang mag-alala at wag mong sisisihin ang sarili mo. Isang milagro na maayos na ang kalagayan mo ngayon.", sabi ni Mama at nakita ko pa ang pagtulo ng luha sa mata niya.
"Okay na po ako Ma. Wag na rin po kayong mag-alala."
Milagro. Isang milagro na buhay pa ako ngayon. Paano nga ba? Siguro dahil hindi ko pa talaga oras? Pero salamat na sa lahat ng pwedeng pasalamatan. Sa Diyos, mga santo't santa at sa mga anghel na gumagabay sa akin.
Naalala ko na naman yung taong nababalot ng liwanag. Siguro guardian angel ko siya. Naniniwala naman ako sa mga ganun e. Kaya kung yung gurdian angel man na yun ang nagligtas sa akin. Salamat sa'yo, kung nasaan ka man. Salamat sa pangalawang buhay.
~~~~~
Kaya mo to Vienna! Kakayanin mo to! Naka-survive ka nga noong high school e, makaka-survive ka rin sa college. Naka-survive ka nga sa car accident eh! Konting internal bleeding lang siguro ang aabutin ko sa mga bagong subjects. Madugo daw kasi talaga ang college.
Tama kayo! Pagkatapos ng ilang araw na pamamahinga, balik-eskwela na ako. Nakapasok pa rin ako sa university at sa course na gusto ko. Ang Landscape Architecture!
So, hahanapin ko nalang yung room ko.
Naglakad ako nang naglakad para mahanap yung room ko. Napakalaki talaga ng U.P. May jeep nga sa loob ng university na to e.
After 30 minutes...
"Haaaay! Nako! Yung room ko! Ito na yun! Ito na yung room ko! Room 407! Hinding hindi kita--"
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil sa pagsaway sa akin ng isang lalaki.
"Ang ingay-ingay mo. Kung mag-iingay ka lang, dun ka sa labas.", sabi ng isang lalaki sa akin. Maputi siya at may kulay dark gray na messy hair. Nakayuko kasi siya kaya hindi ko makita ang mukha niya pero makikita mo naman sa side view niya na matangos ang ilong niya. Nakahalukipkip din siya kaya makikita mo rin kung gaano kalusog ang biceps niya. Parang tambayan nga niya ang gym dahil sa matipuno niyang pangangatawan.
"At kung pagpapantasyahan mo ako, lumabas ka nalang din. Dahil lahat ng kaklase kong maingay, pinalalabas ko.", sabi pa niya sa akin. This time, nakaharap na siya sa akin at makikita mo na ang detalye ng mukha niya. Ang pungay ng mata niya na unti-unting naging galit ang ekspresyon. Ang ganda rin ng kilay niya, yung medyo makapal pero hindi sabog sabog, na ngayon ay magkasalubong na. Ang pula ng manipis niyang labi. Mukha siyang sugo mula sa kalangitan. Mukha siyang model.
He looks like an angel.
Pero napakasungit at napakayabang.
Napatingin naman ako sa paligid ng classroom. Wala ngang estudyante. Bakit? Napaaga ba ako. It's 20 minutes before 8am. Pero at least, dapat may iilan ng estudyante rito. Haaay! Napaghahalataang excited ako. Maaga lang naman akong pumasok kasi hahanapin ko pa nga yung room ko.
"Sorry po sa pag-iingay. Kayo po ba ang prof--", again. Hindi na naman niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Hindi. Mamaya pa dadating ang prof kaya lumabas ka muna. Gusto kong mapag-isa.", sabi niya. Sinuot niya ang hood ng jacket niya at yumuko. Isusuot na niya sana yung earphones niya pero nagtanong uli ako kaya humarap siya sa akin.
"So, estudyante ka lang din?"
Tumango siya sa tanong ko.
"Nasaan ang ibang estudyante?", tanong ko uli.
"Nasa labas nga.", sagot niya. Medyo iritado na yung boses niya.
"E bakit nasa labas sila tapos ikaw na sa loob?", tanong ko ulit kahit nakikita ko naman na sa kanya na naiinis na siya.
"Pinalabas ko sila.", simpleng sagot niya.
"Bakit mo sila pinalabas, sayo ba tong room? Anak ka ba ng principal?"
Umiling siya bilang sagot.
"E ano ka ba?"
"President ng room. Ayoko ng maingay at ng maraming tao."
"E classroom president ka lang pala e. Bakit kung maka-utos ka para kang prof?", hinila ko yung malapit na upuan palapit sa kanya at iniharap iyon sa kanya. Naupo ako dito.
"Kasi gusto ko.", isusuot na niya yung earphones pero hinatak ko yun kaya tumingin siya sa akin ng masama. Lumaban naman ako ng titigan sa kanya.
"Kasi gusto mo lang? E kung mag-ingay kaya ako ngayon kasi gusto ko lang, hindi ka maiinis? Papasukin mo na sila dahil hindi naman pala sayo tong room at lalo na tong university."
"Ang ingay mo. Lumabas ka nalang. Mamaya pang 8am ang klase. Fifteen minutes nalang ang hihintayin mo.", malumanay pa rin siyang sumasagot sa mga tanong ko pero mararamdaman mo yung inis sa tono ng pananalita niya.
"AYOKO! IINISIN KITA HANGGANG DUMATING YUNG PROF AT IBA NATING KAKLASE KASI GUSTO KO!!!", sigaw ko sa pagmumukha niya. Tsk! Napakahigh-blood ko talaga kapag meron ako. Sorry. Di ko type ang ugali niya e.
Tumayo siya at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Nagpumiglas ako pero ang higpit ng pagkakahawak niya.
"Aray! Bitawan mo nga ako! Punyatera ka!", reklamo ko.
Dinala niya ako sa pinto at tinulak palabas. Sinara niya ito ng kaunti pero nagtira siya ng konting space para makita ko ang mukha niya at para marinig ko ang sasabihin niya.
"Kung ayaw mong sumunod sa sinasabi ko, dadaanin kita sa dahas. So you better watch your words and actions, Miss Vienna Addilyn Chan."
Sabi niya at tuluyan niyang sinarado ang pinto.
Leaving me shocked and confused.
How did he know me?
BINABASA MO ANG
The Devil was Once an Angel
RomanceNarinig niyo na siguro ang tungkol kay Lucifer, diba? Ngunit hindi tungkol kay Lucifer ang istoryang ito. Ito ay tungkol kay Vienna Addilyn Chan at sa kanyang guardian angel. Ang kanyang guardian angel na hindi niya tiyak kung tunay o gawa lamang ng...