Isang gintong punyal ang inilapag Niya sa harap ko.
Tinitigan ko lamang ito.
"Iyan ang instrumentong gagamitin mo. Iyan ay may basbas ko. Ito ay hindi mo magiging kasalanang mortal. Ito ang kailangan mong gamitin upang maligtas siya."
~~~~~
"Ayoko!"
Nagising ako habang hinahabol ko ang aking hininga. Walang tigil din sa pagbuhos ang mga luha ko. Ngunit ang mas kinagulat ko ay ang pagkakita ko ng isang gintong punyal sa aking mga hita.
Hindi maaari! Totoo ang nasa panaginip ko? Totoong ang Diyos ang nakausap ko at totoong kailangan kong... patayin si Thaddeus?
Hindi ko kaya!
Malakas na paghikbi lamang ang maririnig sa kwarto. Ito ba? Ito ba ang hindi sinasabi ni Thaddeus sa akin?
Umihip ang malakas na hangin. Kinuha ko ang kumot at binalot ito sa aking sarili. Lumapit ako sa binatana ngunit nagulat ako sa pagdapo ng isang itim na uwak dito. Tinaboy ko ito at isang itim na pakpak niya ang naiwan. Pinulot ko ito at nilagay sa aking bulsa. Ito ang pang-anim.
"Naddi?", napalingon ako sa pintuan at natagpuan ko roon si Thaddeus.
"Thaddeus?"
Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Sshh... okay lang yan. Okay lang.", hinihimas niya ang ulo at likod ko.
"Sorry..."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang paulit-ulit na sinasabing ayos lang ang lahat.
"Ayos lang. Okay lang, Naddi.", sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
Gabi pa rin hanggang ngayon. Niyaya na niya akong matulog ulit at huwag ng isipin ang napanaginipan ko kahit pa hindi ko pa iton nakukwento sa kanya. Pagbalik naman sa kama ay hindi ko na nakita roon ang gintong punyal. Siguro ay guni-guni lamang iyon at masyado lang akong na-paranoid. Sana nga.
Tinabihan niya ako sa pagtulog. And I really feel secured around his arms.
Kinaumagahan, mga alas-otso ng umaga, hindi ko tiyak kung nakatulog ba talaga ako. Hinatid ako ni Thaddeus sa bahay ko.
"Mamaya ulit? Susunduin kita mamayang alas-singko.", sabi niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Pagkaalis niya ay pumasok na kaagad ako sa loob. Banyo ang una kong pinuntahan. Naligo ako. Habang nasa loob ay iniisip ko kung totoo ba talaga ang panaginip ko.
Lumabas ako ng banyo pagkatapos at nagbihis.
Pagpatak ng alas-singko ay saktong handa na ako para sa pupuntahan namin ni Thaddeus.
"Saan nga ba tayo pupunta?", tanong ko sa kanya.
"Basta."
Nakapunta na kami sa lugar kung saan niya ako dadalhin.
Nakahanda roon ang isang romantic dinner. Napapalibutan ang mesa ng mga bulaklak na kulay asul. Halos lahat ng makikita ay kulay asul at puti lang. Sobrang payapa ng lugar.
"Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nasabi to pero uulitin ko ulit. Mahal kita ng sobra, Naddi. Ayoko ng nalulungkot ka, nasasaktan o umiiyak ka. Kaya sana, ipakita mo sa akin na masaya ka kahit ano pang mangyari. Lagi lang naman akong nasa tabi mo. I'm your guardian but you're my angel. I love you. I understand everything. I will love you and I will stay by your side no matter what happens. You're worth it.", sabi niya sa akin habang hawak-hawak ang aking kamay at nakatingin sa mga mata ko. Umiiyak na ako ngayon dahil sa sinabi niya at dahil sa iniisip ko.
Paano ko naman papatayin ang taong mahal na mahal ko at ang taong mahal na mahal ako?
Tumayo ako para lumapit sa kanya. Bago pa man siya makapagtanong ay hinalikan ko na siya. Maaaring ito na ang huli. Maaaring matagal pa bago maulit ito. Maaaring dumating ang araw na pipiliin kong kalimutan si Thaddeus para maging maayos ako.
Pero nangako ako. Pipiliin ko pang tumandang dalaga at mamatay na virgin kung hindi lang din siya.
Siya lang ang lalaking gusto kong maghihintay sa akin sa harap ng altar.
~~~~~
Natapos ang dinner namin ni Thaddeus. Ala-syete na ng gabi pero napagpasyahan kong mag-jogging. Gusto kong malinawan o makalimot. Gusto kong mapagod para pagbalik ko makakatulog na kaagad ako at makakalimutan ko ng panandalian ang problema ko. Iyon ay kung pati sa panaginip ay may bibisita na naman para may sabihin, ipaalala o ipagawa sa akin.
Tumigil muna ako sandali sa pagtakbo at huminto sa gilid. Hinahabol ko ang aking hininga ng may nag-abot sa akin ng tubig at panyo. Napatunghay ako sa isang babaeng naka-all black na damit.
"Ebony?", tanong ko.
"Ako nga. Bakit tumatakbo ka ng ganitong oras?", tanong niya sa akin.
"Para makapag-isip? Di ko rin alam e.", sagot ko. "E ikaw?"
"Naghihintay. Nag-aabang."
Naguluhan ako sa sinabi niya pero hindi ko na tinanong.
"Alam ko kung anong nangyayari sa inyo ni Thaddeus. Lahat. Kaya nga nandito ako para tulungan at may ibigay sayo.", sabi niya. Lalong kumunot ang noo ko. "Gawin mo nalang ang sinabi Niya sayo sa panaginip mo. Hindi Niya kayo pababayaan.", sabi niya at inabot sa akin ang isang kulay itim na box na mahaba pero mapayat. Parang kalahati lang ng isang shoe box.
"Buksan mo pagkauwi mo, baka himatayin ka sa daan.", sabi niya.
Napatitig ako ng matagal sa box.
"Ano ba to Ebony?", ano ka ba Ebony? Sino ka ba talaga?
Nagkibit-balikat lamang siya. "Buksan mo pag-uwi mo. Wag ka ng maraming tanong. Malalaman mo rin ang lahat. Mag-ingat ka. Aalis na ako, may kailangan na akong sunduin. See you soon.", nag-wave siya at tumakbo na paalis.
Lumingon ako para sana habulin siya pero nawala na kaagad si Ebony. Baka naglaho na siya sa dilim dahil kakulay ito ng damit niya.
Agad akong umuwi, namasahe na ako para makauwi agad. Gusto ko nang buksan ang box para makita ang loob nito.
Nagkulong ako sa kwarto pagkauwing-pagkauwi ko.
Kinakabahan ako habang hinahawakanat tinititigan ang box. Plain black lang ito na may gold ribbon. Dahan-dahan kong kinalas ang ribbon para hindi ito masira. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Binuksan ko ang box at halos matumba ako sa pagkakaupo ko sa swivel chair ng kwarto ko dahil sa nakita ko.
Ang gintong punyal.
Bakit si Ebony ang nagdala nito sa akin?
Bakit niya alam? Siya ay kapatid ni Ivory, hindi ba?
Totoo ba talaga? Hindi guni-guni ang nasa panaginip ko?
Kailangan ko ng gawin. Dahil Diyos ang nag-utos sa akin.
BINABASA MO ANG
The Devil was Once an Angel
RomanceNarinig niyo na siguro ang tungkol kay Lucifer, diba? Ngunit hindi tungkol kay Lucifer ang istoryang ito. Ito ay tungkol kay Vienna Addilyn Chan at sa kanyang guardian angel. Ang kanyang guardian angel na hindi niya tiyak kung tunay o gawa lamang ng...