"Hala! May dugo sa ulo mo!" sigaw ko at akmang hahawakan ang noo niya nang tabigin niya ang kamay ko. Nakita niyang may dugong tumutulo roon.
"Fuck!"
Agad kong kinuha 'yong panyo ko at iniabot sa kaniya. Tiningnan niya muna ako nang masama na para bang tinatanong kung malinis ba 'yon bago niya itinakpi sa parte ng noo niyang may dugo. Wow, tingin pa lang, humuhusga na, ah.
"Tsk. Get off, overaction," sambit niya bago ako tabigin. Wow, hari ng daan?
Naglakad na s'ya paalis at hindi na muling lumingon pa. Tsk. Yabang mo! Buti nga sa 'yo! Bleh.
Naglakad na rin ako pabalik kung nasaan ang bike ni kuya at doon ko napansing nabaliko na nang bahagya ang gulong nito. Siguradong disgrasya na naman kung pipilitin pang gamitin. Iuuwi ko pa ba 'to? O itatapon ko na lang?
Napabuntong-hininga ako lalo na nang mapansin ang mga gasgas at sugat na natamo ko sa braso at binti. Mayroon din sa tuhod.
"Talaga naman. Kung minamalas ka nga naman."
Akmang maglalakad na ako nang may mapansin akong bagay sa kalsada. Teka, bracelet? Uso 'to noon, ah. Braided bracelet na nilalagyan ng pangalan.
"Kim?" basa ko sa maliliit na cube dice sa paligid ng bracelet. Kanino naman kaya ito?
Itatapon ko na sana nang biglang sumakit ang ulo ko. Siguro'y dahil ito sa pagkakabagsak ko kanina mula sa aksidente. Hays.
"Ma, heto na 'yong toyo!" sigaw ko nang makarating ako sa bahay.
"Jean, anong nangyari sa 'yo? Toyo lang ang bibilhin mo pero inabot ka pa ng siyam-siyam."
Napansin niya ang mga sugat at gasgas sa binti ko at akmang magsasalita pa siya nang iabot ko na ang toyo sa kaniya bago ako umakyat sa kwarto.
"Jean?" Nagising ako nang may marinig akong kumakatok sa pinto. "Jean, nand'yan ka ba?" Teka, boses ni kuya Jake?
"Yes, kuya. Bakit?" tanong ko nang mabuksan ko ang pinto at nakita ko nga ang pagmumukha ni kuya na mas malapad pa sa dos por dos ang ngiti.
"Bakit ka nakangiti d'yan?" nayayamot kong tanong. Bakit ba laging pinipili nila akong tawagin sa tuwing mahimbing akong natutulog? Sakit sa ulo!
"Ang cute mo kasi, Jean." Pinisil-pisil pa n'ya ang pisngi ko. Luh, ngayon niya lang nalaman?
"Aray naman, kuya! Masakit!" Binitiwan naman n'ya ako. Syempre, kinurot ko, eh. Kahit maikli 'yong kuko ko 'no, masakit 'to!
"Ang sadista mo talaga, Jean! Kaya walang nagmamahal sa 'yo, eh!" Wow. Ang lakas manglait, ah.
"Wala kang paki! Bakit mo ba ako ginising? Natutulog 'yong tao, eh!" tanong ko dahil mukhang press na press ang aura ni kuya ngayon. Nag-press powder siguro.
"Well, gusto ko lang i-share sa 'yo ang good news."
"Good news?" Tumango siya.
"Ah, talaga? Break na kayo ni Ate Allen? Sabi ko na nga ba hindi ka n'ya mapagtyatyagaan. Ang sama kasi ng ugali mo!" pang-aasar ko sa kan'ya sabay tango-tango at palakpak.
"Ako pa ang masama ang ugali? Hindi kami nagbreak at hinding-hindi kami magbe-break. May forever sa aming dalawa, Jean."
Halos masuka naman ako sa sinabi niya. Tipong kitang-kita ko pa 'yong matamis niyang ngiti na mukhang kahit anong pigil niya roon ay hindi niya talaga maalis.
"Yak, kuya! Nagmumura ka na naman! Utang na loob! Walang forever!" Umarte pa akong naduduwal sa harap niya at wala siyang ibang ginawa kundi umiling at pagtawanan ako.
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...