"People who judge from the first look are ignorants," bungad sa amin ni Professor Villacrusis. Pinilit kong intindihin ang sinabi ni Prof. gamit ang maliit kong utak. Pero wala, nganga. Maliit na nga ang utak ko, bulok pa kalahati. Nagsitinginan naman sa akin ang mga kaklase ko kaya nagtaka ako.
"Before we start, let's play some mind games."
Kinabahan naman ako. Hindi ko alam kung bakit, para bang may nagsabi na rin sa akin n'yan noon. Nag-sulat si Professor sa whiteboard.
J F M A M _ J A S O N D
"I'm giving you sixty seconds to think for the missing letter." Kumunot ang noo ko. Tama ba? Kailangang hanapin 'yong letter na nawawala? 'Y' yata ang sagot kasi Jason D lang nakalagay, may 'y' kaya 'yong apelyido ni Jason. Jason Dy 'yon, eh.
"May point sa recitation ang makakakuha ng tamang sagot," dugtong pa ni Professor Villacrusis. Teka, kailangan kong makasagot. Baka sakaling mahabol ko ang babagsakin kong grade kapag nakasagot ako.
"Ang hirap naman."
"Bakit ganyan ang pagkakasunod-sunod n'yan?"
"Bakit hindi ko ma-gets?"
"Baka 'x' 'yong nawawala? Tutal lagi namang hinahanap 'yong 'x' sa Math."
"Math ba tayo, ha? Logic tayo, timang."
Rinig kong mga bulong ng kaklase ko. Sinulyapan ko si Sheen, ganoon din si Karen sa tabi ko, talagang nag-iisip sila. Ano kayang sagot? Malamang, kambing.
"I think the answer is y," rinig kong sagot ng babaeng nasa likod ko.
"Why?"
"See? It's always the answer. Whenever I talk, you keep on answering 'why?' Why the hell?"
Pumikit ako at hindi ko na sila pinakinggan pa kasi hindi ko naman sila maintindihan. Itutuon ko na lang ang atensyon ko sa tanong na kailangang sagutan.
Ano ba kasing nawawala?
Napapikit ako nang biglang kumirot ang ulo ko. Muli akong napatingin sa pisara. Teka, J F M A M _ J A S O N D?
Hindi ko alam kung bakit tumaas ako ng kamay, at talagang napatingin sa akin ang lahat.
"Yes, Ms. Duerre?"
Bumugso sa loob ko ang kaba. Para akong natatae na ewan. Nagdadalawang isip akong sagot pero wala nga pala ako no'n.
"J po," kinakabahan kong sabi kay Prof. Tama kaya? Baka pagtawanan na naman ako ng mga kaklase ko. Ngumiti si Professor sa akin na para bang nagwagi siya sa isang patimpalak na inaasahan niya na talagang manalo.
"Very well. Point for Ms. Duerre."
Nakita kong parang may ni-record siya.
Nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang marinig ko 'yon kay Prof. Napangiti ako. Ibig sabihin, tama 'yong sagot ko? Sabagay, kung iisipin naman talaga. Tama ang J. Pero madalas red flag ang J. Anyway.
Biglang sumagi sa isip ko ang isang pangyayari. Hindi ganoon kalinaw pero may kausap ako. Naglalaro rin kami ng ganito—mga palaisipan.
"Ha? Paano nangyari?"
"Oo nga. Paanong J ang tamang sagot?" tanong nila habang nakatingin sa akin nang nakakunot ang mga noo.
"Ms. Duerre, kindly explain it to them."
Ngumiti ako. Hindi ko alam bakit naging proud ako sa sarili ko ngayong araw. "Ang mga letra pong nakasulat sa whiteboard ay ang mga unang letra sa buwan ng kalendaryo. January, February, March, April, May, June, July, August, September, October, November at December," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...