Chapter 40

1.6K 53 0
                                    

Pagmulat ng mata ko nakaupo na ako dito sa korte—sa replica ng supreme court dito sa South Middleton. Hindi ko alam kung ngayon lang ako natauhan sa nangyari kani-kanina lang kaya ngayon ko lang ito napansin.

Sariwa pa rin sa alaala ko ang naganap kanina. Hindi ko alam. Nanginginig pa rin ako sa takot at sa galit. Gusto kong kasuklaman si Maine dahil sa ginawa niya kung bakit nag-aagaw-buhay si Raven pero hindi ko magawa dahil kaibigan ko siya at intoxicated lang din siya ng drugs.

Noong nabuhay ang ilaw, nakita ko kung paano pinigilan ni Clark si Maine pero tuluyan niya nang napakawalan ang bala at tumama sa taong humarang sa harap ko—kay Raven.

Pumalahaw ang iyak ko sa buong kwarto. Hindi ko alam bakit nangyayari ito na para bang nabubuhay ako sa isang bangungot. Hindi ko na alam ang itatakbo ng utak ko. Lalo na't hindi ko mapuntahan si Raven dahil narito ako at kinakaharap ang kaso. Nasa kamay at damit ko pa rin ang bahid ng kaniyang mga dugo. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Kung hindi lang ako tanga, kung hindi ako nagpositibo ay wala ako roon. Hindi sana ito mangyayari sa kaniya.

Ano bang kamalasan 'to? Talaga bang hindi kami maaaring maging masaya ni Raven? Pagsubok ba ito sa relasyon namin o mga pahiwatig na hindi talaga kami para sa isa't isa?

Tatlong hampas ng martilyo ang narinig ko na para bang nagpapabalik sa akin sa reyalidad. Nakaupo ako sa gilid habang katabi si Professor Rex at ang isang law student. Doon ko napag-alaman na law professor pala siya at mukhang ginaganahan siya sa mga nangyayari. Lumingon ako sa sa kaliwa ko at nakita ko si Karen na umiiyak habang nakatingin sa dako ko.

Anong ibig sabihin ng pag-iyak niya? Lalo akong kinakabahan.

Kinuha nila ang statement ko. Pinagtawanan nga ako nila Nicole dahil ang bobo ko raw. Tinanong-tanong pa ako ng mga law student pero para akong wala sa wisyo. Para akong nasisiraan ng bait. Ang tanging nasa isip ko lang ay gusto kong makita si Raven. Gusto ko siyang puntahan. Gusto kong makalabas dito.

Napalingon ako nang maramdaman kong bumukas ang pinto roon sa dulo at nakita kong pumasok si Kurt at Clark. Napatayo ako. Okay na ba si Raven kaya nakabalik na sila?

Napakagat ako sa labi nang tumango si Kurt na para bang nabasa niya ang gusto kong itanong at ipinapahiwatig na huwag na akong mag-alala dahil nasa maayos nang kalagayan ang taong nasa isip ko.

Tumulo ang luha ko kasabay ng pagpapasalamat sa Diyos.

Nagpatuloy ang pagdinig sa kaso at totoo ngang kapwa estudyanteng nagpositibo ay ako ang tinuturo. Ako raw ang nagbibigay sa kanila ng mga goods. Hinahanapan sila ng ebidensya pero wala silang maibigay bukod doon sa case na may finger prints ko, ni Sheen at ni Xyrah.

"If Ms. Duerre is the real mastermind of this drug trafficking, anong dahilan bakit niyo siya nilalaglag?" tanong ng law student na nagko-cross examination doon na naging dahilan ng pananahimik nila Xyrah.

"Why not? She's been blackmailing us since we told her we wanted to quit," sagot ni Sheen. Napakasinungaling talaga!

"What kind of blackmailing do you experience?"

"She's threatening me that she'll do something bad to Raven and that she might kill him if I do not obey her. I was so scared because I knew she was capable of hurting people, as we also witnessed at the Taekwondo Competition she was in. Who wouldn't be scared? I just don't want something to happen to Raven, which is why I did what she told me to. Everybody knows how much I love that guy, but she also wants him and forced me to break up with the one I love. I was so devastated that I also took up the chance to drink those illegal drugs to forget how miserable I am."

Napapikit ako. Paano niya nagagawang magsinungaling sa harap ng maraming tao? Paano niya nagagawang idamay si Raven sa kalokohan niya? Paano niya nagagawang baliktarin ang lahat ng katotohanan?

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon