Lumipas ang mga araw at payapa naman ang buhay ko. Alam ko na talaga. Ang sanhi ng kamalasan sa buhay ko ay ang lalaking iyon! Kita mo, ang tahimik ng buhay ko ngayon at noong mga nakaraang araw dahil hindi nagtatagpo ang mga landas namin. Dapat manatiling ganito para wala akong pinoproblema.
"Sabay-sabay na tayong kumain," yaya ni Maine sa amin ni Karen.
Naglakad na kami papunta sa cafeteria. Grabe talaga ang mga Middletonians. Kahit saan ka lumingon, wala kang masasabihang pangit. Siguro, 'yon ang standard nila kaya nakapasok ako. Syempre, aminado naman akong wala akong ibubuga pagdating sa academics.
Pumila na kami sa hanay ng HRM students para kumuha ng pagkain. Ganoon kasi rito sa South Middleton, sobrang dami ng students na nag-aaral kaya kailangang ibukod-bukod ang mga pila para sa mga kukuha ng pagkain. Siksikan nga, mabuti na lang de-aircon. Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay dumeretso na kami sa bakanteng table.
"Grabe, hindi ako makapaniwala! Para akong nasa audition ng PBB," komento ni Maine sa amin. Totoo naman talaga. Pero mabuti na lang din maraming upuan at lamesa para makaupo ang lahat.
Nagsimula na kaming kumain. Ang sarap talaga ng pagkain nila rito! Sobrang solid ng curry tapos ang lambot at bango pa ng kanin. Gaganahan ka talaga!
"Masanay ka na. Kailangan mo talaga ng mahabang pasensya. Worth the wait naman 'yong mga pagkain kaya ayos lang," saad naman ni Karen sabay subo ng pesto na in-order niya. Ang taray! Diet yarn?
"Dito ka nag-aral simula elementary?" tanong ko sa kan'ya.
"Oo, loyal ako, eh."
"Luh."
Napatawa kaming tatlo dahil pareho kami ng reaksyon ni Maine.
"Ang bitter n'yo! Porque wala kayong mga boyfriend!"
Naningkit naman ang mga mata ko. Syempre, asawa na kaya ang meron ako. Nasa Korea nga lang. Si Jungkook!
"Eh 'di, ikaw na ang may boyfriend d'yan," naaalibadbarang tugon ni Maine sabay irap ng mata tsaka sinubo ang huling parte ng pagkain niya. Shems, naubos niya kaagad 'yong crispy pata?
"Don't worry. Magkaka-boyfriend din kayo katulad ko," pagmamalaki pa niya. Pusta, break kaagad 'to.
"Kahit h'wag na, stress lang 'yan sa buhay. 'Di ba, Heather?"
"Ha? Oo! Wala akong balak mag-boyfriend. Mga salot sila sa lipunan."
Natawa naman si Maine sa akin sabay apir.
"Napapaisip ako kung gaano kagrabe ang ginawa sa inyo ng mga ex niyo kaya kayo nagkaganiyan. Sinusumpa niyo na ang mga lalaki."
"Wala pa akong ex," komento ko na nagpaubo kay Maine.
"You mean, no boyfriend since birth ka?"
Tumango ako. "Sa mga nababasa at naririnig ko, kaya hindi ako naniniwala sa forever. Lahat sila naghihiwalay."
"Well, kami hindi! Speaking of my boyfriend, nakita ko na siya," saad ni Karen habang nakangiti na parang mapipilas na 'yong labi niya sa lapad ng pagkakangiti.
"Kurt!" pagtawag ni Karen. Napalingon ako sa direksyon kung saan siya kumaway. At halos mabilaukan ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Hindi maaari ito! Kailangan kong makaalis bago ako malasin ngayong araw.
"Girls, mauuna na ako. Parang tinatawag na ako ng kalikasan."
Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila at agad ko nang kinuha ang tray ko na may natitira pang pagkain. Tumakbo na ako sa kabilang direksyon.
Dahil sa pagmamadali, hindi ko agad namalayang may mababangga ako. Malakas na kalansing ng tray na bumagsak ang nagpalingon sa mga tao.
Napakagat ako sa labi nang makita ko ang nabangga ko. Habang inaakyat ko ang paningin ko mula paa hanggang ulo, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Puno ng sauce ng curry ang uniform niya. At ang pinakamasaklap, 'yong kaklase ko pang nagpaalis sa akin sa upuan noong unang pasok ko ang nabangga ko! Si Xyrah.
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...