Pinagmasdan ko ang mukha niyang mahimbing na natutulog. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nangyari ba talaga ang mga nangyari kagabi?
Nag-init muli ang pisngi ko nang mapansing wala kaming saplot. Napakagat ako sa labi ko. Totoo nga.
Dahan-dahan akong bumangon upang pakalmahin ang sarili ko ngunit hindi ko talaga maiwasang sulyapan ang mukha niya at sa tuwing ginagawa ko 'yon, bumabalik lang sa alaala ko ang kabuuang pangyayari. Hindi ko 'to kinakaya!
Napatingin ako sa orasan at dagling nanlaki ang mga mata nang makitang alas syete na ng umaga. Naku po! Paniguradong hahanapin na ako ng pamilya ko!
Pero, hindi pa gumigising si Raven. Magpapaalam pa ba ako sa kaniya? Ayoko naman siyang abalahin dahil alam kong pagod siya. Muli kong pinagmasdan ang mapayapa niyang mukha. Nakakahiya naman 'tong gisingin. Ang sarap ng tulog.
Teka, nasaan ba 'yong camera ko at makuhanan nga ng picture.
Bumangon ako at nagdamit. Bago ako umalis, kailangan ko ng remembrance. Nakangiti ako habang hawak ang camera ko at itinapat sa kaniyang mukha. Nakailan ata akong picture sa kaniya pero hindi pa rin siya nagigising. Ganoon ba siya talaga matulog? Kahit anong likot ko, hindi siya magigising?
Pinagmasdan ko ang mga pictures niya sa camera. Injerness, ang gwapo pa rin. Nakaka-in love naman ang taong 'to. Hindi ko namalayan na kaka-swipe ko napunta na ako sa mga litratong kinuha ko bago ko nabagsak ang camera. Noong naroon siya sa damuhan kasama ang mga kaklase niya. Hays. Hindi nakakasawang tingnan.
Nawala na ang focus ko sa pag-uwi dahil sa pagtingin ng mga litrato. Para akong bumabalik sa mga nakalipas na sandaling kasama ko siya pati na rin sila Karen at Maine.
Bigla ko na lang naramdaman ang mainit na brasong yumakap sa akin sa likuran kasabay ng paghila niya sa akin palapit pa sa kaniya.
"Good morning," bulong niya sa tainga ko sabay halik sa batok ko. Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilang makiliti sa ginagawa niya. Nilingon ko siya at sinalubong niya naman ako ng halik. Bakit pakiramdam ko mas naging malapit kami sa isa't isa?
"Anong tinitingnan mo?" tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Pictures..." matipid kong sagot habang pinakakalma ang sarili.
"Patingin."
Hinawakan niya ang kamay ko na siyang pumipindot doon sa next button ng camera. Napangiti ako nang makita ko ang mga luma kong litrato. Nakalimutan ko na ang mga ito.
Natigilan ako nang may mapansin ako roon. Isang bracelet. Pamilyar ito. Izu-zoom ko na sana para mas makita ang kabuuan nang gawin na iyon ni Raven kaya napatingin ako sa kaniya. Nakakunot ang mga noo niya habang seryosong nakatingin sa camera.
"That bracelet," sambit niya. "I have the same one."
Tumingin siya sa akin. "But it was lost now."
Bumalik sa alaala ko ang araw noong mabangga ko siya ng bisikleta. Tama, nang araw din no'n ko nakita 'yong bracelet na may nakalagay na KIM. Teka, Raven Kim 'di ba ang pangalan niya? So, sa kaniya nga 'yong napulot ko?
Magsasalita na sana ako nang mas lumapit pa siya sa tinitingnan namin. "Is this you?"
Dinako ko ang mga mata ko sa tinutukoy niya. Ang picture ko noong bata ako habang nasa gilid ng carousel at nasa likod naman ang malaking ferris wheel.
"Oo. Ang cute ko 'no?" Pero hindi ko na maalala ang sandaling 'yon na nasa amusement park ako. Siguro kasi maraming taon na rin ang lumipas at bata pa ako no'n.
"It was you." Nakangiti niyang sabi habang nakatitig doon sa camera. "I did not recognize you at all."
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...