Chapter 30

1.6K 56 12
                                    

"Seriously? This is your notebook?" Tumango ako. Tinuturo niya ang notebook kong may malaking picture ni Jungkook sa unahan. Aba, Calvin Klein 'yan! Inspiration! Teka, naintindihan ko 'yong sinabi niya? Ay, oo nga pala! Tinuruan nga pala ako ni Karen at Maine noong nakaraan.

Binuklat-buklat niya ang pahina ng notebook ko. "Nasa'n ba rito ang English?" asar na tanong niya.

"Teka naman, 'wag masyadong mainitin ang ulo."

Lumapit ako sa kaniya at hinanap ang subject na English. Siya 'tong nagpresinta na turuan ako tapos mapipikon siya kaagad? Swerte niya nga, eh. Nakikinig ako sa kaniya. Sa iba, hindi, eh.

Tumingin siya sa akin at doon ko lang napagtantong ang lapit ko pala sa kaniya.

"Go back to your chair," sambit niya. Tsk. Napakasungit.

Bumalik ako sa upuan ko at tiningnan ko lang siya. Kinuha niya ang notebook niya at ballpen. Wow, mukhang mamahalin, ah. Nagsulat siya na para bang may kinokopya sa notebook ko.

"Tomorrow will be our first day."

"F-first day?" pag-uulit ko at nakatanggap naman ako ng pitik sa noo. Bakit ba? Inuulit ko lang, eh.

"First day of me being your tutor."

O-okay.

Hinarap niya sa akin ang pahina ng notebook niya kaya napatingin ako do'n.

"Lahat ng ito ang mga topics na ituturo ko sa 'yo. Since, sports festival na next week, wala na tayong klase. Siguro mga isa o dalawang topics na lang ang madadagdag dito sa listahan."

Tumango ako na puno ng pag-aalinlangan. Paano ba naman kasi, halos mapuno niya 'yong magkaharap na pahina. As in ganoon karami ang kailangan kong matutunan?

"May isang rule lang tuwing klase ko," panimula niya kaya kinabahan ako. "English speaking is a must." Ano raw? English speaking? Eh, hindi nga ako marunong! Aapela pa sana ako nang tumayo siya at iniwan ako sa library.

Kinabukasan, pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa gymnasium hall kung saan nandoon sila at nagpa-practice. Dukdukan na talaga silang lahat sa pag-e-ensayo para sa Sports festival. Sila Maine at Karen rin ay nagpa-practice ng kaya hindi sila nakakasama sa 'kin rito sa panonood ng practice game nila Raven. Si Maine sa cheerdance, si Karen naman sa volleyball training.

"Jean! Hindi mo ba kasama si Karen?" sigaw ni Kurt. Umiling ako at sumigaw rin.

"Hindi, eh!"

"Eh si Maine, susunod daw ba siya rito?" sigaw rin ni Clark habang naglalaro pa sila. Nako, may ano talaga sa dalawang 'yan. Nako, nako. Bakit may hanapang nangyayari? May hindi ba ako alam sa dalawa?

"Hindi rin, eh! May practice pa siya!" sigaw ko rin.

Umupo na ako sa bleacher at pinanood sila. Maya-maya ay may gumulong na bola sa paanan ko kaya kinuha ko iyon at binasa ko ang nakasulat.

Bola ka ba?

Kasi handa akong gawin ang lahat makuha lang kita.

Napangiti naman ako. Dati, nadidiri ako sa mga ganito. Bakti ngayon natatawa na ako? Kilig ba ang tawag dito?

Teka, kanino ba 'to galing?

Nagpalinga-linga ako at natanaw ko si Raven. Tumango naman siya sa akin. Sa kaniya 'to galing? Bakit? Parang tanga 'to! Nakakalimutan ko na atang bitter ako. Enebe.

"Sorry miss, sumobra nang gulong."

May lalaking lumapit sa akin na nagkakamot ng batok habang kinukuha sa akin ang bola. Iniabot niya naman 'yon sa isang babaeng malapit sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay. Dito pa talaga naghaharutan. Walang forever!

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon