"Sigurado ba kayo? Parang ang sagwa!" reklamo ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin habang suot ang kulay yellow na two-piece suit.
"Bagay naman, ah! Akala mo makakatakas ka sa 'min porque wala kang dalang bathing suit? No! No! No! Para saan pa't nagpunta tayo rito?" sigaw ni Karen. Grabe, nahawa na talaga siya kay Maine sa kaingayan. Para siyang sabog o baka ganoon lang siya kasaya at kakomportableng kasama kami. Naka-black stripes two-piece si Karen samantalang green naman 'yong kay Maine.
"Tama! Narito tayo para mag-take ng pictures na ipo-post natin sa Instagram at parusahan ang mga torpeng lalaki," sambit naman ni Maine. "They can see it, but they can't touch it!"
Hinataw pa ni Maine ang puwet niya. Kaloka talaga ang babaeng 'to!
Naka-swimsuit din sila ng pagkanipis na para talagang pinapakita na ang perlas ng silanganan at ang bundok arayat. Seryoso ba sila? Lalabas silang nakagano'n? At dinamay pa talaga nila ako, ha?
"Bakit ba kasi kailangan ganito pa ang suot?" tanong ko sa kanila.
"That's your punishment after you left us last night."
Napabuntong-hininga ako. "Bakit kasi kailangan mo pang i-announce ang tungkol sa amin ni Raven?"
"Syempre, napansin ko kasing hindi kayo nag-i-imikan. I don't want the two of you to ruin the mood. We're here to celebrate our anniversary, but then both of you are so out of this world."
"Sorry," sambit ko.
"Pero in fairness naman sa dalawa. Ang romantic nilang panoorin kagabi. Taga-kilig na lang yata talaga ako sa lovelife ng iba," komento ni Maine na naging dahilan ng paglaki ng mata ko.
Magsasalita pa sana ako nang tumango sila. "We saw it, Hed! We saw how you grabbed his collar and kissed him passionately."
Napatakip ako sa tainga ko. Ang mga ito talaga! Wala nang pinalampas!
"Anyway, pansin ko lang. Nakakaintindi na si Hed ng English. Dahil ba 'yan kay Raven?"
Inirapan ko sila tsaka tumango. "Tinulungan niya ako."
"Ah, at doon kayo nagkamabutihan?"
Pinaghahampas ko sila. Bakit ba ako ang nasa hotseat ngayon?
"Sana all na lang talaga!"
Tinulak na nila ako palabas ng kwarto. Sabi na nga ba't mga bad influence 'tong mga 'to! Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga lalaking nakakasalubong namin dahil sa mga suot namin. Ang hirap gumalaw! Parang kaunting kibot makikitaan na ako. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong damit. Hello? Minor po ako!
Ilang dipa lang naman ang nilakad namin at nasikatan na kami ng araw. Injerness, ang ganda ng panahon. Tamang-tama at gusto ko nang magtampisaw sa dagat. Ang tagal ko na ring hindi nakakatikim ng tubig-alat dahil bukod sa hindi ako marunong lumangoy, hindi naman ako gala.
Kung sa hotel ay pinagtitinginan na kami ng mga tao, lalo naman nang mapadpad na kami rito sa may dalampasigan. Naging sentro tuloy kami ng atensyon at usapan ng ibang mga tao. Mabuti na lang maputi ang singit at kili-kili ko kaya hindi nakakahiya at wala silang masasabi sa akin.
Ngunit agad akong nakaramdam ng hiya nang salubungin kami ng tatlo. Halos umiwas ako ng tingin nang makita ko si Raven na nakatingin sa akin. Hindi ba bagay? Napakamot ako ng ulo.
"Tara na, Hed!" yaya sa akin ni Maine pero bago pa ako makasunod sa kaniya ay may humila sa akin.
Binato niya sa akin ang ang t-shirt niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakahubad. Naalala ko na naman tuloy 'yong nasa hospital kami.
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...