Chapter 48

1.4K 42 0
                                    

Lumapit sa 'kin si kuya at may inaabot na pagkain. "Hindi ka pa ba kakain?" tanong niya.

Patuloy ko lang pinagmamasdan ang kawalan habang hawak ang bracelet ni Raven. Narito ako sa bintana na parang naghihintay ng panahon kung kailan siya babalik kahit imposible na.

Sobrang bigat ng puso ko. Ni hindi ako makahinga nang maayos sa tuwing naaalala ko ang huling beses na nakita ko ang taong mahal ko.

Bakit may ganito na naman? Akala ko okay na? Pansamantala lang ba lagi ang kasiyahan naming dalawa? Pagkatapos ng malaking kagalakan, malaking pagdurusa naman ang ibubuhos sa akin?

"Jean, magkakasakit ka sa ginagawa mo."

"Wala akong pakialam, kuya. Pakiramdam ko nga patay na ako," walang buhay kong salita.

Ni wala akong lakas na bisitahin siya dahil alam kong kapag ginawa ko 'yon, mapuputol na ang ilusyon kong magkakasama pa kaming muli.

Bumuntong-hininga siya. "Sinabi ko na sa 'yong huwag mong simulan. Alam mong iiwan mo rin siya. Ang pinagkaiba lang ngayon, siya ang kinailangang lumayo dahil malaki ang nagawa niyang kasalanan."

"Hindi! Hindi totoo ang mga ibinibintang niyo sa kaniya! Hindi magagawa ni Raven 'yon!"

Nagsimula na naman akong umiyak. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatakpan ang mga namumugto kong mata na hindi marunong mapagod sa pag-iyak na para bang pati mga luha ko'y umaagos na parang ilog, umaasa na makakapunta sa kaniya.

"Jean, saksi ka! Naroon ka rin noong nabangga ang sinasakyan niyo! Si Raven ang nakabangga sa inyo kaya namatay ang mga magulang ni Lorenz!"

Umiling ako nang paulit-ulit habang tinatanggihan ang mga alaalang kumakawala sa utak ko. "Wala akong maalala!" pagsisinungaling ko. Pero kahit anong pilit kong itago, naaalala ko na ang lahat. Dahil sa patuloy na pagsakit ng ulo ko, unti-unting bumabalik sa akin ang mga nawalang madidilim na alaala.

"Ipaaalala ko sa 'yo."

Pareho kaming napatingin sa may pintuan ng kwarto ko. Naroon si Lorenz. Bakas ang kalungkutan sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin nang deretso. Puno ng pagsusumamo.

Hindi ko maiwasang makunsensya dahil nagiging makasarili ako. Hindi ko nakikitang nasasaktan ko na pala ang tanging kaibigan ko noon. Ang unang pag-ibig ko.

Lumapit siya sa akin at hindi ko na napigilan ang pagsasalita niya, "It was your birthday when we brought you to celebrate it at a restaurant..." Ginigising niya ako sa katotohanan.

Tama. Hindi lang naman ito kasalanan ni Raven kung hindi kasalanan ko rin. Kung hindi sana ako nagtampo kay Lorenz, hindi niya pipilitin ang mga magulang niya na sunduin ako kahit dis oras na ng gabi. Hindi sana sila mamamatay. Hindi sana maagang nangulila si Lorenz at si ate Allen.

"...when we get involved in a car accident," pagpapatuloy niya.

Kumikirot muli ang ulo ko dahil bumubuo at lumilinaw sa alaala ko ang lahat. Dalawang taon lang ang nakaraan nang mangyari 'yon. Dalawang taon niyang dinala ito samantalang ako, walang maalala na para bang tumakas at iniwan siyang mag-isa.

"And that guy vanished."

Duguan si Lorenz nang iminulat ko ang mga mata ko noong gabing 'yon. Pilit ko siyang ginigising pati ang mga magulang niya sa harap ng kotse pero isa lang ang nagising...si Lorenz lang.

At nakita ko na lang ang sarili kong nasa hospital nang ilang linggo. Pagkagising ko, wala na akong maalala. Wala na rin si Lorenz.

"Kaya ako nawala nang matagal na panahon dahil hinahanap ko kung sinong pumatay sa mga magulang ko, Jija. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo. Sorry kung kinailangan kitang iwan. Ayoko lang na maalala mo ang mga nangyari dahil mas masasaktan akong makita kang nasasaktan at sinisisi ang sarili."

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon