Chapter 50

2.9K 52 10
                                    

Alas sais ng umaga nang lumapag ang eroplano na sinasakyan ko sa bansang Pilipinas. Malakas ang kabog sa dibdib ko habang tinatahak ang landas pauwi. Ano kayang naghihintay sa akin dito?

Hindi ko binanggit kina Karen ang tungkol sa pag-uwi ko dahil gusto ko silang sorpresahin. Ayoko namang salubungin nila ako rito at gumawa pa ng eksena baka dumami ang tao gayong ang sabi nila, sikat daw ako rito. Kaya binalak ko talagang maaga ako ng isang araw para makapagpahinga rin ako.

Napagpasyahan kong sa dati naming bahay ako manuluyan. Gusto kong makita ang bahay namin kung ano nang itsura. Hindi ko ba alam kina mama kung bakit ayaw pa nilang ibenta 'yong bahay namin, eh, wala namang naninirahan? Gusto nilang mabulok? Sayang naman ang kikitain. Baka maka-tatlong milyon pa kami roon.

Ilang sandali lang ay nakababa na ako. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ang malapad na gate namin na hindi pa naman nangangalawang. Wow, ha? Laking pagtataka ko nang makitang malinis ang garden namin. Sa pagkakatanda ko mahigit apat na taon o lima na kaming wala rito. Bakit hindi tinubuan ng damo rito? Hiwaga!

Pumasok na ako sa bahay para tuluyang makapagpahinga. Nakapagtataka na walang alikabok. Masyado bang na-preserve ang bahay namin at hindi naalikabukan? Talaga bang selyado ang pagkakasara ng pinto at bintana kaya hindi napasukan ng kahit na anong dumi?

Dumeretso na ako sa kwarto ko at umidlip. Alas syete palang naman ng umaga kaya mahaba pa ang magiging pahinga ko. Mamaya na lang ako pupunta sa hotel na malapit sa venue ng book-signing event.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lamang dahil kumakalam na ang sikmura. Lumabas ako ng bahay para bumili sa tindahan. Napangiti ako nang mapansin ang kalawakan ng kalsada. Malaki na ang pinagbago ng Luzia Subdivision. Wala nang masyadong puno at kaliwa't kanan na ang mga bahay.

Speaking of bahay, hindi ko alam bakit inuna pa akong dalhin ng mga paa ko sa bahay ni Raven. Nababaliw na yata ako. Sabagay, kaya ganoon na lang siguro ang lakas ng loob kong daanan ang bahay ni Raven dahil alam kong hindi naman ito lalabas doon.

Sumilip ako sa bahay nila at laking gulat ko nang lumabas ang taong hindi ko inaasahan. Agad na kumirot ang puso ko nang makita ko si Sheen.

Nakaramdam ako ng lungkot. Tama. Anim na buwan nga lang pala si Sheen doon sa rehabilitation center. Siguro'y narinig niya kaagad ang balita at binisita niya si Raven.

Napaatras ako nang lumingon siya sa dako ko. Mabuti na lang at hindi niya ako nakita. Malaki na ang pinagbago ng mukha at katawan niya. Nagkalaman na rin. Siguro ay inaalagaan niya na ang kaniyang sarili o kaya naman may nag-aalaga na sa kaniya. Maraming taon na ang nakalipas at siguro naka-move on na rin sa akin si Raven. Baka nga nagkabalikan na ulit sila ni Sheen dahil ito lang naman ang taong kayang bumisita sa kaniya dahil iniwan ko siya nang walang paalam. Umiling ako. Ayoko nang mag-isip pa.

Huminga ako nang malalim bago naglakad paalis sa lugar na 'yon. Pinipilit kong pagaanin ang loob ko at kumbinsihing hindi naman si Raven ang pinunta ko rito kaya hindi dapat ako malungkot. Matagal na 'yong sa amin at dapat huwag na akong umasa. Ako rin naman ay nagkaroon na ng ibang karelasyon kung kaya't hindi na bago kung magkakaroon din siya ng kaniya.

Tsk. Sinong niloloko ko?

Napakagat ako sa labi habang pinipigilan ang pagluha. Siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako bumalik. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang bisitahin kung nasaan man siya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan. Kahit ilang beses kong itanggi sa puso ko, alam kong hanggang ngayon siya pa rin ang gusto ko.

Hindi naman nagbago.

Siya pa rin.

Hindi ko siya kinalimutan kagaya ng pangako ko.

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon