"Hed? Nakikinig ka ba?"
"Ha? Oo, gravity is equal to thirty-two particles."
Nagulat naman ako nang hampasin ako ni Karen. Inaano ko ba 'to? Nakakasakit na siya, ah!
"Lumilipad na naman ang utak mo! Tinatanong ko kung ilan ang parts of speech." Parts of speech? Ano ba 'yon? May parts ba ang speech? May pinag-aralan ba kaming ganoon? Ilan ba sila?
Kasalukuyan kaming nag-re-review sa English dito sa bench sa may garden kasi daw magkakaroon ulit ng quiz next meeting dahil maraming bumagsak. At isa ako do'n, pinakamababa sa lahat. Kasama ko si Jhope at Jimin dahil pareho silang mababa.
"Hindi ko alam. Ikaw, Maine? Alam mo?" tanong ko at tiningnan ko siya.
"Oo naman, 'no? Anong tingin mo sa 'kin bobo?" mataray niyang sabi. Aba, parang sinasabi niya na ring bobo ako dahil hindi ko alam!
"Sige nga, ano?"
"Nine," sagot niya.
"Kaya nga, nine nga nasa isip ko!" saad ko habang nakahalukipkip. "Karen, nine ang parts of speech," lakas loob kong sagot.
"Oh, sige. Ano-ano 'yon, Hed?" tanong naman ni Karen. Ngumisi ako.
"Ahh..." Nag-akto akong parang nag-iisip at nang may maisip ako... "Aha! Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, Neptune at Pluto," pag-iisa-isa ko habang binibilang sa daliri ang mga sinabi ko.
Napasapo naman sila ng mukha nila.
"Speech, Hed! Hindi planets!" sigaw ni Karen. Natatawa naman si Maine habang sinasabing at least daw kabisado ko 'yong planets. 'Di ba? It's the thought that counts.
"Ano ba 'yong speech? Malay ko ba. Makakain ko ba 'yon?" Bakit kasi may mga gano'n gano'n pa. Sana puro skills na lang ang tinuturo nila. 'Wag na 'yong mga ganiyan. Dapat cooking na lang o kaya bartending chuchunes.
"Umayos ka nga! Hindi ba't gusto mong makaintindi ng English? Kailangan mong pag-aralan ang parts of the speech! Magseryoso ka naman." Bakas sa tono niyang nayayamot na siya pero mas hinahabaan niya ang pasensya niya sa pagtuturo sa akin.
Napakagat ako sa labi ko. Seryoso naman ako 'di ba? Mukha ba akong joke sa kanila? Ang ganda ko kaya para maging clown. Okay, enaf.
"Tandaan mo 'to Jean, isulat mo."
Tumango ako at kinuha ko ang notebook at ballpen ko at tumingin ako sa kaniya. "May nine parts of speech. 'Yon ang nouns, pronouns, verbs, adjectives, adverbs, conjunctions, prepositions, interjections at articles. Eight lang talaga 'yon kaso sinama na 'yong articles kaya naging nine." Tumango-tango ako.
"Oh bakit hindi ka nagsusulat?" tanong ni Maine.
"Eh, hindi ko alam ang spelling, eh."
Sumingkit naman ang mga mata niya na para bang nagpipigil. Akmang hahampasin na naman niya ako nang hinarang ko ang kamay ko.
"Namimisikal na kayo, ha!" Natawa naman siya. Noong una tinuruan niya ako kung ano 'yong spelling kaso dahil gumagana nga ang bobogenes ko, siya na lang ang nagsulat. Bura-bura kasi at natatagalan daw siya sa akin.
Tinuro nila sa 'kin 'yong mga nouns chuchu at salamat naman naintindihan ko. Naintindihan ko nga ba? Syempre naman! Pakiramdam ko nga tumaas 'yong E.Q. ko. E.Q. ba ang tawag do'n? I. Q yata. Ewan! 'Di ko sure.
Dumating 'yong araw ng English class at gaya ng sinabi ni Professor Castill, mag-e-exam uli kami. Kinakabahan ako shems. Pakiramdam ko nalimutan ko lahat ng ni-review namin nila Maine at Karen.
"Hed, easy lang. Mukha kang natatae d'yan," bulong sa 'kin ni Maine. Kinurot ko nga. Aba, asarin ba naman ako sa sitwasyong 'to. Tumingin nang masama sa 'kin si Professor bago niya ibinigay ang test paper. Bakit ba ang init ng dugo niya sa akin? Eh, bobo ako sa English. Anong magagawa ko? Kabawasan ba sa pagiging tayo ko 'yon? Well, kabawasan sa grades, oo.
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...