Chapter 19

1.5K 61 5
                                    

Naalimpungatan ako nang biglang naramdaman kong gumalaw ang taong binabantayan ko. Agad kong sinuri ang kalagayan niya. Gising na ba siya? Ilang araw na rin siyang narito hospital, nakahilata.

Sabado ngayon kaya walang pasok at binabantayan ko ang lalaking 'to. Ano ba kasing pumasok sa isip niya at ginawa niya 'yon?

Narinig ko ang pag-ungol niya kaya naalarma ako. Binabangungot ba siya? Anong nangyayari?

Akmang aabutin ko na ang buton doon sa may dingding para tumawag ng nurse nang maramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko.

"R-raven...'yong kamay mo."

Tsk. Para namang alam niya ang ginagawa niya?

Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Nasaan na ba kasi si Clark? Sabi niya, papalitan niya ako rito. Si Karen kasi nagpapagaling pa at syempre, binabantayan siya ni Kurt. Si Maine naman, bibisitahin din raw si Karen.

Napabuntong-hininga ako at muling sumulyap kay Raven pero nagulat ako nang gising na ito at masamang nakatingin sa akin. Problema na naman nito?

Agad kong pinindot ang buton na kanina ko pa dapat ginawa kung hindi lang ako pinigilan ng mokong na 'to. Saglit lang ay dumating na ang doctor at nurse para suriin ang kalagayan ni Raven. Natanggal na rin naman ang bala sa katawan niya. Mabuti nga raw at sa braso lang siya tinamaan dahil kung hindi mapanganib na at posibleng hindi na ito mabuhay.

Muli akong napailing, bakit ba kasi kailangan niyang saluhin ang bala para sa akin? Baliw ba siya? Ang sakit niya sa bungo, sa totoo lang!

Natapos nang i-check ng doctor ang kalagayan ni Raven kung kaya't iniwan niya na rin kami. Nakapagtataka lang dahil ni minsan ay hindi bumisita ang magulang ni Raven dito. Hindi ko naman sinasabing araw-araw akong narito pero 'yon nga, hindi ko sila nakitang kumustahin ang kanilang anak.

"Titingnan mo na lang ba ako?"

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Raven.

"Bakit? Anong kailangan mo?" mataray kong tanong. Aba, kahit niligtas niya ako, hindi ko nakakalimutan kung gaano kagaspang ang ugali niya at ang mga masasakit na salitang sinabi niya sa akin! Pero, sige na nga. Mapagpatawad naman ako.

Itinaas niya ang kamay niya at sinenyasan akong lumapit. Ano ako aso? At ako naman si tanga, sumunod.

"Bakit ba?"

"Itaas mo 'yong kama para makasandal ako."

Wow. Ano ako utusan?

Pero sige na nga. Maliit na bagay. Hindi naman ikababawas ng ganda ko kung itataas ko ang ulunang bahagi ng kama niya para sa kaniya. Sinilip ko ang ilalim. Teka, paano ba pataasin? May inaangat ba rito na parang sa swivel chair?

Narinig kong napabuntong-hininga siya.

"Heto, oh," turo niya sa gilid ng kama niya sabay pindot doon. Umangat naman ang uluhang parte ng kama niya.

"Kaya mo naman pala. Bakit pinapagawa mo pa sa akin?" tanong ko.

Kinapitan niya ang braso niya na para bang may iniinda siyang sakit. "Nakalimutan mo na ba kung saan ako natamaan ng bala?"

Inirapan ko siya.

"Bakit mo kasi pinindot? Pwede namang ituro mo na lang sa akin tapos ako na ang pumindot," saad ko.

"Nagrereklamo ka nga kung bakit ko pinapagawa sa 'yo, eh."

"Eh, akala ko kasi kaya mo! Hindi naman pala!" Hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses.

"Bakit ka sumisigaw?" tanong niya.

"Hindi ako sumisigaw! Ipinapaliwanag ko lang! Bakit kasi sinalo mo pa 'yong bala? Ayan, tuloy!"

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon