Para kaming pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa mga mukha namin. Dis oras na ng gabi at bumabyahe na kami pauwi. Si Maine ang nagmamaneho ng sasakyan habang si Karen ay nakatulala roon sa bintana.
Nilingon ko ang sasakyan sa likuran namin. Sinusundan kami ni Raven dahil gusto niya raw makasigurong ligtas kaming makakauwi. Napabuntong-hininga ako at sinilip ang rearview para makita si Maine na ngayon din ay kababakasan ng lungkot. Nauna na kasing umuwi si Clark dahil pupunta raw ito sa probinsya para makipaglibing. Namatay raw kasi ang lolo nito na siya raw ang paboritong apo kaya nang marinig niya ang balita, agad siyang lumuwas.
Hindi ko akalaing ganito ang magiging ending ng tatlong araw na bakasyon namin. Well, dalawang araw lang pala.
Mabilis na lumipas ang linggo at pasukan na naman. Second semester na. Wala akong naging balita kung ayos na ba ang relasyon ni Karen at Kurt gayong wala ni isang nagpaparamdam sa akin. Syempre, maliban kay Raven na minsan kong kausap sa gabi bago matulog. Hindi naman kami madalas magtawagan. Halos nagkukumustahan lang kami. Hindi na nga ako makapaghintay na pumasok muli para makita ko na siya.
Nagpaalam na ako kay mama. Nagtataka nga siya sa akin kung bakit daw ang aga kong pumasok. Matik!
Hindi naman ako nagsisi dahil natanaw ko na agad si Raven sa harap ng gate. Bakit kaya lumalabas pa siya pagkatapos magpark sa loob? Well, tinatanong pa ba 'yon? Eh 'di, para sa 'kin!
Lumawak ang ngiti niya nang makita ako. Agad naman niya akong sinalubong. Hindi ko talaga mapigilang mapangiti habang namamangha sa kagwapuhan ng nobyo ko.
"Kumain ka na?" tanong niya. Umiling ako na siya namang naging dahilan ng kaniyang pagngiti. Tinatanong pa ba 'yon? Syempre, gusto kitang makasabay!
Magkasabay kaming pumili ng almusal namin bago umupo roon sa sulok para hindi makakuha ng maraming atensyon. Ngayon ko nararanasan ang totong low-key relationship. At nakakakilig!
"Kumusta na sila?" tanong ko bago ko kagatin ang egg and avocado sandwich na siyang trip ni Raven kaya ginaya ko. Na-curious kasi ako kung anong taste niya. Masarap naman din pala pero hindi ko na uulitin. Mas gusto ko pa rin 'yong hotdog sandwich na may hot sauce.
"They're still taking their time, I guess."
Tumango ako. "Hindi naman totoo 'yong mga binibintang ni Karen, 'no? Hindi naman siguro lolokohin ni Kurt ang kaibigan ko?"
Nagkibit-balikat siya. "I didn't know either. Kurt never brought up the issue, so I never asked. Maybe they are fixing it privately, so don't worry about it too much, Jean."
Ginulo niya ang buhok ko. Tiningnan ko lang siya nang maigi. Paano kaya kung sa akin mangyari 'yon? Paano kung makita ko siyang kasama si Sheen sa isang kwarto? Ganoon din kaya ang magiging reaksyon ko? Sabagay, hindi ko masabi. Baka magmukmok lang ako sa gilid at ituring na lang na tapos na kami at hindi na siya imikin habang buhay.
"What are you thinking?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Umiling ako. "Wala."
"If ever you see me with someone else, you're allowed to confront me, as Karen did. I don't want you to keep it to yourself and give me the silent treatment. That's more difficult to bear."
"So, may posibilidad na makita kitang may kasamang iba?" tanong ko.
"Kasama, oo..." sagot niya. Kumirot ang puso ko. "...pero hindi ibig sabihin na may gagawin akong kalokohan so please, let me have a chance to explain too, and don't leave me hanging."
Naalala ko tuloy ang nasaksihan naming away ni Kurt at Karen. Sa mga sinasabi niya, pakiramdam ko natakot siyang malagay kami sa ganoong sitwasyon na magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kaya pinagpapaunahan niya na ako ngayon.
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...