Chapter 23

1.4K 61 6
                                    

Napag-alaman namin na ang sanhi ng agresibong kilos ni Maine ay dahil sa kaparehong drugs na nainom niya na katulad ng sa amin ni Karen. Malaki ang posibilidad na dahil iyon sa orange juice na ibinigay ko sa kaniya na galing kay Clark pero ang sabi ni Clark, wala raw siyang ipinaaabot para sa akin. Kinutuban ako na baka si Xyrah na naman ang may gawa nito. Hindi pa rin sila tumitigil. Hindi rin ako makasugod dahil wala akong ebidensya na sila Xyrah nga ang nagbigay ng orange juice na dapat ako ang makakainom kung hindi ko ibinigay kay Maine.

Maraming tanong sa isip ko. Lalo't ayon kay Kurt, nahihirapan daw ang doctor na alamin at suriin ang drugs na ipinainom sa amin dahil wala pa raw na katulad nito sa bansa. Napapaisip ako, saan naman kaya nakukuha ni Xyrah ang ganoong klase ng drugs at paano naitatago mula sa publiko? Ganoon ba talaga ang mga makapangyarihang tao? At saka, bakit iba-iba ang epekto sa amin ng drugs?

"Hindi kaya pinag-e-eksperimentuhan palang nila Xyrah 'yong drugs?" tanong ko na naging dahilan ng pagpunta ng atensyon sa akin ni Kurt at Clark. Kasalukuyan kaming nasa library upang kumalap ng mga impormasyong maaaring may kinalaman sa drugs na hinahanap namin. Tinitingnan namin ang mga chemical compounds na natagpuan sa katawan naming tatlo nila Maine at Karen. Himala nga't nakakasabay ako sa mga pinag-uusapan nila. Tumatalino na ba ako? Matatalino 'tong nakapalagid sa akin, eh.

"Posible kaya dapat makakuha tayo ng sample mula sa kanila para mas mapag-aralan din natin."

Napasinghap ako. Paano naman kami makakakuha ng sample ng drugs? Eh, baka mamaya may makakita sa akin at ipapulis ako. Yari na!

Nagpaiwan pa si Kurt sa library sa dahil gusto pa raw niyang maghanap ng sagot sa mga katanungan niya. Naiintindihan ko ang kaniyang pagkabalisa dahil isa ang nobya niyw sa nakainom ng drugs na hindi namin alam kung ano ang epekto paglaon. Kung makakakuha lang sana ako ng sample, mas mapapabilis ang proseso ng pag-iimbestiga namin.

"Hindi mo ba talaga gustong ipaalam kay Maine ang totoong nangyari?" tanong sa akin ni Clark nang makalabas kami sa library.

Umiling ako. Bakit pa? Ang mahalaga naman ngayon ay ayos na siya.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Ikaw ang dapat sisihin ko. Bakit kasi hindi mo pa linawin sa kaniya ang lahat?"

"Kilala niya ako bilang manloloko. Paano ko patutunayan ang sarili ko?" saad niya. Sa isang banda, nakaramdam din ako ng awa sa kaniya. Pero ibig sabihin nga ay may nararamdaman na rin siya para kay Maine? Injerness naman sa kaniya, nag-iisip nang mabuti. Alam niyang isang responsabilidad ang papasukin niya at hindi lang basta natatapos sa salitang mahal kita.

"Kayo ba ni Raven? Kumusta kayo?"

"Walang kami, sira. Bakit ba nirereto niyo ako sa taong may jowa na? Wala bang single d'yan?"

"Meron. Gusto mo ba?" pag-aalok niya.

Umiling ako nang matindi. "Pass. Hindi na nga ako magkandaugaga sa pag-aaral, dadagdagan ko pa ng abala."

Natawa siya. "Tunog matatalino lang nagsasabi niyan, ah."

Inirapan ko siya. "Maiwan na nga kita!" paalam ko.

Akmang aalis na ako nang makita ko si Maine. Nakatingin siya sa amin ni Clark habang hawak ang cellphone niya.

"H-hed...Totoo ba 'to?" tanong niya sa kaawa-awang boses.

Kumunot ang noo ko. "Anong tinutukoy mo?"

Tiningnan ko ang cellphone na hawak niya at nakita ang kaniyang pinapanood—ang video niya habang sinasabunutan at sinasaktan ako sa harap ni Clark.

"Nagawa ko ba talaga 'to sa 'yo?" Sumilip ang luha sa kaniyang mga mata. Napansin kong nanginginig din ang kaniyang mga kamay.

"W-wala kang kasalanan, Maine. Huminahon ka."

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon