Chapter 33

1.4K 49 4
                                    

Nagkumpulan na ang mga tao sa gitna. Kapwa pinipigilan si Raven at Arthur sa pagsusuntukan. Hindi ko masyadong marinig 'yong sigawan nila gawa ng mga taong nakapaligid sa kanila. Kinakabahan ako. Bumibilis 'yong tibok ng puso ko lalo pa nang matanaw ko si Sheen. Siya na naman ba ang dahilan?

"H-hed, umalis na muna tayo rito," yaya ni Karen sa amin ni Maine. Sumunod naman kaming dalawa sa kaniya.

Pumunta kami sa garden at umupo sa may bench doon. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari.

Napatayo kaming tatlo nang dumating si Kurt at Clark. Hinanap ng mga mata ko si Raven.

"Nasa guidance si Raven at Arthur," wika ni Kurt na para bang sinasagot ang tanong ko. "Disqualified na kami."

Napasinghap ako.

"Anong bang naging problema?" tanong ni Karen.

"Ewan ko sa dalawang 'yon! Lagi na lang nagsusuntukan. At sa gitna pa ng laro piniling magbalyahan," yamot na komento ni Kurt.

"Matik, babae ang pinag-aawayan ng mga 'yon," sabat naman ni Clark. Babae? Sabi na nga ba, si Sheen na naman.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

Mali ang akala ko.

"Kuya? Bakit napatawag ka?" tanong ko nang sagutin ko ang telepono.

"Nandito ako sa labas ng school mo. Uwian na ba kayo?"

"P-po?"

"Samahan mo akong kumuha ng mga padala ni papa."

Napabuntong-hininga ako. Tama, mas mabuti ngang umuwi na lang din ako.

"S-sige po. Papunta na."

Nagpaalam na ako kila Maine at Karen pati na rin kay Kurt at Clark na mauuna na akong umuwi.

Malapit na ako sa gate nang mahagip ng mga mata ko si Raven. Nakita kong may pasa ang mukha niya pati na rin ang labi niya ay may bahid ng dugo. Pero imbes na kausapin siya ay mas pinili kong lagpasan na lamang siya. Baka hinihintay na rin ako ni kuya kaya kailangan ko nang magmadali.

Ngunit bigla kong naramdaman ang kamay niya sa braso ko. Pinigilan niya akong maglakad. Sa paghawak niya sa akin, libo-libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

"Totoo ba ang sinabi ni Arthur?"

Hinarap ko siya. "Tungkol saan?"

Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Na nagpalipas ka ng gabi sa bahay niya?"

Napasinghap ako. Iyon ba ang dahilan kung bakit sila nagsuntukan kanina?

Naramdaman ko ang pagkalas niya sa pagkakahawak sa braso ko. Kasunod no'n ay ang kaniyang pagyuko.

"Sabagay, malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo."

Tinalikuran niya ako na siyang ikinainis ko. Ano bang problema niya? Pipigilan niya akong maglakad tapos babatuhin ng mga tanong tapos iiwan sa ere?

Ako naman ang kumapit sa braso niya at pinigilan siyang maglakad.

"Anong problema mo, Raven?" naaasar kong tanong.

"Ikaw ang problema ko," walang kaabog-abog niyang sagot.

"Ano na naman bang ginawa ko na ikinainis mo?"

"That's what I want to ask you also! Why did you ignore me just now? Why did you walk past me as if you never saw me?"

"Why are you affected as if you were my boyfriend?" nanginginig na tanong ko. "Dumidistansya ako kasi nag-iisip ako! Akala ko si Sheen na naman ang dahilan kung bakit nagsuntukan na naman kayo! Nag-iisip ako kung paano ko kokontrolin ang sarili ko kasi 'di ba sabi mo sa akin noon kung may nararamdaman ako, kalimutan ko na lang? Kasi kahit kailan hindi titibok ang puso mo para sa akin? 'Yon din ang iniiwasan ko! Ang tumibok ang puso ko para sa 'yo!"

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon