Naglalakad na ako papasok sa South Middleton University nang may tumawag sa cellphone ko. Number lang. Naalala ko ang bilin sa akin ni Raven kaya hindi ko 'yon sinagot.
Isang linggo na rin ang lumipas nang matapos ang CHMT Week. Nakakatuwa nga noong CHMT Night, nang i-announce na kami ang nanalo sa Cupcake Couture. Para kaming mga nakawala sa hawla na tumakbo papunta sa stage para makuha 'yong award namin. Natatawa ako kay Karen kasi hila-hila namin siya ni Maine. Umuwi rin naman ako nang maaga no'n kaya hindi ko na naabutan na ang Orange Team pala ang nanalo. Paano ba naman kasi? Sinundo na ako ni kuya Jake. Abala talaga. Pero ayos lang naman, at least maaga akong nakauwi. Buong gabi kong katawagan si Raven.
Bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Pareho ng number na tumawag kanina. Bumuntong-hininga ako bago ko napagpasyahang sagutin. Kapag ito hindi nagsalita, iba-block ko na ito.
"Hello?" sagot ko.
"Oh, hello? Thank God you answered! Is this Jean Duerre's phone number?"
"O-oo. S-sino ka?"
"Isa akong producer. Ako si Matthew Cleo. I saw how you sang that night sa busking, kaya naisip ko kung pwede kang pumunta rito sa studio. I would like to scout you to be a recording artist."
Napanganga ako. Isang producer? Tinatawagan ako para maging isang singer?
"If you're interested, can I invite you for a coffee?"
Napangiti ako. "O-opo."
Ilang segundo lang ang lumipas ay natanggap ko na ang text niya kung saan kami magkikita. Nagpara na ako ng taxi at pumunta sa isang restaurant. Isa itong magandang pagkakataon na hindi ko pwedeng palagpasin.
Umupo ako sa isa sa mga upuan habang hinihintay si Sir Matthew Cleo. Hindi na ako makapaghintay. Ang galing naman. Mabuti pala pinakanta ako ni Raven no'ng nasa night market kami dahil madi-discover pala ako.
Mga limang minuto ang nakaraan nang may pumasok sa pintuan na isang lalaki at tila ba parang may hinahanap. Nagtagpo ang mga mata namin.
"Jean, right?" tanong niya nang makalapit sa akin.
"O-opo." Ngumiti ako at tumango.
"I am Matthew Cleo, a music producer. Thank you for being here." Nakipagkamay siya bago umupo. Umorder rin siya ng pagkain.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Maayos ang pananamit niya. Base sa tindig at pagngiti, propesyonal na propesyonal.
"As I was saying on the phone, I witnessed how good a singer you are. Actually, I have a video of yours."
Pinakita niya ang cellphone niya at tama siya, may video nga niya ako. Natutuwa naman ako na may humahangang isang producer sa akin.
"I am here to offer a proposal—a contract for seven years. Meaning, you should not go out of the country while the contract is effective. But before that, we need to record a single tape for promotion. I have my song ready and am just looking for the perfect singer to sing that masterpiece. And I was happy because I am so lucky to find you."
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Nag-uumapaw ang kagalakan sa puso ko. Tila ba nasagot ng Diyos ang panalangin kong bigyan ako ng dahilan para hindi umalis.
"If you're into this project, here is the address of my studio."
Matapos ang usapan namin, nagpaalam na rin siya. Nakatingin lamang ako sa business card na ibinigay niya sa akin. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko na tumili dahil sa kilig.
Bumalik na ako sa school at hindi ko namalayang lunch break na pala. Dumeretso na ako sa cafeteria kung saan naroon si Karen at Maine. Pareho silang nakataas ang kilay nang makita nila akong paparating.
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...