Naramdaman ko ang pagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko habang pinupunasan ang mukha. Ramdam ko rin ang kirot sa likod ng ulo ko. Hinawakan ko iyon at halos manginig ang kamay ko nang makita ang dugo na nagmumula roon.
“She’s awake.”
Narinig ko ang boses ng isang babae. Naaninagan ko ang tatlong tao sa harapan ko. Xyrah? Tricia at Nicole?
Nasaan ako?
Ipinaikot ko ang tingin ko sa buong paligid. Nasa c.r. ako at kasalukuyang nasa sahig; nakasalampak. Nanginig ang mga kamay ko nang makita ang nagkalat na dugo. Mula ba iyon sa akin?“Mabuti, so she’s aware of things that we’ll do to her. Did you lock the door?”
“It will be more suspicious if I do.”
“Then you want someone to see me do this? Are you fucking kidding me? Shut the door!”Isinara ni Tricia ang pinto. Samantalang nasa harap ko si Xyrah.
Muli nila akong binuhusan ng tubig ngunit kung kanina ay malamig iyon, ngayon ay mainit na at madumi—mabaho. Nakita kong galing iyon sa pinagpigaan ng mop at si Nicole ang nagbuhos sa akin.“Look! It fits you! Tutal asal kanal ka naman!” rinig kong komento ni Xyrah. Tsk. Kung makapagsalita, akala mo hindi sarili ang tinutukoy.
“Did you see how boastful she is kanina? Akala mo kung sinong matalino porque nasasagot niya all of the riddles of Professor Villacrusis wrote on the board.”
“I witnessed it, Xyrah. Akala niya naman totoong mahirap para sa ating sagutin ang mga tanong na iyon. Look, how Sheen easily answered the last riddle.”
Nagsitawanan naman silang dalawa na tila ba naliligayahan sa kanilang nasasaksihan. Samantalang naroon lang si Tricia sa may pintuan at pinanonood kami. Mga demonyo. Wala sa ilalim ng lupa si satanas dahil ngayon, kaharap ko na ang mga kalahi niya.
Napaubo ako pero pinilit kong tumayo. Bakit ang liit-liit ng tingin nila sa akin? Naliliitan na nga ako sa sarili ko, lalo pa nila akong minamaliit. Porque ba ayaw kong lumaban? Tutal nakasara naman ang pinto, bakit hindi ko sila bigyan ng isa?
Tumakbo ako papunta sa kanila at sinigurado kong madadaitan sila ng damit kong marumi. Ang pinakaayaw pa naman ni Xyrah ay ’yong nadudumihan siya dahil ika niya, siya ay pinanganak na walang bahid ng dugo kaya ayaw niyang madudumihan ng kahit na sino. Ngunit agad din akong natigil sa pagganti ko nang may humila ng buhok ko.
“Hayop ka! How dare you touch me?”
Kasabay no’n ang malakas na sampal sa pisngi ko. Napahiyaw ako sa sakit. May humila na naman ng buhok ko at mabilis akong nginudngod sa lababo na puno ng tubig.
“Masyado kang palaban! Hindi mo alam kung sinong binabangga mo! Sino ka para landiin si Raven?”Natigilan ako sa tanong ni Xyrah. Iyon ba ang dahilan kung bakit ginagawa nila ito sa akin? Akala ko ba si Kurt ang gusto niya? Bakit si Raven naman ngayon?
Inangat nila ang ulo ko kaya nagkaroon ako ng tyansa na makapagsalita. “Hindi ko nilalandi si Raven! Kaya pwede ba? Tigilan niyo na ako! Bakit ba ang init-init ng dugo mo sa ’kin?”
Mas hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok ko kaya mas lalo akong napapangiwi dahil iyon na nga ang tinira nila kanina noong hampasin nila ang ulo ko, iyon pa ang pinupuntirya nila ng sabunot.
“Dahil isa kang basura sa university ko! Kinaibigan mo pa si Karen. Akala mo ba makakaligtas ka na sa ’kin? Of course, not! Galit na galit ako sa mga ahas na katulad niyo! Magkaibigan nga kayo! Pareho kayong mang-aagaw!”
Muli niya akong nilunod sa lababo. Mas matagal kumpara kanina. Ramdam kong nauubusan na ako ng hininga. Maging ang tuhod ko’y nanghihina na rin. Wala na akong lakas lumaban. Nahihilo na ako. Dumidilim na ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...