Chapter 46

1.9K 47 0
                                    

Tapos na ang party pero ni anino ni Raven, wala. Nakaupo ako rito sa labas ng Grand Hall ng hotel kung saan ginanap ang debut ko habang hinihintay siya pero hindi pa rin siya dumarating. Nasa'n na ang pangako niya? Nakalimutan niya na ba?

Tiningnan ko ang oras mula sa cellphone ko. 11:45 p.m.

Labing-limang minuto bago tumuntong ang panibagong araw.

"Hed, halika na muna sa room natin. Magpahinga muna tayo," yaya sa akin ni Karen. "Baka bukas na siya makauwi, Hed."

Umiling ako. "Ang sabi niya pupuntahan niya ako bago matapos ang araw na ito. Nangako siya."

"Try mo kayang tawagan?" tanong naman ni Maine.

"Ayoko. Iniwan niya ako. Bakit ako ang tatawag sa kaniya? Ako ang girlfriend niya pero bakit ako pa 'yong kailangang mag-adjust?"

Napabuntong-hininga sila. "Kung gusto niyo nang magpahinga, okay lang. Pero hihintayin ko si Raven hanggang alas dose. Kung hindi siya dumating, iisipin ko na talagang mas mahal niya si Sheen kaysa sa akin."

Nagkatinginan silang dalawa at kapwa napahawak sa batok.

"Kapag kailangan mo kami, tawagan mo lang kami, Hed."

Nagpaalam na sila sa akin.

Muli akong bumuntong-hininga. Hindi ko alam na hindi ako magiging masaya sa araw na ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobra-sobrang pagkainis.

Nilapitan na rin ako ni mama at kuya pero sinabi kong mauna na sila sa kwarto. Susunod na lamang ako.

Muli kong tiningnan ang relo. Napapikit ako nang makita ang apat na zero. Tapos na ang araw ko. Padabog akong naglakad papunta sa kwarto ko habang may dala-dalang bigat sa loob. Hindi ko maiwasang malungkot. Bakit hindi siya dumating? Ano bang ginagawa niya at nagtagal siya nang ganoon do'n?

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Sadya yatang wala akong laban sa babaeng 'yon. Hindi man lang nagdalawang isip si Raven. Inuna niya pa talaga si Sheen. Nakakasama ng loob.

Hawak ko na ang doorknob ng kwarto namin nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko 'yon sa pag-asang si Raven ang makikita ko ngunit ibang tao.

Ang taong matagal ko nang hindi nakikita.

Ang taong matagal ko nang hinihintay.

Ang taong umiwan sa 'kin noon...

Nagbalik na siya.

"L-lorenz..."

"Abot pa ba ako? Happy Birthday, Jija..."

Mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kaniya. Ang taong una kong inibig na siyang naging dahilan kung bakit hindi ako naniniwala sa forever, pagka't iniwan niya ako. Narito na siyang muli. Narito na si Lorenz.

Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa ring paramdam si Raven. Naiinis ako dahil nakikita niya ako pero iniiwasan niya lang ako na parang hangin. Ano niya ba ako? Wala na ba kami? Ang sama-sama na ng loob ko sa kaniya. Ako 'tong iniwan niya sa ere, siya pa 'tong mataas ang pride na hindi humingi ng tawad sa akin.

"Jija, okay ka lang?"

Tanong sa 'kin ni Lorenz habang nagmamaneho siya. Ihahatid niya na muli ako sa South Middleton University.

"Ang tagal nating hindi nagkita. Mukhang marami ka nang ipinagbago," wika niya. Ngumiti ako.

"Oo naman! Marunong na akong makaintindi ng English, eh!"

Kumunot ang noo niya. "Ha? Dati pa naman."

Ako naman ang kumunot ang noo. "Dati pa?"

Tumango siya. Weird. Hindi ko matandaang magaling ako sa English dati.

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon