"Welcome to our first of three-day Sports festival South Middletonians!" bungad ng beki master daw ng seremonya. Injerness, ang gwapo niya. Ay, ba't naman kasi—? So sayang!
Malakas na hiyawan at palakpakan ang hindi ko naririnig kasi nabibingi na ako sa kanila. May mga drums pang dala. Hindi pa ba sapat na may eardrums sila? 'Yon na lang sana ang pinagpapalo nila kung gusto nila ng ingay. Nako! Walang mga common sense! Pautangin ko kaya sila? Sagana ako do'n eh.
"Hoy, Hed!"
Kumunot ang noo ko nang may isang magandang babaeng sumulpot sa harap ko. "Sino ka? Bakit mo 'ko kilala?" tanong ko.
"Nye? Si Maine 'to 'no? Para kang tanga."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Weh? Si Maine nga ba 'tong nasa harap ko? Bakit mukha siyang mabango? Char, bakit mukha siyang artista?
"Hindi nga?" paninigurado ko pa.
"Oo nga! Parang kaunting make-up lang, eh hindi mo na ako nakilala. Teka, nakita mo na ba si Karen?"
"Hindi, eh."
Teka, nasa'n na nga ba si Karen?
Luminga-linga kami para hanapin si Karen. Sobrang daming tao ngayon ang nasa field na kapwa makikita sa mukha ang excitement. Paano ba naman, lahat nandito mula elementary students hanggang college. Tapos may kani-kaniya ring parada kaninang umaga.
"Ngayong umaga, ating sisimulan ang programa sa Cheerdance Competition. Excited na ba kayo?"
Muli ay naghiyawan na naman ang mga estudyante. Nagpaalam na rin si Maine sa akin dahil una raw silang magpe-perform.
"Our first participant! From the college of beauty and brain! Let's give it up for the College of Hospitality Management and Tourism!"
Lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo nang makita ko si Maine sa gitna ng field. Nakipagsiksikan ako hanggang sa nakapunta ako sa may unahan. Dala ko ang luma kong DSLR at sinimula ko nang kuhanan siya ng litrato. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang gaganda ng mga kuha kong litrato dahil una sa lahat maganda ang kinukuhanan ko. Totoong nakikita ang tunay na kagandahan 'pag candid.
Ni-video-han ko rin siya. Paano ba naman? Ang galing-galing niyang sumayaw. Nasaan na ba kasi si Karen? Hindi tuloy niya nakikita kung gaano kagaling sumayaw sang kaibigan namin.
Napalingon ako sa humawak sa balikat ko. "Grabe ka, Karen. Akala ko kung sino."
"Sorry, late ako."
Pinanood namin si Maine habang sumasayaw siya kasama ng ka-grupo niya. Dahil nga sa galing niya napapasigaw rin kami ni Karen. Kembot doon, kembot dito. May patalon-talon pa. Exhibition ata 'yong ginagawa nila. May hinahagis at bumubuo sila ng mga pyramid.
Nagsisitayuan ang mga balahibo dahil sa galing nilang sumayaw. Totoong sabay-sabay! Malinis! Halatang praktisadong-praktisado bawat routine. Kinakabahan nga ako kapag si Maine na 'yong ta-tumbling sabay sampa sa balikat ng mga kagrupo niya.
Pagkatapos nilang sumayaw ay sumunod na ang iba't ibang college na kasali sa kompetisyon. Pumunta sa 'min si Maine at sinalubong namin siya ng yakap. Kaliwa't kana ang mga pagbati sa kaniya
"Mag-picture tayong tatlo! Dali!" yaya ko sa kanilang dalawa. Sige naman kami sa kuha ng litrato na para bang wala nang bukas. Mapupuno ko na yata itong sd card ko.
"Anong oras ang laro mo, Karen?" tanong ni Maine.
"Ten o'clock."
Tiningnan ko ang relo ko. "Uy, malapit na, ah! Tara na!" pagyaya ko sa kanila sabay tayo. Maglalakad na sana ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. May nag-text?
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...