Malakas na hiyawan at palakpakan ang pumuno sa loob ng gym. Tiningnan kong muli ang scoreboard. Hindi pa rin ako makapaniwalang umabot 'yong bola bago mamatay ang lahat ng kuryente. 98-99 ang score at panalo sila Raven sa practice game.
Hindi namin napigilang tatlo na magyakapan at magtalunan sa tuwa.
"Nanalo sila! Grabe! Nanalo sila!" sigaw namin.
"Akala ko matatalo sila! Ang dadaya naman kasi ng mga chakang kriminal, eh! Buti na lang talaga!"
"Mabuti na lang magaling si Kurt magbuhat!"
Inirapan namin siya ni Maine.
Unti-unti nang nagsilabasan ang mga estudyante kung kaya't sumunod na ako sa kanila. Si Karen naman ay pupuntahan daw ang jowa niya samantalang si Maine ay makikiusyoso. Asus! Sisilay lang siya kay Clark, eh!
"Sige, mauna na ako," paalam ko sa kanila. Ngumiti sila sa akin at tumango. "Ingat ka, Hed!"
"Kayo rin!" Nagsimula na akong maglakad. Naramdaman kong may gumulo sa buhok ko kaya napalingon ako sa likod.
"Thank you," wika niya sabay lakad deretso palayo sa akin.
Sinundan ko siya ng tingin. Bakit siya nagpapasalamat? Wala naman akong ginawa.
Umuwi na lang akong mag-isa. Pagkatapos kong maghapunan ay pumunta na ako sa kwarto ko at humiga ako sa kama ko. Nagsimula na naman akong magmuni-muni.
Ibig sabihin, wala na talaga sila ni Sheen? Natauhan na ba siya?
Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko. Tama bang matuwa ako? Ewan.
Kinabukasan, inaasahan ko pa namang makikita ko na si Raven at makakasabay ko na siya sa pagkain pero hindi pa rin pala. Nalungkot ako. Teka, bakit ba ako nalulungko? Mabuti nga para hindi ako malasin.
Sandali, nakita ko siya kahapon pero bakit hindi ako minalas? Nawala na ba ang sumpa?
"Akala ko ba sasabay na sa atin si Raven? Bakit wala siya?" tanong ni Clark kay Kurt.
"Hindi ba siya nag-text sa 'yo? May sakit raw siya kaya hindi siya makakapasok. Siguro dahil rin 'yon sa injury na natamo niya kahapon sa practice game."
Napatigil ako sa pagkain ko. May sakit si Raven?
Naalala ko bigla ang paglakad niya kahapon. Tama, kaya pala napansin kong iika-ika siya.
"Gano'n ba? Hindi niya nasabi sa 'kin. Pupunta ka?"
Umiling si Kurt. "Malaki na 'yon."
Hindi ko alam kung bakit tinaas ko 'yong kamay ko kaya napatingin sila sa akin. "Ako. Pupunta ako."
Bumalik sa alaala ko ang pag-uusap namin noon. Wala siyang magulang para magbantay sa kaniya kapag may sakit siya. Paano pala kung hindi siya makalakad?
"Nababaliw ka na ba, Hed? May klase pa tayo. May long quiz din tayo mamaya sa English," paalala sa akin ni Maine pero hindi ko siya pinansin. Buo na ang loob ko. Pupuntahan ko si Raven.
"Kaso, hindi ko alam ang bahay ni Raven. Saan ba 'yon?" tanong ko kina Clark.
"I can't believe you, Hed. Alam ko, sinabi ko noon na kapag naghiwalay na sila sunggaban mo na siya pero iba 'to. Delikado ka na kay Professor Castillo tapos ipagpapalit mo 'yong long quiz para sa kaniya?"
"Paano kung mas kailangan pala tayo ni Raven?"
"Baliw ka na, Hed. Hindi ako makapaniwala sa 'yo."
"Babawi na lang ako sa exam. Pangako."
BINABASA MO ANG
With You Forever (Forever Series #1)
Teen FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in kimtaehyung, #231 in teenfic, #236 in teenfiction, #20 in teen, #33 in comedy-romance This book was...