Chapter 6

2K 90 73
                                    

Parehas kaming nasa clinic ngayon dahil sa kamanyakan n'ya. Hindi s'ya magaling mag-balance kaya ganito ang nangyari sa akin. Ang sakit talaga, promises.

"Kasalanan mo 'to, eh!" sigaw ko sa kaniya. "Akala ko mabuti kang tao, manyak ka pala!"

"Pwede ba? Tumahimik ka muna?"

Tsk.

Nakahiga kami sa magkaibang kama habang napapagitnaan ng kurtina. Hays, ang gusto ko lang naman ay makauwi na. Bakit mapapadpad ako sa clinic?

"Ayan, marunong ka naman palang makinig."

"Tsk. Kung hindi ka kasi nagpresintang ipasan ako, eh 'di, sana pareho tayong wala rito," asik ko.

"Ikaw na nga 'tong tinulungan. Ikaw pa ang may ganang magalit? Wala ka bang utang na loob?"

"Meron, pero hindi ko matanaw."

Nagulat ako nang hawiin niya ang kurtina. Nakatayo siya sa tabi ng kama ko habang nakatingin sa akin nang masama.

"Ang hirap makipagtalo sa walang utak."

Napabuga ako. "Ako? Walang utak? Anong tawag mo rito?" Tinuro ko ang ulo ko.

"Kabobohan."

"Ah, gano'n?"

Tumayo ako para sakalin siya pero sinasanggi niya lang ang kamay ko. "Napakasama talaga ng ugali mo!"

"Nagsalita ang hindi?" sarkastiko niyang tugon.

"Wow, ang yabang mo, ah! Sasakalin talaga kita para mabura ka na sa Earth!"

"Hindi mo nga alam ang spell ng Earth, eh."

Lalo akong nanggalaiti sa galit. So, alam niya na ang kahinaan ko? Kaya ba nagta-Tagalog na siya? Ang yabang talaga ng taong ito! Bakit sa dinami-rami ng magliligtas sa akin, bakit ito pa? Dito pa sa mokong na 'to ako magkakaroon ng utang na loob!

"Tumigil ka na! Isa!"

Pero hindi ako sumuko. Isang sakal lang, patay na talaga 'to sa 'kin.

"Hindi ka titigil?"

Hinawakan niyang pareho ang kamay ko tsaka ako inihiga sa kama. Dinaganan niya ako.

Napakurap ako nang ilang beses nang makita ang sitwasyon naming dalawa. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makahinga.

"Ano? Salita."

Paano ako magsasalita? Kung sa pagbuka ng bibig ko tatamaan ko ang labi niya.

"Imik," banta pa niya.

"Ito lang pala magpapatahimik sa 'yo, eh."

Mapaglaro ang tingin niya pati na rin ang mapanudyo niyang ngiti. Napalunok ako. Naaamoy ko 'yong mabango niyang hininga. Shems.

"Hayaan mo, hindi na kita ililigtas o tutulungan sa susunod," sambit niya.

"O-okay lang! Hindi kita kailangan! Mas lalong lumalala ang mga bagay 'pag lumalapit ako sa 'yo." Pinilit kong hinaan ang boses ko para maiwasan ang mga labi niya.

"Hindi mo ako kailangan? Bakit sunod ka nang sunod sa akin kanina?"

"Bakit ba ang dami mong tanong? Bitiwan mo nga ako!"

"Paano kung ayaw ko?"

"Ah, gano'n?"

Malakas kong inumpog ang ulo ko sa ulo niya dahilan para mapangiwi siya sa sakit. "Fuck! Why did you do that?"

Napahawak din ako sa noo ko. Sakit no'n, ah.

"Why is it always my forehead?"

Magpapatayan na sana kami nang may magsalita sa harap namin.

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon