Nicole's POV
"Enter, papasok." Sabi ni Michael na Liner ng grupo ni Lyanne.Ako si Nicole Lamadrid , Class President ng 9-Acacia.
"Guys,Pasok na daw tsaka gabi na.Naglalaro pa rin kayo. " sita ni Aira, ang transferee.
"Oo nga,Start na ng Retreat,Guys!'Yun na lang ang laruin niyo. " sabi naman ni Janica
Pumunta na nga kami sa quadrangle kung saan gaganapin ang Retreat. Ang retreat ay isang laro kung saan itetest ang speed and knowldege mo. Dito makikita kung magaling ka sa mga logic games. Yes, yan ang main event ng camp na to.
"Alam niyo naman na ang larong ito diba?" Sabi ni Sir Mapeyra,Ang aming guro. Maraming mga kaklase ko na galit sakaniya sa hindi ko malamang dahilan. Siya pa naman ang favorite teacher ko.
"Yes,Sir." Sabay-sabay naming sabi.
"Pero para sa mga freshmen at first timer sa camp ipapaliwanag ko ulit, Lights off ang game na ito —" Naputol ang sasabihin ni Sir nang magsalita ang isang freshman.
" 'Di ba it's too dangerous to walk out there without lights?" Maarteng tanong ng isang freshman.
"Pero may flashlight naman na ibibigay sa inyo." Sabi ni Sir para makampante na 'yung freshman na 'yun.
"So as I was saying,May flashlight kayo individually.By section ang groupings.May hahanapin kayong flag pero hindi namin sasabihin kung anong kulay.May mga isosolve rin kayo at hahanapin niyo 'yun.Mga simple logic questions lang naman kaya alam kong masasagutan niyo iyon agad-agad,Kada may masasagot kayo may mga clue sa likod kung saan ang next destination. The big question is ARE YOU READY?" mahabang explanation ni Sir Mapeyra .
"Yes,Sir!"Ganadong sabi ng lahat.
"No retreat."
"No surrender. " Sabay-sabay na sabi namin.Nagstart na kaming kumuha ng mga flashlight at inabangan namin na sasabihin ni Sir kung saan ang first destination.
"Listen Kiddos, binago na ang tradition sa pagsimula ng game." Seryosong sabi ni Sir.
"Ano po yun Sir?" Ako na ang nag initiate na magtanong
"Cat.Octopus.Monkey.Penny.Dot as it is.Ladder.Apple.Bible."
At iniwan niya kaming nakatulala sa mga salitang iniwan niya. What does he mean?
"Nakasinghot ba si Sir ng katol?" Tanong ni Paolo.
"My God!We hate drugs.Oplan TOKHANG is now activated." Pahayag ni Kurt.
"Wow,Improving.Ilang araw mo 'yang pinagpraktisan?" Tanong ni Kris.
"Isa." Pagmamalaki ni Kurt.
"Isang araw lang?" Gulat na tanong ni Joza.
"Isang linggo Hihihi~"
Umiling-iling ako.Lakas talaga ng sapak neto.
"Nicole anong idea mo?"sabi ni Rolyn.
"Nalilito nga rin ako eh."sagot ko.
"'Di mo ba napapansin, hindi sinabi satin ang first destination. "sabi naman ni Claire na mukhang naguguluhan din.
"Oo nga 'no?Pero sabi ni Sir binago ang tradition,The traditional start of retreat is by saying where the first destination is." Sabi naman ni Joanne.
"Tingin mo connected yun sa sinabi ni Sir?"tanong ni Clarice, ang kakambal ni Claire.
"Siguro." Tipid kong sagot.
"Be Ready Guys, Lights off na. ".sabi ni Piabebe este Pia.
Nag-iisip parin ako kung saan.I think connected talaga ang mga sinabi ni Sir .
"What if hanapin natin kung saan nakalagay ang mga bagay na 'yan?" Suggest ni Jancy.
"Saan natin hahanapin 'yung dot? Saka si Lollipop lang ang pinayagang makapasok kasi kinausap ng parents ni Danzell ang principal at allergic si Ms. Principal sa mga hayop."sabi ni Zarry.
"You have a point there.Speaking of Lollipop..Danzell,Nasaan na nga pala si Lollipop?"tanong ni Bryan.
"Ewan ko ba sa asong 'yun masyadong gala, baka nasa tabi-tabi lang yun." Sagot ni Danzell.
"S-sa tingin ko,Mga c-capitals yung kukunin para m-malaman yung first destination saka 'yung dot as it is,D-dot lang t-talaga." Sabi ni Joel.Siya yung pinakamahiyain sa amin kaya nagulat ako nung nagsalita siya.
"Ang galing mo Joel. " sabi ni Keziah na manghang-mangha.
Cat
Octopus
Monkey
Penny
.
Ladder
Apple
Bible
"COMP.LAB." Sabi naming lahat pero 'di namin masyadong nilakasan dahil maririnig ng kalaban namin.
"Ito na yata 'yung Notepad."tinuro ni Angela yung ilalim ng lamesaNagsilapitan kami sa kanya pero hindi ko makita yung question.
"Lyra basahin mo nga yung question." utos ko.
"Skin as white as snow, Lips as red as blood, Hair as black as ebony."Malakas na pagbasa ni Lyra.
Napaisip kaming lahat, familiar lahat ng words. Saan ko ba yun narinig?Napatingin ako kay Joza na mukhang alam na niya ang sagot.
"Snow White." Sabi ni Joza.
"Oo isagot mo dali. " utos ni Paolo.Tinipa na ni Wyne yung sagot sa Notepad,We call it Notepad dahil mukha itong Notepad pero isa itong tablet.Ito ang sinusulatan namin ng sagot.Kapag tama yung sagot automatic na lumalabas ang next clue para sa next destination.
"Tama,We just have to wait for a few seconds." Sabi ni Wyne.We waited for a few seconds para malaman namim ang clue sa next destination.Agad kaming nanlumo nang makita ang clue.
"WTF,What is this thing?" Sabi ni Nica habang tinitingnan ang bilog sa screen.
"Wait,It kinda look like a logo.Parang nakita ko na 'to somewhere—in the school to be specific."Sabi ni Kathlene.Inisip ko rin kung saan nagsimula dahil pamilyar nga ito.
"Sa gitna ng quadrangle."Sabi ko nang mapagtantong ito ang logo ng school.Hindi namin na-realize agad dahil walang "SA" na nakalagay.Habang papunta kami sa gitna ng quadrangle may narinig kaming umiiyak na aso at the same time sigaw ng isang lalaki.
"Guys narinig niyo ba yung sigaw?" Sabi ni Jhonalyn habang humihingal pagkatapos niyang tumakbo.
"Oo parang aso na tao na ewan,Ito nga oh." Sabi ni Desirie.Meron siyang hawak na cellphone at may pinindot siya.Narinig na naman namin ang sigaw.Narecord niya siguro.
"Request kaya tayong lights on muna para makita natin 'yung nagyayari."Sabi ni Philip.
Pumayag naman si Ma'am Abecedo at inutos na lights on muna.Sa pagbukas ng ilaw nakita namin ang lahat .
Dugo
"Lollipop!" Sigaw ni Danzell.
May nakaagaw ng aking pansin...Isang flag na may nakasulat
'ALPHA OMEGA'
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mystery / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?