EI:Dating Him

76 8 1
                                    

Aira's POV

The day went well pero hindi pa rin nawawala ang masamang tingin sa akin ng mga kaklase ko.

I need a distraction para hindi ko na maisip ang kaguluhang ito.Napatingin ako bigla kay Briton.

"Date Me,Please?"

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko.Hindi ko pa pala nasasagot ang tanong na 'yan.Agad ko siyang nilapitan.

"Yes." Sabi ko nang nasa harap na niya ako.

"For what?" Nalilito niyang tanong.

"I'll d-date you." Sabi ko habang hindi makatingin nang maayos sa kanya.Napangiti siya at bigla na lang niya akong hinila.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hinihil--kinakaladkad niya ako.

"Basta." Lalong lumawak ang ngiti niya. Ang gwapo niya.Bakit ngayon ko lang na appreciate 'tong lalaking 'to?

Nakarating kami sa rooftop ng isang lumang building.Tanaw na tanaw ko ang mga building mula rito.

"Ang ganda." Hindi ko maiwasang mamangha.

"Mas maganda ka." Biglang sabi nitong katabi ko.

"H-ha?" Tanong ko.

"A-ah Wala." Sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.

Naging awkward bigla ang atmosphere at wala ni isa sa amin ang nagsasalita.After some minutes,nag-decide na siyang magsalita.

"Ang cute mo pala matulog.Nakanganga." Sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

"Tse! Walang basagan ng trip." Sabi ko sa kanya.

"Hindi nga.Walang halong biro.Ang cute mo 'pag tulog." Sabi pa niya.

"So cute lang ako kapag tulog?" Tanong ko pa sa kanya.

"Yes because you're beautiful when you're awake." Pakiramdam ko nangamatis na ang buong mukha ko.

"M-may itatanong sana ako." Tama.Iibahin ko na lang yung topic namin kasi masyado nang nagiging awkward.

"Yes?"

"Isa ka ba sa killer?" Nahalata kong nagulat siya ngunit bumawi naman siya sa pamamagitan ng pagngisi.

"Paano kung sabihin kong Oo?" Sabi niya habang lumalapit sa akin.Umatras ako at sa pag-atras kong iyon ay 'di ko namalayan na malapit na pala akong mahulog.

"Hindi ko alam na magaling ka pala mag-observe.Tama ka,Aira.Tama ang hinala mo." Sabi pa ni Briton.

"Paano mo ito nagawa?Akala ko mapagkakatiwalaan kita." Nanghihina kong sabi.

" 'Yan ang mahirap sa'yo eh.Madali ka magtiwala kaya madali kang mauto." Dagdag pa niya.

"Katapusan mo na."

Katapusan ko na nga ba?

Someone's POV

"Kailan mo ba balak patayin si Ysabelle?" Tanong ng isang babae.

Napaisip ako.Kailan nga ba?

"Oo nga.Nakakapagod maging alalay niya ha." Sabi ng isang tinatago ang totoong pagkatao.

"Nakakainip na." Sabi ni Michael.

"Malapit na.Konting tiis pa.Kailangan pa natin siya upang maisagawa ang mga plano natin." Sabi ko.

Malapit na,Ysabelle.Matitikman mo na ang kamatayan mo.


-----------------------------

Pasensya sa typo's
Thank you for reading!

~MCB♥






Enter In:Northbridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon