Aira's POV
"Pero hindi pa ako sigurado." Pagpapatuloy pa ni Nica.
May tyansang tama ang hinala ni Nica....na si Danzell ay isa sa killer.Akala ko nilibing na niya si Lollipop?
**
NAGSIMULA na ang party.Sa halip na ma-excite ako ay takot ang nararamdaman ko.What if may mamatay ngayon?
"Guys,Time for exchange gifts na! Geez,I'm so excited." Hyper na sabi ni Pia.
"Ako na mauunang bumunot."sabi ni Philip at kumuha ng papel. "Men and women are merely players.They have their exits and entrances."
Sa tingin ko naman ay nakuha niya dahil may lugar siyang pinuntahan.Kinuha niya mula roon ang paperbag at masayang umupo sa pwesto niya.
Sunod na bumunot si Joza hanggang si Pia na ang bumunot.
"Oh My Gee ! Me is bubunot na." Sambit niya at bumunot na ng papel habang nakatapal sa kanyang mukha ang malawak na ngiti.
"We call it Black but It's Green."
Binasa niya iyon ng malakas at tila tuwang-tuwa pa,ngunit unti-unting nawala ang ngiti niya.Napangisi ako. Hindi niya gets.
"Guys,Did you get it ba?" Tanong niya sa amin.Umiling kaming lahat.
"Blackboard." Sabi bigla ni Kathlene.
"Huh?"Tanong ko.
"Tinatawag natin itong Blackboard pero color Green siya.Why not,Greenboard right?" Sabi niya."Subukan niyo,Malay niyo tama ang sagot ko."Pagpapatuloy niya.
Napaisip kaming lahat.Tama nga naman.Pero,May isang problema......
"Wala tayong Blackboard." Sabi ni Joel.
"Paikutin niyo yung Whiteboard natin.Blackboard ang likod niyan." Utos ni Nicole.
Agad naman itong sinunod ng boys.Bumungad sa amin ang maraming buhok na nakapaskil sa Blackboard.
"How nice naman.Look at that.Can you tell me nga na this is just a prank kasi it's nakakatakot na." Reklamo ni Pia.
Hindi na namin siya inintindi dahil unang-una,Nakakairita ang boses niya.Sinuri na lang namin kung ano ang nasa Blackboard.
L
Letrang binubuo ng mga buhok
At the back
Pangungusap na nasa ilalim nito.
Agad na nagkumpulan ang mga kaklase ko sa harapan at tumingin sa likod ng Blackboard pero may teorya na ako.Alam kong wala pa sila dito.Walang maingay eh.
"Aaaaaaahhhhhhhh." Nagulantang ang lahat nang biglang may sumigaw.Pumunta kaming lahat sa likod ng classroom namin kung saan namin narinig ang sigaw.Nagmula pala ito kay Wyne na nakatulala sa isang direksyon.
Sinundan ko ito at agad kong nakita sila Loren, Lyanne at Lyra.Ang mga buhok na nasa Blackboard ay pagmamay-ari pala nila.Puno ng pasa ang kanilang mukha at higit sa lahat nakatahi ang bibig nila.
"Nakakatakot na!!Ayoko na!Lilipat na lang ako sa ibang school."Sigaw ni Joza.
"Kahit lumipat ka pa.Mahahabol at mahahabol ka pa rin nila.Wala na tayong takas sa larong ito."Sabi ni Joanne kay Joza.
May naaninag akong bagay na maliwanag.Dinampot ko ito.Gunting lang pala.Kumislap ito dahil nasinagan ng araw.Hindi ko alam kung anong koneksyon nito dito pero ipinakita ko pa rin iyon sa kanila.
"Baka yan yung ginamit para gupitin yung buhok nila."Komento ni Janica.
"Imposible dahil malinis yung pakakagupit.Wala ngang ni isang hibla ang natira."Sabi ni Clarice.
"Humingi na kaya tayo ng tulong kay Detective Lawliet." Suhestiyon ni Kurt.
Sumang-ayon na kami sa kanya dahil wala na kaming pagpipilian.
Matapos ang tatlumpong minuto ay nakarating na agad siya.Sinuri niya ang mga bangkay.
"May nakita ba kayong bagay dito sa pinangyarihan ng krimen na kahina-hinala?" Tanong niya.
Agad kong inabot ang gunting.Inabot niya naman ito at mataman itong tiningnan.Ginupit niya ang sinulid na nakatahi sa bibig nila Lyra.Ibinuka niya ang bibig ni Lyanne at may dinukot na plastic,Ganun din ang ginawa niya kay Loren at Lyra.Walang bahid ng takot at pandidiri habang kami ay masuka-suka na.
Tiningnan namin ang bagay na iyon na Ziplock pala.May laman itong papel.Binuksan iyon ni Detective Lawliet.Inayos niya ito dahil nahati iyon sa tatlong bahagi.
Why are they always like that?
Making me important
But treating me like a rat
I thought this is what I wantThey think I'm strong
They're actually wrong
The truth is I'm weak
Which is making me sickI suffered a lot
And I'd rather choose to rot
I'm tired of hiding my sorrow
And pretend to be someone's shadowI surrender and I don't care
If they think I'm coward,I just wanna be free
I want to wake up from my nightmare
What would my life could be if I chose to listen than to see?"Kilala niyo ba kung sino ang may gawa nito?" Tukoy ni Detective Lawliet sa tula.
Natahimik ang lahat hanggang sa magsalita si Pia.
"S-si Kim."
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Misteri / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?