Aira's POV
Tiningnan kong muli ang mga batong nasa lupa na may pormang 'X'.Masyado siyang obvious.Hindi kaya may nakakaalam ng tungkol dito bukod sa amin?Pinapadali niya ba ang lahat para matapos na ito?
"Let's start." Sabi ko at nagsimula nang maghukay.Madali lang naming nakuha 'yung Time Capsule dahil hindi naman ito masyadong ibinaon sa lupa.
"Ito na siguro 'yun."Binuksan ko ito at lumantad sa akin ang mga pahina ng notebook.Ang dami nito na parang araw-araw siya nagsusulat.
Hindi ko alam na 'yung mga taong akala kong kaibigan ang siyang tatraydor sa akin.
Iyan ang nakasulat sa unang pahina na nabasa ko.Nagsalubong ang kilay ko.Mas mapapadali siguro kung nilagyan niya ng pangalan.
My bestfriend is miserable because of me.I didn't know that she hates me a lot.Hindi ko alam na naagaw ko na pala sa kanya ang lahat.I'm sorry.
Nagkatinginan kami ni Briton.Mukhang alam niya kung sino ang tinutukoy dito
.Naisara ko ang kahon nang makarinig kami ng ingay.Bigla akong ginapangan ng kaba.
Nakita ko lang naman ang taong matagal nang patay.
*******
Tinanghali na ako ng gising dahil sa kaiisip sa taong nakita ko.Akala ko ba patay na siya? Hindi sa hindi ako natutuwa.Syempre may parte sa akin na masaya dahil buhay siya at masasabi niya sa akin kung sino ang salarin pero hindi ko pa rin maiwasang magduda.
Tiningnan ko ulit ang Time Capsule na nasa lamesa ko.Nagtatalo ang isip ko kung dadalhin ko ba ito.Sa huli ay naisipan kong dalhin ito.Sa Resthouse ko na lang babasahin.
Binilisan ko lang ang pagligo at pagbihis,Baka naghihintay na sila doon.Ayaw ko pa namang nalalate.
Pagdating ko doon ay kakaunti pa lamang kami.Tanging sila Danzell,Wyne,Joza,Joanne,Briton at Kris pa lang.Nakumpleto lang nang malapit nang mag-alas otso.Talaga nga naman.Mga Filipino Time.
Joanne's POV
"Hey guys!" Bati ni Clarice kasama si Claire.Pareho silang may dalang bag na ang pinagkaiba lang ay kulay.Sunod na dumating si Kurt.
"Kanina pa kayo?"Sabi ni Kurt.Napairap si Joza at si Danzell naman ang sumagot sa kanya.
"Kararating lang rin namin.Hindi kami naghintay ng 30 minutes." Sarcastic na sabi ni Danzell.
"Okay,Buti naman 'di ako na-late."Sabi ni Kurt.Pfft..Hindi ba niya nahalata 'yung pagiging sarcastic ni Danzell?
Marami na kaming naghihintay dito sa room,Actually si Nicole na lang talaga ang hinihintay namin.
"Taray ng Lola mo,Pa-VIP." Turan ni Kent na sinang-ayunan ng mga kaklase ko.Kanina pa kasi kami dito sa room,Dito namin napagkasunduang hintayin ang lahat bago tawagan si Kuya Lawliet na siyang may dala ng sasakyang gagamitin.
"Oh,Andito na pala siya eh." Dumating na rin sa wakas si Nicole.Ang dami niya ngang bitbit.Parang lilipat siya ng bahay imbes na magbabakasyon.
"Nicole,Aware ka naman na dalawang linggo lang tayo doon 'di ba?" Tanong ni Kris.
"'Yang bag mo parang balak mo nang tumira sa Resthouse." Dagdag pa ni Michael.Dahil sa sinabi niya ay nagtawanan ang mga kaklase ko.Nyeta,Ang babaw.
"Let's go."Malamig na tugon ni Nicole.Nagkatinginan kami pero nagkibit-balikat na lang.Baka may dalaw kaya masungit.
SOMEONE'S POV
Pagdilat ko ng aking mata ay bumungad agad sa akin ang madilim na lugar—kwarto to be exact.Mistula itong sinakop ng dilim.Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa biglaang pagbangon ko.Nakaramdam din ako ng hapdi sa bandang paa ko.Huli na nang mapagtanto kong nakatali ako.Kinakabahan pa rin ako kahit ilang buwan na ako dito.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot nang bumukas ang pinto at iniluwa 'nun ang taong ayoko nang makita pa.Bitbit niya ang tray ng agahan ko.Araw-araw niya itong ginagawa pero natatakot pa rin ako.Umupo siya sa konting espasyo ng hinihigaan ko.Hinaplos niya ang buhok ko.Ayokong manlaban dahil baka saktan na naman niya ako.Kailan ba ako makakatakas dito?Nawawalan na ako ng pag-asa.
Ngumiti siya at binati ako."Good Morning,Jhonalyn."
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mystery / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?