EI:Locked

92 9 1
                                        


Geri's POV

Nakakagulat ang nangyari kay Angela at Jhonalyn.Nawala lang kasi sila saglit tapos ganun na yung nangyari.Natatakot na ako.What if mangyari din 'yun sa akin?Kakapasok ko lang nang may sumalubong sakin.


"Geri sabay tayong umuwi."sabi sakin ni Rolyn. Hay nako! Kakapasok pa nga lang uwian agad ang pinag-usapan!


"Ah sige , Sasabay din si Aila sa atin."sagot ko.


"Sure." At pumunta na siya sa upuan niya.

Ang aga pa! Hindi pa nagri-ring yung bell . Bahala na mag-iisip na lang ako ng gagawin.


"Gerianne,Boy Hunting tayo!" Hindi naman halatang excited si Aila no?! At dahil sa ayokong pagurin ang endangered brain cells ko,sumama na ako at saka Boys din yun no?!

"Humintay ka,Mikaila."Sigaw ko kay Aila.


"Boys,Here We Come!!!"sigaw ni Rolyn.



"Si Alren,papalapit." Parang namimilipit na di mapaihi si Mikaila! Nakakahiya!

"Lapitan mo!" Tinulak namin si Aila pero bumalik agad siya sa amin.

"Ano ba,nakakahiya!" Tingnan mo 'tong babaeng 'to nakakahiya daw pero kilig na kilig.


"Anong ginagawa niyo?" Nagulat kami ng biglang may nagsalita sa likod namin.

"Ysabelle, ikaw pala."sabi ni Rolyn.

"Uhm, nagbo-boy hunting lang." Sabi ko.


"Ah , ganun ba?"sabi niya.

"Bakit? May kailangan ka ba?"tanong ni Aila.


"Pinapatawag kasi ni Nicole ang lahat regarding sa nangyari."sagot niya.

"Where ba?" Tanong ni Rolyn sa kanya.


"Sa lumang building." Sagot niya habang may ngiti sa labi.



"Sige,salamat."sabi ko.

PUMASOK na kami sa loob ng lumang building.Akala ko ba pinapatawag lahat?Bakit kaming tatlo lang ang nandito?


Pumasok kami sa isang kwarto na may maayos-ayos na pinto.Ito na lang kasi ang medyo magandang kwarto compared sa iba.

"Hindi ko alam na ang dali niyong mauto."

Napalingon kami sa likod namin at kasabay nun ay ang mahinang pag click ng pinto...LOCKED.


Aira's POV

NAGKAKAGULO ang lahat,Papasok pa lang kasi ako sa aming silid.


"Kahit anong mangyare,huwag kayong sisigaw."  Bungad samin ni Nicole na nakatayo sa harap.

Takang-taka ko silang tiningnan.


"Siguro naman lahat ay nakatanggap ng pulang sobre na nasa upuan?"pagtatanong niya.


Tiningnan ko kung nakatanggap ako...Meron nga. Bloody Red .

"Sabay-sabay nating buksan ."suggest ni Joanne.


"Magandang Idea yun."pagsang-ayon pa ni Clarice.

Kagaya ng napagkasunduan , sabay-sabay nga naming binuksan ang mga sobre.


"Pffft! Ano ba naman 'to?" Natatawang sabi ni Paolo.


"More like ,BASURA."dagdag pa ni Pia.


"Tara itapon na lang natin."sabi ni Loren.

Pinagsang-ayunan pa ng iba ngunit pinigilan ko sila.


"Patingin nga ng mga natanggap niyo."sabi ko habang nakalahad ang kamay sa kanila.



Binigay naman nila sa akin ang mga sobre at gaya ng gusto kong malaman,inilabas ko sa sobre ang laman. Hindi nga ako nagkakamali.Iba ang natanggap ko.

Binuo ko ang pira-pirasong papel,may nabuong imahe.

"Haha! Octopus?" Pagtawa ni Kris.


"Nantitrip lang yata yan eh."sabi naman ni Philip.


"Eh g*go naman pala yan eh,tinakot pa tayo."sabi ni Kurt.


Tumingin sakin si Nicole,sigurado akong alam na niya ang nangyayare.Binasa ko ulit ang mga katagang nasa ilalim ng litrato ng isang Octopus.

I am an Octopus,I have 3 Hearts

"Ikaw Aira,Anong nakuha mo?"tanong ni Nicole habang tinitingnan akong mabuti.

Napunta sa akin ang atensyon ng lahat.

"Why all of a sudden nasolve mo 'to?"mataray na sabi ni Loren.

"So? Anong pinapalabas mo?!"sabi ko.

"Sumagot ka na lang o baka naman ikaw ang killer?"pagtatanggol ni Desirie kay Loren.

"Ano?"tiningnan ko silang lahat.May iba sa tingin nila,Tingin na nambibintang."Pinagbibintangan niyo ba ako?"


Napabuntong hininga na lang ako .Walang patutunguhan tong pambibintang na ito....para matahimik na sila,Inilabas ko na yung natanggap ko.

Litrato nila Geri

Enter In:Northbridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon