EI: Transferred

82 8 2
                                    

Aira's POV

Kinakabahan ako habang papunta sa classroom.Hindi maganda ang kutob ko.

Nang makarating ako sa silid ng 9-Acacia,Maririnig mo ang kanilang hagulgol kahit nasa hallway ka pa lang.

"Anong nangyayari?"Tanong ko.

"Patay na si Desirie at Khenshi." Sagot ni Joel.

Tiningnan ko ang sahig kung saan sila nakaratay.Napatakip ako ng bibig.Tumulo ang luha ko.Bakit ganito?Wala man lang akong magawa.Ang galing ng gumawa nito.Lahat kami natakot.

Lumapit si Nica sa bangkay nila Desirie at Khenshi na parehong may nakataling barb wire sa leeg.May dinampot siyang bagay sa bulsa nito.Hanga ako sa kanya dahil hindi man lang siya nandiri o natakot.

Kinuha niya ang cellphone ni Desirie.

"Nica,Bakit mo kinuha ang cellphone ni Des?"Kunot-noo kong tanong.

Inirapan niya muna ako bago sumagot."Pareho natin siyang kaibigan at alam natin na mahilig siyang mag-sound recorder.Titingnan natin kung nairecord niya ang pangyayari bago sila mamatay."

Napa-ahh na lang yung mga kaklase ko.Nakita kong nakakunot ng noo si Loren.

"W-what made you think na 'yan ang sagot sa problema?Na 'yang bagay na iyan ang makakapagturo kung sino ang killer?" Sabi ni Loren.

"Bakit Loren?May itinatago ka ba?Baka naman may alam kang paraan para mahanap ang killer?Wait,Isa ka ba kaya ganon mo na lang ako bintangan para hindi mabaling sa'yo?" Panunuya ko.Well,It's payback time.

"N-no,Naninigurado lang ako.A-ayoko lang sayangin ang oras natin kung saka-sakaling wala tayong mahanap."Depensa niya.

"Buksan mo na Nica."Utos ni Shiela sa pinsan.

Binuksan nga ito ni Nica at agad dumiretso sa File Manager.Pinindot niya ang Files na nagngangalang RECORDS.Pinili niya ang pinakahuling date na December 12,2016.

Nakarinig kami ng pag-iyak hanggang sa sumigaw na nagmamakaawa,Boses ni Desirie.

"Parang awa mo na,Hu-huwag mo kaming p-patayin." Naiiyak ako.Sana hindi ko na lang ito pinakinggan.Ang sakit marinig na nagmamakaaawa ang kibigan mo para sa kanyang buhay.

"Tangina!Kaya nga lumayas kami sa sinumpang Northbridge Academy na 'yon para hindi kami mamatay.Haha,Kamatayan lang rin naman pala ang bagsak namin." Narinig kong sabi ni Khenshi.

Hinihintay pa namin na magsalita ang taong may kagagawan ng lahat ng ito at hindi kami nabigo.

"Hindi porque umalis kayo sa Northbridge Academy.Hindi na kayo parte ng 9-Acacia.Tandaan niyo,Kayo pa rin ang pumatay sa kanya.Kaya wala kayong kawala."

Nagkatinginan kaming lahat habang gulat at lito ang makikita sa aming mga mukha.'Yung boses.........





Hindi namin kilala.

*

Huminga ako ng malalim.Napag-isipan ko na ito kagabi mula ng sabihin sa akin iyon ni Zarry.

"Ingat ka,Ganda.Even sugar looks like salt."

Right,Wala dapat akong pagkatiwalaan.

Pero gusto kong sabihin sa kanila ang nalalaman ko,ang kahulugan ng V22I.

Tinawag ko sila at sinabing bumuo ng bilog.Sinunod naman nila ito ng walang reklamo.Sasabihin ko na sa kanila iyon hangga't wala pa si Ysabelle,Ang pinaghihinalaan ko.

"V22I,V=5 na nangangahulugang lima ang pumapatay,2 ang lalaki,2 ang babae,I=1 na isang in between." Paliwanag ko.

"Paano mo nalaman?"Tanong ni Kathlene.

Ngumiti ako ng malungkot. "Sinabi ni Jancy bago siya mamatay."

Napatahimik sila marahil ay nagdadalamhati sa pagkawala ni Jancy.

"May hula ka ba kung sinu-sino sila?" Tanong ni Michael habang namamawis ang noo.

Napatingin ako sa kinakabahan niyang mukha.Siguro gusto niya talagang malaman.

"Si Ysabelle,siguro isa siya sa babae." Sagot ko. "Si Philip,isa sa lalaki." Napatingin ako kay Philip na gulat ang mukha "At Kent,Sa in between." Pagsasabi ko ng saloobin.

"At ikaw sa isa pang babae.Hahaha." Pagtawa ni Loren na may halong panlalait.

"Hindi ka ba talaga titigil,Loren?"Saway ni Danzell kay Loren.Napatahimik si Loren.Nagulat siguro siya dahil nasigawan siya ni Danzell.

"Posible 'yang mga sinabi mo lalo na 'yung kay Kent.Wala namang iba sa atin ang in between." Sabi ni Nicole na sinang-ayunan ng lahat.

"Waiting Shed lang,mga Girl.Bakit aketch?Why me?"Sabi ni Kent."Pwede naman si Joel!We're sisters kaya!"

"Hindi porque malambot ako kumilos at matinis ang boses ko,Bakla na ako." Galit na sabi ni Joel.

"Woah.Chill bro'."Pang-aawat ni Briton.

"Tss.Tingnan niyo ang ginagawa sa atin ng babaeng iyan.She's making us away-away to divert our pansin."Tukoy ni Pia sa akin.Ano na naman ba ang problema nila sa akin?Tiningnan ko si Janica pero umiwas lang siya ng tingin.Even my bestfriend thinks that I'm the one who's making this mess.

Pucha!Ayoko na.Ako ang lumalabas na masama when I was really helping them.Kung ayaw nila ng tulong ko Eh 'di huwag.Bahala silang mamatay.

"That's it!Sawang sawa na ako sa mga pinagsasasabi niyo!Patutunayan ko sa inyo na hindi ako ang killer!" Galit na sabi ko.Nagulat ako nang biglang gumilid ang mga kaklase ko.

"Well,prove to us then." Sabi niya at tumalikod.

Alam kong may itinatago ka,Ysabelle.Sana malaman ko 'yun as soon as possible.


--------------------------------------

~MCB♥














Enter In:Northbridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon