Keziah's POV
This is indeed a tiring day.Nakakapagod maglaro pero hindi namin iyon alintana dahil sa kasiyahang naidudulot nito sa amin.
Maliligo muna ako.Tama,iyon nga ang kailangan ko dahil nanlalagkit na ako.
Nandito ako sa school,ayoko pang umuwi....Andun si Papa.
I really hate him,dahil sa kanya namatay ang kuya ko.Kasalanan niya kung bakit namatay ang panganay niyang anak, si Kuya Jay-jay.
And I hated him since that day.
"Iyah,ingat ka ha.Huwag kang magpapagabi. " -Kuya Jay-jay
"Sige Kuya!" -ako
Tuwang-tuwa talaga ako kapag tinatawag nya akong Iyah....my nickname.
Papunta nga pala ako sa bahay nila Shiela,may gagawin kasi kaming project sa Science.
"Oh, Keziah andito ka na pala."-Shiela
"Syempre! "-ako
Natapos na namin ni Shiela yung project sa Science tungkol sa Matter.Nagtataka ako kung bakit parang natataranta ang mga ka-barangay namin.
"Aling Pacing! Ano pong nangyayari?"
"Nasusunog ang bahay niyo!"
"Po?!"Nagulat ako,Paano nangyari yun?
"Halika, samahan kita." Sinamahan ako ni Aling Pacing hanggang bahay... nasusunog nga. Nawala na ako sa sarili ko.
"Kuyaaaaa!!!!! Yung kuya ko!!! "
"Tahan na."
"Aling Pacing yung kuya ko! Mamang bumbero yung kuya ko! Iligtas nyo sya!"-ako
Sana kasi hindi ko nalang siya iniwan. Sana.... WAIT! Si Papa! Baka mailigtas niya si Kuya Jay-jay.
Nabuhayan ako ng loob,Agad-agad kong tinawagan si Papa.
*Calling Papa ♥*
Nakailang ring bago makasagot si Papa.
"Hello?"
Natigilan ako... hindi si Papa ang sumagot.Mabilis kong ibinaba ang phone.
"I hate you,Papa."
I was back in reality after remembering the worst day of my life.Hindi pala,lagi nga palang sira ang araw ko... kapag andyan si Papa,Okay lang naman kung siya lang kaso kasama nya si Gina—My father's mistress.But,now that she's gone nawala ang bigat sa puso ko.
Nagpatuloy na lang ako sa paliligo.Habang binabasa ko ang ulo ko,Naalala ko ang sigaw at pagmamakaawa niya nang itulak ko siya sa hagdan.Nagmamakaawa siya habang paulit-ulit na sinasabing buntis siya.Kung huhusgahan agad,ako ang may kasalanan sa aming dalawa dahil napatay ko si Gina lalo na't buntis siya.Pero hindi eh,Dahil hindi iyon anak ni Papa.She cheated on my Dad.Kaya tama lang siguro iyon.It's not your fault,Keziah.
Nanindig ang balahibo ko sa batok nang may maramdaman ako,parang may dumaan.Binalewala ko na lang at pinagpatuloy ang paliligo.
Pero hindi ko na binalewala sa pangalawang beses lalo na't may naramdaman akong malamig na bagay sa leeg ko.
Hindi ako gumalaw dahil kapag lumingon ako... mamamatay ako.Maaaring magilitan ako sa leeg.
"Nice thinking, Keziah."
I stiffened. I know his voice.
"Why are you doing this?"
"For Revenge maybe?" Oo,kilala ko siya
He is Tita Gina's Son
"Go on,Wala na akong pakialam kung mamamatay na ako. " Napapikit ako,Waiting for my death to come at last.
"Not so fast,Keziah." Napamulat ako.
"A-anong ibig m-mong s-sabihin?" Nauutal kong sabi
"Pahihirapan muna kita."
Unti-unti kong nasilayan ang pagngisi niya..
Nicole's POV
Time Check: 6:11 am
Maaga pa lang andito na ako sa school, sinadya ko talagang pumasok nang maaga to identify who the killer is.
Gusto ko nang malaman para matapos na ang kaguluhang ito.Isa na ang nawala,Ayoko nang may dumagdag pa.Tiningnan ko ang papel na hawak ko.
'Save me from hell.Help me with a bell.Oh,great saints.Where are you?End my sufferings.Right here now.-YWN'
Bigla kong naalala ang nangyari nung Retreat.Dali-dali kong kinuha ang scratch paper ko.Isinulat ko ang mga Capitals ng bawat sentence.
PAGKATAPOS kong isulat ang naging sagot,pumunta agad ako sa lugar na iyon.Nagulat ako sa nakita ko,Keziah is hanged between the curtains and her eyes is looking at one direction.
I slowly looked where her eyes is looking and it's a mirror.Shock is visible in my face when I read it.
Too Late my dear...but this is your clue
Siguro naman halata yung mga description ko,I'm here at the Shower Room of the school.
Give me food I'll live
Give me water I'll DIE
Agad akong nagpatawag ng security at naireport ko na rin ang nangyari.
"Kuya Jas." Tawag ko sa security guard ng school "May nakita po ba kayong kakaiba dito kagabi o kanina lang?"
"Wala naman."sagot niya.
"Pwede po bang icheck natin yung CCTV Footage?" Alam ko kasi merong CCTV sa labas ng Shower Room.
"Sige,ipagpapaalam ko lang kay Ma'am Doytin." Agad -agad akong tumango,pagkatapos ng ilang sandali bumalik na si Kuya Jas.
"Nicole ,pwede na daw nating icheck yung CCTV Footage."sabi ni Kuya Jas . Naunang maglakad si Kuya Jas habang ako ay nag iisip kung ano ang ibig sabihin nung clue.
"Hija,andito na tayo." Andito na pala kami, hindi ko man lang namalayan. Binuksan na namin yung monitor na nakaconnect sa CCTV at binalik sa oras bago pa lang ako makapunta.
Napakunot ako ng noo.What the hell is happening?
May naghack ng CCTV dahil paulit -ulit lang ang nangyayari,Tiningnan ko ang sarili ko sa Footage at pabalik-balik lang ako doon.I can't take this anymore!
Ginagawa mo kaming baliw.
------------------------------------------------------
Btw, commercial muna!
I just want to thank @lightningprince_22 for the cover and I would like to mention @LonelyMissPiggy, siya po si Nicole.
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mystery / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?
