So,guyseu.Matatagalan pa bago ko i-publish ang next UD.Thanks.Happy reading x~MCB♥
-----------------------------------------------
Nica's POV
NANDITO kami sa isang mall. Kasama ko ang pinsan kong si Shiela. Namimili na kami ng ireregalo namin.
"Anong mas maganda? White o black?" tanong sakin ni Shiela hawak ang dalawang T-shirt.
"Mas maganda yung black." sagot ko sa kanya at naghanap ng maireregalo ko. Psh! Buti pa si Shiela, nakapili na. Nagtingin-tingin ako ng mga relo. Hindi ko alam kung may tumitingin sa akin o praning lang ako. Bayaan na nga, baka admirer ko lang yan. Pretty ko kasi.
Nakuntento na rin ako sa relong binili ko kaya napagpasyahan na rin naming umuwi. Ramdam ko pa rin na may sumusunod sa amin eh. Kumakati kasi yung siko ko. Ganon ako kapag may sumusunod sa akin o kaya'y nakatingin.
"Shiela, bilisan na natin para makauwi na tayo."
Papara lang kami ng taxi kasi coding yung kotse namin. Buti nalang hindi na siya nagtanong at sinunod nalang ang utos ko.
Matiwasay naman kaming nakauwi na ipinagpapasalamat ko.
"Nica pwede mo naman sabihin sakin kung anong ikinaprapraning mo dyan." Nahalata niya siguro na lingon ako ng lingon.
"Ah. Wala. Matulog na lang tayo. " pag-iwas ko sa kanyang sinabi .Hindi ko maiwasang kabahan. Pakirandam ko kasi hanggang dito ay sinundan niya kami
Napasulyap akong muli sa pintuan. Napansin kong may anino ng mabilis na dumaan. Halatang-halata ito dahil glass ang pinto ng bahay namin. Hinitay ko munang umakyat si Shiela bago ako lumapit sa pintuan
Isang regalo ang tumambad sa akin. Ano'to? Napaaga naman ata?
Dala ng pagtataka , binuksan ko ang regalo.
Masangsang na amoy ang gumuhit sa aking ilong. Naitapon ko ito nang makita ko kung ano ang laman.
Si Lollipop
Aira's POV
ABALA ang lahat sa pag-aayos ng aming silid.Bukas na kasi ang Party.Pumasok ang mag-pinsan nang salubungin sila ni Nicole ng sermon. Class President Duties huh?
Si Shiela na ang humingi ng paumanhin.Nanatiling tahimik si Nica which is unusual.
Hanggang tanghali ay tahimik pa rin siya.Sa tuwing titingin ako sa kanyang mata,ngingiti lang siya saglit at iiwas ng tingin.It looks like something is bothering her.
"Ok ka lang?" Sabi ko nang nakalapit na ako sa kanya.
"Honestly,No." Ito ang unang beses naming mag-usap simula noong pinagbintangan nila ako.May kinuha siya sa kanyang bag. "Kagabi ko pa ito pinag-isipan.Kung ipapaalam ko ba sa iba ito."
Binigay niya sa akin ang kahon na may magandang balot at laso.Binuksan ko ito. Nanlaki ang aking mata.
"I'm really sorry kung naniwala akong isa ka sa killer."
This what makes Nica think that I'm not the killer.
"D-d-danzell is the killer."
![](https://img.wattpad.com/cover/54294554-288-k290621.jpg)
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mystery / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?