Geri's POV
NAGISING ako dahil may narinig akong sigaw.Sigaw na nagmula kay Aila,panay ang hagulgol niya habang nakatingin sa isang direksyon kung nasaan si Rolyn habang hawak ang puso niya .
Kahit ako'y napahagulgol na rin, hindi ko akalaing magagawa niya ito.
"Oh,Gising na pala ang ating prinsesa ."
Napatingin ako sa direksyon niya.
"Pasensya na kasi pinatulog ko ang kaibigan mo ,siguro habambuhay na." Sabi niya na may kasamang halakhak.
"Akala ko kaibigan kita! Paano mo ito nagawa sa akin?!" Galit ang nadarama ko ngayon.
"Kaibigan? May kaibigan bang nang-aagaw?" Sarkastikong sabi niya.
Nanigas ako mula sa kinauupuan ko,napatingin ako sa direksyon ni Aila. Pagsisisi ang makikita mong nangingibabaw sa kanyang mukha.
"Kumusta na kayo ni Bryan ?" Sabi niya habang suot ang kanyang ngisi.
Napayuko ako. Naramdaman kong nabasa ang aking pisngi.
"Ay! Patay na nga pala siya."sabi niya habang may gumuguhit na ngiti sa kanyang mga labi. Unti-unting namuo ang teorya sa isipan ko, Maaring siya ang pumatay kay BRYAN.
"Mali ka ng iniisip,hindi ako ang pumatay sa kanya."sabi niya na para bang nabasa ang isipan ko.Kung hindi Siya,Sino?
"Sayang,siya lang ang lalaking minahal ko pero unfortunately naagaw mo sa akin."sabi niya na kababakasan sa tono niya ang poot at galit.
Bumalik sa aking alaala ang lahat.
"Geri,may pupuntahan ka ba mamaya?"sabi niya .
"Wala naman,Bakit?"tanong ko.
"Basta ,mamaya ko na lang sasabihin."sabi niya na may halong excitement.
****
Pagkatapos ng klase ay niligpit ko ang gamit ko,Habang palabas ako ay may nakabangga sa aking lalaki at dahil masyadong malakas yung impact ay natumba ako at nagkalat sa sahig ang aking mga librong lagi kong bitbit.
Agad kong pinulot ang mga gamit kong nagkalat sa sahig sa tapat ng classroom.
"Pasensya na Miss,hindi ko sinasadya."sabi niya at yumuko na rin at tinulungan akong puluting ang mga libro.
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mistério / SuspenseIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?