EI:Cutthroat

29 3 0
                                        

Cutthroat is a situation in which people compete with each other in an unpleasant and often cruel and unfair way.


*****


Aira's POV


Akala ko ligtas kami sa Resthouse na ito.Nagkamali na naman kami,Lalo lang namin ipinahamak ang sarili namin.Tiningnan ko ang mga kasama ko,May umiiyak,tulala at syempre hindi mawawala ang pilit tumatakas.



Nakita ko kung gaano na sila nahihirapan.Sana hindi kami naniwala sa mala-bulaklak na salita ni Kuya Lawliet.Sana hindi kami nalagay sa sitwasyon na ito.Sana hindi kami nagdurusa at sana hindi kami nagsisisi.Ang daming 'sana' na hindi ko naisip noong simula pa lang.




"Ano 9-Acacia,Masaya ba?Come on huwag kayong umiyak diyan.You have to be happy dahil maglalaro tayo." Sabi niya sa amin na parang may kalokohang naiisip.Mas lalong lumakas ang kanilang paghagulgol nang lumapit si Sir Lawliet kay Joza.



"Shh,Don't cry.Maglalaro tayo.We'll play Enter In but with a twist."Sabi niya at may kinuhang bag na kanina pa nakalapag sa lamesa.Binuksan niya iyon at inilabas ang laman nito—mga matutulis na bagay.



"You will choose one weapon,Lahat ng matatalo ay mamamatay." Tumingin siya sa amin. "At kayo ang papatay sa kung sino man ang malas na matatalo."



Umiyak na ang lahat kahit ang mga lalaking kanina pa pinipigilan ang emosyon.Ayaw na niya siguro madumihan ang kamay niya kaya't sa amin na niya ito pinapagawa.


"Ipakita niyo sa akin ang totoo niyong kulay." Sabi niya.Makikita sa mata niya na natutuwa siya sa nangyayari.Hindi na si Kuya Lawliet ang nakikita ko kung hindi isang halimaw.



"Simulan na natin.Tayo!"Sabi ni Kuya Lawliet ngunit nanatili kaming nakaupo.Walang sumunod sa sinabi niya kaya naman lalo siyang nagalit.



"Ang sabi ko tayo!" Bumunot siya ng baril at tinutok iyon kay Janica."Kapag hindi kayo tumayo makikita niyong sumabog ang ulo niya." Sa sinabi niyang iyon ay napatayo na ako.I can't lose my bestfriend.Agad ring nagsitayo ang lahat.



"Iyan ang gusto ko masunurin." Iginala niya ang tingin sa amin."Don't act like you are scared because in the first place you are a wild wolves hiding in a sheep's clothing.Gusto kong makita kung paano kayo maglaro.Start!"



"Enter,papasok." Walang kabuhay-buhay na saad ni Wyne habang tumutulo ang luha nito.



Nag-unahan sila.Sabagay,Sino ba naman ang gustong mamatay?



Hangga't maaari hinayaan lang ng liner na makalusot ang lahat.Hindi sila naglalaro.Hinahayaan nila kaming manalo.




"Ano ba 'yan!Hindi ba't sabi ko,Lahat ng matatalo mamamatay?"Hinila niya si Joel."Bakit hindi kayo naglalaro?Bakit hinahayaan niyo sila?Alam mo bang hindi ko nagustuhan ang ginagawa niyo?"




"Wala akong pake kung nagugustuhan mo man ang nangyayari o hindi."Matapang na sagot ni Joel.



Kinuha niya ang baril at ipinaputok iyon kay Joel.Agad na natumba si Joel.This can't be.



"Nadulas ang daliri ko.Hindi ko namalayang naputok ko pala ang gatilyo sa bastos na batang ito.Gusto niyo bang matulad sa kanya?"Sabi niya kaya lalong lumakas ang iyak ng lahat.Nangangatog na rin ang buong katawan ko.



"Ngayon,I want the real game."Sambit niya kaya agad kaming tumayo at pumwesto sa kaniya-kaniyang posisyon.Nagsimula ulit ang laro.Makalipas ang ilang oras ay nakarinig kami ng salitang 'taya' at ito ay nagmumula sa isa sa kambal.Si Clarice ang nakataya kay Claire.Nakita namin kung paano natulala si Clarice.Lahat kami ay napapaluha na.Masakit magdesisyon dito lalo na't buhay ng kapatid mo ang nakasalalay.



Enter In:Northbridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon