Bryan's POV
"Class Dismiss."sabi ni Ma'am Rosario.Uwian na naman at pupunta ang Beast Boys sa Internet Café,Guys stuff.Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala si Michael-Ang leader namin.
"Michael,pupunta na ba tayo sa Internet Café?"
["Oo,bilisan mo na ikaw na lang ang hinihintay dito.Dapat kasi sumama ka na lang sa amin sa pag-cutting class."]
"Oo na.Papunta na ako,Boszcvxs Michael."
["Sige bilisan mo ah."]
Binaba ko na 'yung phone ko.
"9-Acacia is falling down,falling down ,falling down , 9-Acacia is falling down. Mamamatay kayo."
Nanindig ang balahibo ko sa narinig ko. May kumakanta.
Nagpatuloy ang kanta at sa di maipaliwanag na dahilan ay hindi naging normal ang tibok ng puso ko.Kinakabahan ako.
"Hi Bryan." Sabi ng isang tinig na kilala ko.
"I-ikaw yung kumakanta?"
"Oo naman,Ang ganda ng boses ko hindi ba?" Ngumiti siya pero yung tipo ng ngiti na kikilabutan ka.
"A-anong kailangan m-mo?" Hindi ko alam kung bakit ako nautal.Sa nerbyos?Siguro.
"Kailangan na kitang patayin." Pagkatapos niyang sabihin yun nilabas niya ang kutsilyo. Napaatras ako.
"Hahaha nakakatawa naman yang joke mo." Kahit na natatakot pinilit ko pa ring ngumiti.Ngumisi lang siya na lalong nagpatakot sakin.
"Pinaparusahan ang mga makasalanan."
"Wala akong kasalanan!" Pagkontra ko kahit na alam kong tama siya.
"Gusto mo bang ipaalala ko sayo?" At sinugatan niya ako sa braso gamit ang kutsilyo."Naaalala mo pa ba si Mark?"
Unti-unting bumalik sa alaala ko ang nangyari.
-Flashback-
Hinataw ni Michael ng dos por dos si Mark.
"Ang lakas ng loob mong landiin ang girlfriend ko!"
Nanonood lang ako sa kanila, hindi naman talaga nilandi ni Mark si Janica. Ang totoo malandi talaga si Janica.Hindi ko alam kung paano nangyari ito.Kung paano niya nalaman.Basta ang alam ko,Nandito na ako sa sitwasyong ito.
"Bryan kanina ka pa tulala dyan ."sabi ni Philip.
"Oo nga Bryan, ikaw naman dito."sigaw ni Paolo.
"Sige kayo na lang."sabi ko.
Ayoko kasing makakita ng namamatay at mas lalong ayokong tulungan silang pumatay.
"Akala ko ba gusto mong sumali samin?Ito na yung initiation mo."
Kahit ayoko kinuha ko yung dos por dos at hinataw iyon kay Mark.Dahil na rin siguro kanina pa siya hinahataw madali siyang nawalan ng malay.
"Tsk.Buhay pa din, Matibay talaga tong si Mark."sabi ni Khenshi.
May mga kaluskos kaming narinig .
"Patay!baka may nakakita. "Sabi ni Kurt na natataranta.
"Bryan, ilibing mo na si Mark sa pinakamalapit na sementeryo."utos ni Michael.
Nanginginig ako sa takot.Hinahabol ako ng konsensya ko,Hindi ko lubusang maisip na makakapatay ako.
Labag man sa kalooban ko sinunod ko ang utos ni Michael.
"Diyos ko,sana mapatawad mo ako sa gagawin ko."
Pagkatapos kong sabihin iyon, Hinulog ko ang bangkay ni Mark sa hukay na ginawa ko.
-End Of Flashback-
"H-hindi ko yun sinasadya."
"Kahit anong sabihin mo nakapatay ka rin."
"Napilitan lang ako,g-gusto ko kasing m-makasama sa grupo n-ni Michael."
"Ang tanong,Naging masaya ka ba?"sabi niya at may sumilay na nakakalokong ngiti mula sa kanyang labi.
Yumuko ako dahil tumagos sa akin ang tanong niya, Naging masaya nga ba ako?
"Masaya bang maging isa sa kanila?Isang mamamatay-tao?"pagpapatuloy niya.
Napangiti ako sa tanong niya."Katulad mo?"
Napalitan ng emosyon ang kanyang mukha.Napikon ata.
Lumapat sa pisngi ko ang kutsilyo at unti-unti iyong bumaon.Nararamdaman ko ang lamig ng dulo ng kutsilyo dahil tuluyan na itong nailapat sa aking dila.Hinugot niya ito nang marahas at itinarak ang kutsilyo sa aking hita.Hindi pa siya nakuntento at sinuntok ako sa pisngi.
"Tang*na!"Napasigaw ako sa sakit dahil sinuntok niya ako sa pisngi kung saan niya ibinaon ang kutsilyo.Nakadagdag pa 'yung paglapat ng kamay niya sa sugat ko.
"That's right,Scream!" At humalakhak siya na parang demonyo.
Third Person's POV
Hindi maialis ang ngiti sa labi ng salarin habang panay naman ang sigaw ni Bryan.Nagmamakaawa ito sa kanya.Dala ang kutsilyo ginilitan niya ito sa leeg na naging dahilan ng pangingisay nito.Ipinulupot niya ang isang tali sa leeg nito at isinabit sa kisame.
Sa unang tingin,Aakalain mong nagbigti lang ang binata.Natatago kasi ng lubid ang laslas nito sa leeg.Ngumiti ng malapad ang salarin.
"Ano kayang magiging reaksyon ng 9-Acacia?Siguradong titili ang mga iyon sa takot."
Pinagpagan niya ang kanyang kamay at napatingin sa suot na uniporme.May mantsa ito ng dugo.Nagkibit-balikat na lamang siya dahil wala na siyang magagawa kung hindi magpalit ng damit.
"Leche,Sa baba pa ang CR dito..."Napatingin siya sa bangkay." 'Pre dito ako magbibihis ha!'Wag kang sumilip."
Kinakausap niya ang bangkay na para bang ito ay buhay pa.
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mistero / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?
