EI:Revelations

90 10 10
                                    

Loren's POV

LAHAT kami nagulat sa nangyari.Alam kong nagiging OA na talaga kami dahil ang isang simpleng laro,ginagawa naming bangungot.

WATAPAK diba?! Pero hindi namin iyon mapipigilan.The only way to stop this craziness is to find the killer.

"Aira,Ayos ka lang?" Tanong ni Clarice kay Aira na kasalukuyang nakatulala.

"Nagugutom ka ba?Anong gusto mo?"Tanong naman ni Claire.

Psh! Kaplastikan talaga ng kambal na 'to.Sarap itapon sa Dagat para makita kung sinong unang lulutang.Kung makapagtanong kay Aira akala mo isang tunay na kaibigan pero 'pag wala si Aira kung anu-anong paninira ang sinasabi.Yeah,That's how they really are.Hindi lang din pala sila.Actually lahat kami.

"Ah,Ayos lang ako."Sagot ni Aira.

Wait,Dahil first time kong magkaroon ng exposure na ganito.Lulubusin ko na.

My name is Loren Cautilla,15 years of young at kilala ako bilang madaldal.Hindi halata ano? Well,Sa isip ko lang ako nagsasalita.Inoobserbahan ko kasi ang 9-Acacia at dahil don marami-rami akong nalaman.

Ang pangalan ng school ay mapapalitan ngayong taon.Narinig ko lang iyon dahil napadaan ako sa Office ni Ma'am Doytin.

Pulis pala ang tatay ni Nicole,Sinabi niya kasi sa amin noon na patay na ang tatay niya.

Sila Geri,Rolyn at Aila mga Heart Breaker yang mga yan kaya siguro puso yung kinuha sa kanila.Nagdadalawang isip nga ako eh kung sino ang may gawa nun sa kanila,Yung killer ba?O isa sa mga lalaking nasaktan nila?

Si Briton naman tumira sa France at umuwi siya ng Pilipinas dahil namatay ang mama niya.

Si Lyanne at Lyra,Naku! Kauri ko ang mga 'yon.Naririnig ko pa nga sa bunganga ng 9-Acacia na ano pa daw silbi ni Joel na P.I.O namin? Edi sana kami na lang daw tatlo ang nasa pwestong iyon.

Eto ang biggest revelation, May gusto daw si Khenshi kay Desirie.Eto pa,Matagal na palang nililigawan ni Kurt si Jhonalyn pero ang ipinagtataka ko lang bakit parang hindi siya naapektuhan nung namatay si Jhonalyn?

Si Jancy nagiging Weird na.Napapansin ko kasing parang takot siya kay Michael.

Si Joanne medyo nakakatakot kasi parang ang dami niyang alam.Bawat bagay may opinyon siya.

Si Joza pangarap palang maging Beauty Queen.Kaya siya ang laging sumasali sa mga pageant sa school.

Bakla si Kent.Oo matagal na naming alam iyon.Ang hindi namin alam sila na pala ni Kurt.

Si Janica malandi yan,Since Birth pero mabuti siyang kaibigan.

Naulila na pala si Danzell noong 13 pa lang siya.Tito at Tita pala niya yung umaattend ng meeting at kung anu-anong events dito kaya napagkamalang naming parents niya iyon.Paano ko nalaman?Simple lang,Close kasi kami niyan hindi lang halata kaya nakwento niya sa akin.

Si Kris,Sipsip yan sa Teachers.Halos lahat ng teachers tinatanong niya kung may ipapautos o ipabibili.Sipsi-- Pagandahin nga natin yung term.Hmm Alam ko na Teacher's Pet na lang tutal mukha naman siyang aso.

Si Aira ngayon ko lang napansin na may kamukha siya.Pareho ng ugali,itsura,tindig,lahat na.Posible kaya si Aira at siya ay iisa ?

Geri's POV

"Parang awa mo na,Huwag mo kaming papatayin ng anak ko." Pagmamakaawa ko ngunit tumawa lang siya.



Natagpuan na niya ako.Nagtago ako sa Bicol at tumira sa maliit na apartment.


"Tama ba ang narinig ko? The Mighty Gerianne Dela Fuente is begging for Mercy,Pity you."



Nabuhay ang takot sa loob ko at bahagyang kumirot ang tiyan ko.Shh,Don't worry baby.Mom's here,I'll protect you as long as I can.


"Gawin mo na ang gusto mo pero please,huwag mong sasaktan ang anak ko."


Siguro ganun talaga kapag magiging ina ka na.You will risk all just to keep your child safe.


"A.yo.ko." sabi niya.




"Buntis ako! Hindi mo ba yun naiintindihan? Hindi dapat ako mamatay! Parang awa mo na.Please lang! Huwag m-mo akong patayin."




"Blah Blah,Wala akong naririnig." Sabi niya.



Kinuha niya ang saklay ko.Hinila niya ako patayo at dinala malapit sa hagadan.Nagpumiglas ako dahil alam ko na ang mangyayari ngunit huli na ang lahat.Naitulak na niya ako.Pinilit ko ang sarili na tumayo kahit na ang sakit na ng pagitan ng hita ko.Hinawakan ko iyon at lalong napaluha.No,no! Ang anak ko.



"Anong klaseng tao ka?Hayop ka! Pinatay mo ang anak ko!Demonyo!Hindi ka tao!Demonyo ka!Kampon ni Satanas!Wala kang puso."Napaiyak ako.My little angel bakit mo iniwan agad si Mommy?


"People are more cruel than Satan."


"Talaga?"Nakangisi ako ngunit may luha sa mata. "Ayoko na,Suko na ako.Patayin mo na lang ako.Tutal wala na akong silbi sa mundong ito."



"Hindi pa kita pwedeng patayin dahil may alam ka.Sabihin mo sakin kung nasaan ang kwintas."Paano niya nalaman ang tungkol sa kwintas?Hindi ako nakatiis kaya tinanong ko siya.




"Dahil ako ang tunay na nagmamay-ari 'non." Tanging sagot niya.




"Binigay ko kay Jancy." Ang kwintas na ibinigay ko kay Jancy ay ang susi sa lahat ng ito.Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya iyon dahil nangako ako sa kanya.



Sorry Jancy.Nadamay ka pa,Pero wala na kasi akong ibang maisip para iligtas ang sarili ko.



Naalala ko pa nung nagpakita ako kay Jancy.Gulat na gulat siya.Syempre ikaw ba naman,Nakita mo yung kaklase mo na putol ang isang paa hindi ka magugulat?



"Hahaha Dahil madali kang kausap hindi ko na gagawing brutal ang pagkamatay mo."
Sabi niya at inilabas ang baril.Ipinutok niya iyon sa akin ngunit hindi ko naman masyadong naramdaman.Siguro oras ko na talaga.




Anak,Mommy's gonna be there soon but I don't think heaven will accept me.




Enter In:Northbridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon