Lyanne's POV
Kasabay kong pumasok sila Loren at Geri.Dinadaan ko pa kasi ang bahay nila.
"Ano ba yan Lyanne ang tagal niyo naman." Sabi ni Kathlene.Ako kasi may hawak ng susi para sa classroom namin.
"Eto na bubuksan na,Nagmamadali?!"
Nagulantang kaming lahat pagpasok namin sa aming silid,Si Bryan...
Nakabigti
"Itaaaaaayyyy!!!!!" Iyak ko.Wala na ang tatay-tatayan ko.
"Bryan!" Sigaw rin ng beast boys na agad-agad na pumunta sa bangkay ni Bryan na kabigti pa rin.
"Guys I just found something and it's over Bryan's dead body." Hawak niya ang isang sulat at parang diring-diri habang hinahawakan iyon.Ang galing talaga manira ng moment of silence ang babaeng iyon .
"Oh?Patingin." Kinuha ni Wyne ang sulat at sinuri ang papel.
"Pia! Bakit hinawakan mo?!"Naiinis na sabi ni Nicole.
"Like I want to hold it,it's so gross kaya and i just saw it and i make pulot na. "Nag-iinarteng sabi ni Pia.
"Shh! Tumigil na nga kayo,May namatay na nga nag-aaway pa kayo ."saway ko sa kanila...Binaling ko ang aking tingin kay Wyne. "Wyne, basahin mo nga."
Tiningnan ni Wyne yung sulat.
"Hala! Di ko mabasa?!" Full of expression niyang sabi.
"Tsk...Akin na nga!" Inagaw ko kay Wyne ang sulat.
"Paano mo 'to mababasa eh nakabaliktad?'Yung totoo,Wyne?Pati ba ikaw nakahithit na ng katol?" Naiinis kong sabi.
"Ah...eh..malay ko bang nakabaliktad!Akala ko kasi ancient writing o alien writing chuchu yan.Tsaka Floorwax ang nahithit ko kanina." I just rolled my eyes.Wala ka talagang makakausap ng matino.Hindi ko na lang siya sinagot at binasa na ang sulat.
'Save me from hell.Help me with a bell.O, great saints.Where are you?.End my sufferings.Right here now.'-YWN
Nangunot ang noo namin sa nabasa.Pucha naman oh!
What does he mean?
Third Person's POV
KATAHIMIKAN..ito ang namuo sa silid ng 9-Acacia.Hindi nila alam na may nanonood sa kanila na tila tuwang-tuwa.Para siyang nanonood ng puppet show at lahat sila ay puppet.Malaya niyang nakokontrol ang lahat.
"Tama yan 9-Acacia ,tumahimik kayo.Sana nga manahimik na kayo habang buhay. "
'Yan ang mga katagang nasa isip niya.
"Guys,Cheer up!Hindi matutuwa si I-itay kapag nakita niya tayong ganito."sabi ni Lyanne na halata namang pinipigilan ang kanyang mga luha.
"Tama si Lyanne." Sabi ni Clarice na halatang malungkot din sa mga nangyayari.
"Maglaro na lang muna tayo para medyo malimutan ang mga pangyayari."sabi ni Claire.
"Sige batch 2 naman!"sabi ni Zarry na sinusubukang pagaanin ang sitwasyon.
"Sige...maglaro lang kayo." Nasa isip niya suot ang ngiti na tanda ng tagumpay.
Aira's POV
Nahati na naman kami sa dalawang grupo.
Ang mga nauna nang maglaro ay nanonood na lang sa isang tabi..yung iba naman sa kanila nagchi cheer .
"Go Joanne!" Sigaw ni Jancy.
"Go Kafatid!" Sigaw naman ni Zarry.
Napatingin naman ako sa pwesto nila Joanne.Kasalukuyang hinaharangan ni Joza si Joanne.Phew..kung ako ang nasa kalagayan ni Joanne mahihirapan talaga ako.
Ilang minuto pa ang lumipas nakalusot na si Joanne.
"Woohoo! Zarry akin na ang bente mo!" Happy?At mukhang nagpustahan pa sila.
"Psh! Nadistract lang kaya si Joza!" Sabi ni Zarry at parang nanghihinayang pang ibigay kay Jancy yung bente niya... sabagay kuripot yan eh.
Nagpatuloy na kami sa laro.Ilang sandali pa...
"King ina! Keziah,bakit ka nagpataya?"sabi ni Nica.
"Sorry poooo!"sabi ni Keziah at nag ala Kathryn Bernardo pa
"Bleh!..Kami na ang maglalaro."sabi ni Kurt at kumembot kembot pa.Seriously?
*KKKKRRRIIINNGGG*
"Time na!Ang bilis ng oras. Kakainis." Nagdadabog na sabi ni Wyne.
"Tara pasok na tayo sa loob.Magtuturo na si Maam Tolemo ."sabi ni Kathene.
Pumasok na kami sa loob.Napatingin muli ako kay Joza,May tinatanaw siya sa lugar kung saan siya nakatingin kanina kaya nawala ang atensyon niya sa laro.May nakita siguro siyang kakaiba.
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Misterio / SuspensoIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?
