Dedicated to MrNonesense22 for making the new story cover.
Aira's POV
INILAGAY niya ang kanyang kamay sa bulsa ng pantalon niya.May hinugot siyang isang matulis na bagay.Kutsilyo.Hinawaka niya ang pisngi ko nang mariin.I'm in the verge of crying nang bigla siyang tumawa.
"You should've seen your face!" Sabi niya habang tumatawa."Epic."
Nanatili akong tahimik.Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.Magagalit ba ako sa kanya?Makikitawa?Iiyak?Ewan.Tss.Akala ko pa naman mamatay na ako.He really caught me there.
"Hey,Sorry kung niloko kita.Ang sarap mo kasing pikonin.Tsaka ito?"Itinaas niya ang kutsilyo."It's just a toy."
"Bakit mo ginawa 'yon?Alam mo ba kung anong naramdaman ko?" Naiiyak kong sabi.
"Sorry,Okay?Ikaw naman kasi.What made you think na isa ako sa killer?Mukha bang mamatay-tao ang gwapong mukhang 'to?" Sabi niya at nagmake-face sa harap ko.Tawa lang ako nang tawa.Epic din.
"Ang panget mo."
"At least napatawa kita." Namula na naman yung mukha ko.
"Tara,Uwi na tayo."sabi niya at kinuha ang gamit niya.
"Maaga pa naman eh.Pwede mo ba akong samahan?"
"Sure,Saan?" Hindi na ako sumagot at hinila ko na lang siya.
Kailangan ko siya makausap.
*
Magkaharap kami ngayon.Nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.Tumingin siya sa kanan niya bago nagsalita na nakapanindig ng balahibo ko.
"Mukha naman siyang mabait,Faye.Bakit kailangan ko siyang layuan?" Tanong niya.
"Sinong kausap mo?" Tanong ko kay Zarry.
"Shh!Huwag kang maingay.May binubulong sa akin si Faye."sabi niya."Ano?Bawal ko siyang kausapin?"Pagpapatuloy niya.
"I think we should go." Sabi ni Briton.Sinagot ko naman siya ng iling.May kailangan pa akong malaman.
"Zarian,Sang-ayon ka din?" Sabi naman niya sa kaliwa niya."Ayaw niyo ba sa kanila?Hindi sila bad.Hindi sila gaya nung pumatay kay Jancy."
Naalarma ako.Alam niya.
"Sino sila?"Tanong ko kay Zarry.
"Secret walang clue hahaha." Sabi pa niya. "Hintayin muna nating umalis si Faye at Zarian,Baka hindi nila ako kausapin eh."
Pumayag ako at naghintay nang ilang minuto.Sigurado rin ako na naiinip na si Briton.
"Ayan,Wala na sila.Kaming tatlo lang kasi dapat ang nakakaalam nun.Ako,Si Faye tsaka si Zarian.Bawal kong sabihin kung sino talaga pumatay kay Jancy kasi kaibigan ko rin siya." Sabi niya.
Gusto ko bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jancy ngunit hindi ko na yata kaya.Ang hirap sa totoo lang.
"Ano ang dapat kong gawin para malaman kung sinu-sino sila?" Tanong ko.
"Kailangan niyong maglaro.Yung Enter In?Inimbento yun ni--"
Naputol ang sinasabi niya nang hilahin ako ni Briton."We need to go."
"Sandali."Sabi ko na nagpatigil sa kanya sa pangangaladkad at bumalik kay Zarry na pinaglalaruan ang dulo ng kanyang buhok.
"Sino?"Tanong ko sa naputol niyang sagot.
"Bleh,Walang ulitan sa bingi."Sabi niya.Aish!Nakakapikon.
Tumingin siya sandali kay Briton.Lumingon siya sa akin at may ibinulong.
"Ingat ka,Ganda.Even sugar looks like salt."
------------------------------
Sorry sa typo's if ever meron!Happy reading.
~MCB♥
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mistero / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?
