EI:V22I

64 11 1
                                    


Aira's POV


NAKITA ko ang mga mapanghusgang tingin ng mga kaklase ko lalo na sa katabi ko.Alam kong nagulat sila sa nangyayari pero hindi ba nila alam na nagulat din ako?


Hindi ko inaasahan ang nangyari.


Bakit siya ang nakahandusay imbes na ako? Akala ko ba matagal ng patay si Geri?


"Ha! I knew it.Ikaw nga ang killer."Sabi ni Loren habang binibigyan ako ng nandidiring tingin.


"Paano mo nasasabi yan,Loren?Hindi ngayon ang oras para magbintangan tayo." Pagtatanggol sa akin ni Janica.


"Aba! Magkasabwat pa kayo." Komento pa niya.


Hindi ko maibuka ang bibig ko.Gulat pa rin ako sa nangyari.


"Tama na nga yan! Ikaw Loren kung ano-ano pinagsasabi mo,Wala ka namang ebidensya."sabi pa ni Joza.


"May nakita akong clue dito!"sigaw ni Danzell na nakapagpatigil sa kanila.


Agad kaming lumapit sa kanya.Ramdam ko pa rin ang masamang tingin na ibinibigay nila sa akin.


"V22I?" Saad ni Briton hawak ang isang papel.


Pagkasabi niya 'non saka ko lang nakita ang itsura ni Geri.


Putol ang isang paa,Maputlang balat,Tama ng baril sa dibdib at...




Maliit na baby bump.



Napaluha ako kasabay nang pagsigaw ni Desirie. "I can't take this anymore! Ayoko pang mamatay.Kung ako sa inyo magta-transfer na ako."


"Ako rin,Hindi ko na kakayanin."sabi ni Khenshi.


Tumakbo sila palabas dala ang bag nila.


"Hooooyy! Bumalik kayo mga duwag!"sigaw ni Lyanne ngunit tuloy pa rin sila sa pag-alis.


Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na paalis si Jancy kaya minabuti kong sundan siya.



NAKARATING ako ng rooftop.Nakita kong nakaupo si Jancy sa may gilid.Pinagmasdan ko ang kanyang buhok na humahampas sa mukha niya gawa ng hangin at ang kanyang matang tila may iniisip na malalim sa gitna ng kawalan.


Makalipas ang ilang minuto napagpasyahan kong tumabi sa kanya.


"Anong ginagawa mo dito sa rooftop?"tanong ko sa kanya.Sana lang sagutin niya ang tanong ko.


"Iniisip ko lang yung tungkol sa clue and I think I get it." Sagot niya.


V22I....ang clue na iniwan ni YWN.


"Talaga?Pwede mo bang sabihin?"


"Of course,Kailangan may isa pang makaalam in case na ako na yung sunod." She said half laughing. "First is yung V .The Roman Numeral of 5,means lima ang pumapatay sa classroom natin.Second is 2 which represents dalawang lalaki .Third,2 again na ang ibig sabihin ay dalawang babae and last I ,Roman Numeral ng 1 that stands for isang in between ."



"Teka? Paano ka nakakasiguro na tama ang pinagsasabi mo?" Tanong ko.


"Believe me,Aira.Nitong mga nakaraang araw wala akong ibang ginawa kundi mag-obserba sa mga kaklase natin at alam ko na kung sino sa kanila ang killer."Mahabang paliwanag niya.


"Kung totoo yang mga sinasabi mo.Sabihin mo sa akin kung sinu-sino sila." Panghahamon ko sa kanya.


"I want but I can't.May mga bagay na ikaw dapat ang makaalam.I gave you enough information at sa mga oras na ito,Kailangan mong mag-doble ingat dahil marami ng matang nakatingin sayo." Sabi pa niya.


I give up.Hindi naman ako mananalo sa kanya and besides tama lahat ng sinasabi niya.Why am I putting myself in danger?


YWN's POV

Sumasang-ayon ang lahat sa plano ko.This is going to be great.Maghanda kayo 9-Acacia dahil mas maraming pasabog ang mangyayari.


" Ysabelle ,Ano na ang plano mo?"tanong ng isang lalaki.

"Hmm,Wala pa naman bukod sa dati." Sabi ko na nakapagpangisi sa kanya.


I really love how he smirk.


"Sino na ba ang sunod?" Tanong niya.


Siya na muna bago ang muling paglalaro dahil alam kong makakasagabal siya.


"Ang babaeng marami na ang nalalaman."

-----------------

~MCB♥













Enter In:Northbridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon