3rd Person's POV
PUMASOK sa silid ng 9-Acacia ang nag-imbestiga sa ilang kakaibang pangyayari.
"Magandang umaga 9-Acacia." Pagbati nito
Hindi siya pinansin ng 9-Acacia.
"Tungkol ito sa pagkamatay ni Sir Mapeyra." Agad nitong napukaw ang atensyon ng pinakamagulong pangkat.
"Nagsagawa kami ng ilang pag-iimbestiga at nalaman din namin na namatay siya saktong 7:00 ng gabi." Naisip ng 9-Acacia na posibleng ang kanilang guro ang narinig nilang sumigaw nang gabing iyon.
"Pito na rin ang namatay sa inyo."
Hindi maiaalis aa mukha ng 9-Acacia ang pangamba na isa na naman sa kanila ang maaaring mawala.
"Nasabi rin sa amin ni Detective Lawliet ang huling kaso ng namatay.Ininspeksyon namin ang mga ebidensya at nakumpirma naming kay Sir Mapeyra ang isang pusong nakalagay sa Ziplock.
Natakot ang 9-acacia. Kung ganoon ang nangyari.Nasaan ang kay Geri? Iisang tanong ang nangibabaw sa kanilang isip.
Samantalang may isang taong natutuwa sa mga nangyayari.
"Nagsisimula pa lang tayo takot na kaagad kayo." Gusto niyang humalaklak sa gitna ngunit dapat ipakita niya nakikisimpatya siya.
" 'Yun lamang 9-Acacia.Asahan niyong patuloy kaming mag-iimbestiga."
"Walang kwentang nilalang!" Naisip niya.
May isinulat siya sa papel. Isang clue. Pinag-isipan niya itong mabuti at napangiti na lang ng makitang maganda ang naging kalabasan nito sapagkat nadiskubre na ng 9-Acacia ang papel.
Jancy's POV
Yes! Uwian na.
"Joanne sabay tayo umuwi!" As usual, hysterical kong sabi.
"May project kasi kaming gagawin nila Joza."sabi nj Joanne.
"Yup!"
"Korek ka dyan!"
Dagdag ng magkapatid-kapatidan na si Zarry at Joza.
"Huh?! Anong project?"
Sa pagkakaalala ko kasi, Wala naman kaming project .
"Sa Filipino, Remember?" Pabebeng sabi ni Pia.
"Palibhasa kasi tapos ka na." Sabay irap pa ni Bakla.
"Oh, edi sorry na agad." Sarcastic kong sabi "Palibhasa kasi nag weekend na hindi niyo pa rin ginawa."
"Sorry na agad!"
"Tinamad po kasi."
"Ang hirap kaya ng buod ng bawat kabanata."
"Florante at Laura pa ang nais."
Tinalikuran ko na sila habang nagrereklamo sila.Dapat kasi nakamove-on na si Ma'am sa Florante at Laura pero nawala kasi ang importanteng tao sa Florante at Laura noon.Nawala ang gaganap na Laura dahil namatay na siya.That is the reason why we have to do Florante at Laura again.
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mystery / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?
